42* Isola Vista(Part3)

30 0 0
                                    

Kath's POV

Another good morning from Kathryn Chandria Manuel here at Isola Vista Beach Resort! Hihi. Hyper ko ba? Wala lang. Masaya lang talaga ako kasi sa paglubog ng araw, kasama ko si DJ. Hindi na kasi kami umalis dun, andami narin naming napag usapan. Tapos di namin namalayan na magsasunset na pala, aalis na sana kami kaso, naamaze kami sa araw kaya naman mas pinili naming saksihan ang paglubog nito.
Nag selfie pa nga kami kasama si Haring Araw, agad naman tong inupload ni DJ kaya naman kinuyog agad kami nina Julia at Kiray pati ng ibang barkada. Puro comments nila yung nasa comment box ng post ni DJ.

Medyo nailang nga lang ako sa kanya kasi habang nanonood kami ng paglubog ng araw, hindi namin namamalayan na ang mga kasama pala namin, puro couples at lovers. Eh bakit ba? Puro lang ba lang lovers ang panonood ng sunset? So pag hindi mo gf o bf ang kasama mo, wala ka ng karapatang mawitness yun ganon? Hay nako, nasan ang hustisya? Hihihi.

Nandito nga pala sa kwarto ko, kakatapos lang naming kumain ng breakfast. Nasa kanya kanyang rooms na ang mga kasama namin, si Mama naman kasama ko dito. Nag aayos na kasi kami ng mga gamit namin e. Yung sakin, binubukod ko na yung gagamitin ko ngayong araw, tapos yung ibang hindi ko na gagamitin, ineempake ko na sa maleta ko. Kahapon kasi, pinalaundry na namin yung mga nagamit naming damit kaya naman, fresh na siya ulit. Hehe.

" Ma, thank you po pala sa bakasyon na tp ha? Nag enjoy po ako. Sobra. " drama ko kay Mama. Naupo naman ako sa kama at sinarado na ang maleta, tapos na kasi akong mag empake eh.

Ngumiti naman si Mama sakin.

" Walang kaso yun, anak.Tsaka, nag enjoy din naman kami eh. Tsaka, buti nalang naisama natin si DJ. Mukhang mas nagenjoy ka nung kasama siya eh. Hihihi." Ay nako si Mama talaga. =_=

" Ma naman eh! Wag niyo nga akong asarin dun. Nangingilabot ako eh. " sabi ko naman. Ayoko lang kasing malaman ni Mama na gusto ko si DJ. Baka matsismis pa kay Tita Karla. Haysus. >_ <

" Ay grabe ka naman anak! Mabait na bata naman yang kaibigan mo. Napalaki siya ng maayos nina karla at Rommel. Ano bang problema kung siya makatuluyan mo? "

" Alam mo Mama, ganyan talaga kayo mag isip no? Pinagboboyfriend niyo na kaagad ako kahit wala pa naman yan sa mga priyoridad ko. Tsaka Ma, hindi naman kasi talaga pwede. " sabi ko naman.

" Ikaw bahala, nak. Puso mo naman ang masusunod diyan eh. "

Sumimangot nalang ako. Eh kasi naman! Talong talo ako ni Mama pagdating sa mga ganyan. Sobrang galing niya kasi e. Siya yung mala ADVICE GANDANG mommy ng buhay ko!

***~

Nandito kami ngayon nina Kuya, DJ, at Mama. Nangunguha kami ng mga shells para naman remembrance. Hindi niyo kase naitatanong, may talent si Mama pagdating sa mga paggawa ng handicrafts. Tinuro daw kasi yun ng Lola Celia ko sa kanya nung kabataan niya. Nung dalaga pa siya, nung boyfriend palang niya si Papa, ginawa niyang side business ang paggawa ng handicrafts. Para dagdag kita din para sa tuition niya nung college. Pero nung nagpakasal sila ni Papa, tumigil na siya kasi masyadong gentleman si Papa eh, gusto niya siya ang magtrabaho para sa family namin. Ang sweet di ba? Kaya ayun. Pero, marunong pa din si Mama hanggang ngayon. Kaso, nung mga bata pa ko, hindi niya ko masyado natuturuan kasi baka daw manibago ako, baka masugatan daw ang kamay ko. Pero ngayon, ready na ko. Pano naman ako matututo ng hindi nasasaktan? Sabi nga nila, walang shortcut sa lahat ng bagay.

Ayan. Nandito na si Mama, kanina kasi, nag comfort room siya sandali. Nawiwiwi eh. Haha!

" Ano? Nakakuha na ba kayo ng sapat na shells para sa gagawin natin? " tanong samin ni Mama. Para kasi kaming mag seseaside activity eh. Crafting lesson ang peg.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon