48- Best Day Ever!

46 0 0
                                    

Tantanan. Eto na guys, this is the moment! YaaY! Pati ako naeexcite sa paggawa eh. Finally.........

********

[ KATHRYN ]

Good morning :) 8:40 palang pero nasa jeep na ako. Nagpaalam ako kila Papa na may pupuntahan akong importante. Medyo nagduda pa sila kasi nga ang aga-aga pero sinalo naman ako ni Kuya Quen, syempre gusto niya rin na maging maayos na kami ni DJ. Hanggat maaari hindi namin pinapaalam kila Papa kasi maaapektuhan din sila, kaya wag nalang.

Buti nga na may isang tao dito sa bahay na napapagsabihan ko ng tungkol dito, para naman mabilis lang ako makalusot kay Papa. Hindi ako mahilig magsinungaling kay Papa kasi syempre mali yun, pero kelangan sa ngayon e.

*vibrate*

Text message from: Kats

Katreng, ano? Paalis ka na ba sa inyo? Si DJ kasi kasama na namin. Nakasakay na kami ng jeep papunta sa venue. Sunod na kayo nina Juls at Kiray ah? Txt bck.

Eto pa rin yung isa sa pinagpapasalamat ko, yung mga kaibigan ko. Kaylan ko lang rin nalaman na sinabi pala ni DJ yung issue namin kila Kats. At nakatulong naman yun para maisagawa ang araw na to, sana maging successful ang pag-aayos namin.

To: Kats

Oo sige Kats. Nakapagpaalam na ko kay Papa, nung una syempre nag-alala siya at nagduda kasi ang aga ng lakad pero sinalo naman ako ni Kuya Quen. Hay. Paalis na rin ako ngayon sa bahay. Salamat sa inyo ha? Sa lahat ng mga naitulong niyo samin para maayos to. Utang ko talaga to sa inyo. :)

Lumabas na ako ng gate namin matapos kong isend ang message ko kay Kats. Mabilis naman akong nakasakay ng tricycle. Pagdating ko sa kanto, agad kong pinara ang dyip na tumigil sa harapan ko at sumakay. Nagbayad ako at tahimik na naupo ng biglang tumawag si Kuya Quen.

( Hello bunso? )

Hello kuya. Oh? Napatawag ka? Miss mo agad ako? Hahah. Dont cha worry kasi nasa jeep na ako, kaya rin siguro medyo di malinaw. Choppy ka e.

( Hindi kita namiss, wag feeling! Hahaha. Kakamustahin ko lang sana kung anong pakiramdam mo. Kung sigurado ka na ba talaga sa gagawin mo, nako sinasabi ko sa yo ha. )

Kuya talaga, tinakot mo pa ko. Syempre, matagal-tagal na rin simula nung pag-aaway namin. Tsss. Syempre di ko na kaya no! Hindi ko naman matitiis yung mokong na yun, at alam mo yun Kuya. Kaya naman, kahit ilang beses mo pa kong tanungin, oo at oo at oo pa rin ang sagot ko. Hindi magbabago.

( Sabi mo yan ha, bunso? Kahit bunso ka ng pamilya natin e alam kong kaya mo ng solusyunan yang problema niyo ng bestfriend mo. Basta, take it easy. Mga bata pa kayo, mahaba pa ang panahon para magkaligawan at makapamanhikan okay? )

Ano ba yan kuya, lasing ka ba? Kung ano anong sinasabi mo e. Masyado kamg fast forward! Basta kuya, salamat ah? Kasi dinadamayan mo ko sa mga gantong pagkakataon. Eh mag-uusap lang naman kami e, di naman ibig sabihin nun na magkaka-label agad kami. Hindi ako nagmamadali, at kung mahal niya ako, maghihintay siya. Di ba?

( Tama yan bunso! Aba, nararapat ka pa ring magpakipot kahit konti. Hindi naman porque bestfriend mo yan, oo ka kaagad ah. Kilala ng buong pamilya natin si DJ, pero may mga tradisyon tayo. At kailangan niyong sundin iyon. )

Kuya talaga! Hindi pa nga sigurado kung may balak manligaw yung tao tapos napunta na kaagad tayo sa mga tradisyon na yan. Dahan dahan nga sa paghithit kuya, high ka na e!

( Sus. Kilig ka naman! As far as I know, kapag nakapag-usap kayo mamaya, tapos nagkabati at bumalik sa dati. Hindi ka na patagong kikiligin kasi alam mo ng gusto ka ng gusto mo. Yieee! )

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon