22* Welcome Home, Mrs. Manuel!

14 0 0
                                    

Kath's POV

Yebba! Haha. Sorry kung hyper ako masyado, pano kasi, NGAYON NA NAMIN SUSUNDUIN SI MAMA SA AIRPORTTTT! yehey! Matagal tagal na rin naman simula nung huling umuwi si Mama galing abroad. Syempre miss na miss na namin siya. Kung itatanong ninyo kung pano ako nakasama eh may pasok ako? Nako! Galante ang school namin kaya naman kada semester, pagkatapos mag deliberation ng awards, may 3 day vacation. So meaning, mas matagal naming di makikita sina Sofia.

Nandito pa kami sa bahay, nag paprepare pa tsaka on the way palang si Kuya Xander kasi siya yung kumuha ng nirentahan naming van. My outfit? Dress. Wala lang, gusto ko lang itry. Yung pink na dress. :) Tapos flat shoes lang.

" Oh ano? Okay na ba yung mga pagkain? Yung adobo tsaka kanin ready na ba? " natatarantang tanong ni Papa. Si papa talaga, nahahalatang miss na talaga si Mama .

Lumapit naman ako sa kanya.

" Papa, pwede bang chill lang muna kayo? Wala naman pong inaasahang bagyong tatama sa lugar natin eh, di ba Kuya ? " Ako. Syempre sino pa bang Kuya? Si Kuya Quen. :)

" Oo nga naman Pa. Nako bunso, hayaan na lang natin si Papa. Halatang excited na excited na mayakap at mahalikan ulit si Mama. " Kuya.

" Magsitigil nga kayo diyan. Kayo talaga. Alam niyo mabuti pa, tulungan niyo nalang ako sa pag bubuhat ng mga kailangan papuntang terrace. Kath, puntahan mo na lang muna sina Karla at Rommel sa kanila. Sasama daw kasi sila sa pagsundo eh. " Papa.

Si Tita Karla at Tito Rommel? Sasama? Sabagay, wala namang bago dun. Kasi , bestfriends naman si Mama tsaka si Tita Karla kaya siguro ayun, yun na rin yung naging foundation ng friendship namin ni DJ. Oh sya, tama na ang kwento. Puntahan ko na sina Tita Karla.

" Sige po Pa. Una na po ako . " Ako.

**********

Nandito na ako ngayon kina DJ. Nagulat naman ako, bigla kasing lumitaw si Tita Karla eh. Bihis na bihis.

" Oh hi Kath! *beso* " Tita.

" Hello po Tita Karla, uhm. Pinapapunta po kasi ako ni Papa kasi sasama daw po kayo sa pagsundo kay Mama eh. :) " Ako.

" Ah ganun ba? Oo nga eh, sabik na sabik na kasi akong makita ulit ang bestie ko nung araw. Haha. O sige hija ah? Kunin ko lang yung bag ko sa taas tapos intayin mo nalang ako dito okay? " Tita.

" Sige po Tita " Ako.

" Ay nga pala Kath, pakisabi nalang sa Papa mo na hindi makakasama si Rommel ngayon eh. May biglaang meeting siya with kumpareng Arnel. Kaya si DJ nalang ang kasama ko. So you two can have a bonding time din di ba? Sige hija. " Tita.

Ano? Si DJ ang kasama? Hasus. -.- Kala ko pa naman di siya kasama. Umupo nalang ako sa couch habang nagiintay kay Tita Karla.

--------------

" Uy Pusa! " rinig kong tawag sakin ni DJ.

" Ow ano? Balita ko ikaw nalang raw ang sinama ni Tita Karla ah? " Ako.

" Oo naman! Eh may meeting si Paps eh. Mabuti nga yun eh. Dun tayo sa backseat ah? May papakita akong video ni Zacky Adams. Astig mag skateboarding nun! " Siya.

-.- Who is Zacky Adams? Siya lang naman yung nagpanganga samin sa viral video niya sa Facebook last last month. Simula nun, idol na namin siya. Astig kasi eh! Parang nakaglue talaga yung paa sa skateboard niya. Walang kahirap hirap gumawa ng mga stunts! Kaso, malabong mameet namin siya. Kasi Filipino-British siya eh. So, hanggang pangarap lang kami.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon