16* PE CLUB

30 0 0
                                    

Kath's POV

" Oh guys, rest muna. Balik kayo dito ng mga 2:30 para makapagpractice ulit tayo. :) " pagpapaalam ni Coach Jirby samin.

Yes, kasalukuyan kaming nandito sa school habang nagpapractice ng volleyball game at basketball game naman sa boys. Kung tinatanong niyo na baka pinapagod kami ng mga coaches namin at ng school nato, hindi naman. Kasi presently, 2 weeks ago na yun. Yes, 2 weeks ago pa yung pagpunta naming Laguna. Hindi muna kami pinapasok for 1 week. Yung mga activites, quizes,and assigments ng mga araw nayun? Perfect na daw kami lahat dun kasi sakripisyo rin daw naman yung mag stay dun ng 1 week. Astig di ba?

Pero yung mga gawain for this week, syempre kinakailangan naming magbawi dun. Halfday kami sa school stuffs, and then magpapaka athlete naman kami simula 12:30 hanggang 5:45 ng hapon. Masipag kami eh! :"> Pano daw kasi, kailangan naming magfocus rin sa game, kasi nga may friendly game daw ang school namin sa isang school na hinahandle ng President for Cultural Affairs namin. Haaaay.

Nagdiretso na muna kami sa canteen pagkatapos dumiretso na kami sa classroom. Thank you Lord at hindi pa nanggugulo samin si Sofia simula nung nagpunta kami ng Laguna. Napagod na siguro sa pagiging desperada. Nakakahiya rin kasi mga inaasal nun.

" Grabeee. Matatanggalan ata ako ng baga sa mga pinag gagagawa natin! Habol dito, habol dun! " reklamo ni Julia sabay inom ng C2 na binili niya.

" Agree ako sayo diyan, teh! " pag sang-ayon naman ni Kiray.

" Pero good thing din yun sa health natin kasi dahil sa walang tigil nating paghabol sa bola, nasusunog ang mga fats and cholesterol sa katawan natin! Physically fit kung tawagin! " sabi ko naman.

" Physically Fit ka nga, pero papatayin ka naman sa pagkahingal. " biglang sabat ni DJ. Wushu! Reklamo pa to eh passion naman niya ang basketball eh! :">

" Pero hilig niyo naman yun kaya wag na kayong magreklamo. Kumain nalang tayo kasi mamaya mapapasabak na naman tayo sa makatanggal bagang practice. Wooo! " sabi ko naman.

Mabilis na lumipas ang oras at pinaglaro na naman kami ni Coach. Pero ang hassle kasi eh! KATEAM NAMIN SI SOFIA. Nakakainis, lagi nalang sigaw ng sigaw ng MINE! Pwe! Alam ko naman na marunong o magaling siya sa volleyball pero sana wag siyang abuso. Ni hindi niya na kami pinapatira sa ginagawa niya eh. Desperada na, SOBRANG PABIDA PA. Nakakainis! Sarap ilublob sa inidoro!
Bigla naman akong kinausap ni Kiray sa kalagitnaan ng laro.

" Alam mo te, pag ako hindi nakapagpigil, iispike ko talaga sa mukha niyang si Sofia yung bola. Kakainis na eh! "

" Oy wag ka ngang ganyan. Grabe ka naman, hindi naman net ang mukha ni Sofia. Pero alam mo, naiinis na rin ako eh. Teka nga, kakausapin ko lang. " sabi ko. Lumapit muna ako kay Coach Jirby para magrequest na itigil muna sandali at may sasabihin ako. Pumayag naman siya kasi may tumawag rin sa phone niya. Right timing!

Nilapitan ko si Sofia habang naka cross arms pa ko. Nakapameywang naman siya.

" Sofia, diretsuhin mo nga ako ano bang problema mo? " Ako.

" You really wanna know huh? You. You are my problem. Ilang beses ko bang dapat sabihin yan sayo? Ni hindi mo man lang ba nararamdaman how much I hate you and your presence? " Siya.

ANSARAP MANIPA AT MANUNTOK NG GANITONG ORAS GRABE. ./.

" Hindi ko tinatanong kung anong problema mo sakin ng personal. At lalong wala akong pakealam kung ako ang problema mo. Ang tinatanong ko, anong problema mo sa larong to?! Ikaw lang ba player dito?! " Ako.

" Yes, madami nga tayo ditong magkakateam. Pero isa lang ang may specialized skills na hindi mo kayang angatan, at yun ay walang iba kundi ako. Ngayon, kung may problema ka sa ABILIDAD KO, problema mo na yun. " Siya. Nakakapang gigil na talaga, hindi na talaga nakakatuwa.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon