43* Pusong Lito

14 0 0
                                    

DJ's POV

Kinakabahan ako.

Nandito kasi ako ngayon sa bahay nina Kath. Sinadya ko talaga siya dito, kasi gusto ko ng sabihin tong nararamdaman ko. Mali ba yung timing? Mali bang sabihin agad tong nararamdaman ko? Eh pero, nandito na din kasi ako. Ayoko namang umurong nalang. Heto na, andito na ko. Kakausapin ko lang naman si Kath. Hindi naman ako gagawa ng eksena o kung anuman.

" Oh Daniela? Anong ginagawa mo dito? Hmmm. May kelangan ka ba? Kay Mama? Kay Papa? Kina Kuya? " bungad sakin ni Kath.

Woo! Grabe. Sobrang cheerful niya, ayokong sirain yung araw niya. Pero kelangan e. Para mailabas ko na rin to.

" Wala akong kelangan sa kanila, ikaw yung sinadya ko dito. " seryoso kong sabi sa kanya.

Naupo naman siya sa tapat ko.

" H-huh? A-anong kelangan mo sakin? Pwede namang sa text mo nalang sinabi o kaya tuma---------- " hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya.

" Hindi kaya to ng text o tawag lang, Kacha. Puso ang pinag uusapan dito. Yung nararamdaman ko nakataya sa usapang to, at gusto ko personal na sabihin sa yo."

Eto na. Lord, bigyan nyo ko ng sapat na lakas ng loob.

" Ano bang eksena mo, Estrada? Napipikon na ko sa yo ah! Nag jojo-------" sasabihin nyang nagjojoke lang ako kaya di ko na siya pinatapos.

" KATHRYN, MAHAL KITA. MAHAL NA MAHAL KITA."

Sa wakas, nasabi ko na rin. Pero, biglang nag iba ang aura ni Kath. Kumunot siya sakin at parang naguguluhan.

" Kath, let me expla-----" ginantihan niya ko. Di niya na rin ako pinatapos.

" YOU DONT NEED TO EXPLAIN THIS TO ME DANIEL JOHN ESTRADA. ANO BANG KLASENG KALOKOHAN TO? TRIP NA NAMAN BA TO HA?!!! KASI KUNG TRIP MO TO? HINDI NA KO NATUTUWA. NAIINIS NA KO! " sabi niya sabay tayo sa kinauupuan niya. Tumayo rin naman ako at hinawakan siya sa braso kasi paalis siya.

" Wag mo naman akong walk-outan oh. Gusto ko lang naman tong sabihin sa yo kasi matagal ko na tong tinatago. "

" ANO BA NAMAN DANIEL?!!! NAWAWALA KA NA SA SARILI MO EH! ALAM MO SA NGAYON, UMALIS KA NA MUNA. UMALIS KA SA BAHAY NAMIN. NGAYON NA. KASE AYAW MUNA KITANG KAUSAPIN. ALIS! SABI NG ALIS E! ALIS !"

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kin at mabilis na tumakbo papunta sa taas ng bahay nila, sa kwarto niya.

" Balang araw, mapapaliwanag ko rin sa yo kung bakit ko sinabi yung mga yun. Balang araw, pag handa ka ng malaman kung bakit."

Yan lang ang nasabi ko habang papaalis sa bahay nila, ng hindi namamalayang pumapatak na ang mga luha sa mata ko.

*****~~~

Kath's POV

I hate it. I hate him. I hate myself.

Antanga tanga ko kasi e! Nagtapat na siya di ba?!!! Bakit ba pinalampas ko pa? Ano ba naman Kathryn?! Napakapakipot mo naman eh! Bakit ka ba ganyan? Yun n yung chance mong aminin rin sa kanya yung feelings mo di ba, tapos pinush mo pa siya palayo?! Ano ba naman. =______=

Hindi ko namamalayang tumutulo na yung mga luha sa mata ko. Oo, umiiyak ako.

" Bakit naman kasi sa ganung paraan di ba? Hindi naman kasi dapat ganun yung nangyari eh! *sniff* Bakit kasi ganun yung inasal ko kanina? Di naman dapat yun yung sinabi ko eh. Dapat sinabi ko, *sniff* kung anong nararamdaman ko! Dapag sinabi ko ang nilalaman ng puso ko! *sniff* Sorry DJ, sorry kasi sobrang magulo lang yung isip ko. *sniff* dahil sa inamin mo, dahil sa nararamdaman ko, at dahil sa sitwasyon. Sorry, pero hindi ko muna kayang humarap sa yo ngayon. "

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon