25* The MasterMind

23 0 0
                                    

Kath's POV

Goodmorning! 9:30 na. Pero, nandito pa ako sa bahay. Napagdesisyunan kasi na hindi nalang muna ako pumasok ngayong araw. Kailangan daw magpahinga ako, sabi nina Mama at Papa. Sina Kuya naman, galit na galit kasi mahal na mahal daw nila ang bunso nila tapos gaganunin lang. Haaaay. ^_^ Ang susweet talaga nilaaaa. Tsaka, sa totoo lang, medyo masakit pa yung tiyan ko. Syempre! Ikaw kaya ang suntukin dun? Mananakit ang sikmura mo tapos magkakapasa ka pa.

Habang nanonood ako ng TV sa Sala namin.......

" 'Nak, maligo ka at magbihis ha? May pupuntahan tayo kasama ang si Kuya Quen mo. Isa lang kasi ang pwedeng umabsent sa trabaho nila. Ang papa mo at si Xander, nasa trabaho na. " sabi sakin ni Mama. Teka? San naman kami pupunta ng ganitong oras?

" Uhm Ma? San po tayo pupunta? " tanong ko. Kasi clueless talaga ako eh.

" Sa school niyo. Kakausapin ko lang ang principal ninyo about sa nangyari kagabi. Anak, hindi ako makakapayag na mapalampas pa to. Nung mga panahong wala ako, hindi ko nagagawang maging ina sayo ng buo. Pero yung apihin nila ang anak ko? Ipaglalaban kita anak. " Mama.

Awwwwwwwwwww. =] Ang sweet naman ni Mama. Tapos nagsalita naman si Kuya Quen.

" Oo nga Bunso. Mahal na mahal ka ng pamilyang to, pagkatapos sila ? Pagbubuhatan ka nila ng kamay? Tsss. Walanghiya. " Kuya.

" O siya siya, tama na po ang drama. Maliligo at magbibihis na po ako. Salamat po huh? Intayin niyo nalang po ako after 15 mins. " Ako.

Umakyat naman ako sa taas at naligo. 5 mins lang ako naligo kasi sabi ko kila Mama eh 15 minutes, kung tatagalan ako, lalampas ako ng 15 minutes. Hahaha.

Nagbihis lang ako. Nag colored pants nalang ako, yung flesh ang kulay, tapos nag hang in shirt. Eh wala eh! Yun talaga yung fav. Top ko! Hang in shirt. Anyway, this time ang hang in ko is colored gray with a caption : WE CAN BE HEROES, then yung sando ko, kakulay ng pants ko.

Bumaba na ko at nakita kong nandun na sina Mama at Kuya, ready na. Ay? Bilis ah. XD.

*************

Nandito na kami sa school ng mga bandang 10:45 am. ☺ dumiretso na kami sa Principal's OFFICE.

" Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? Mrs. Manuel? " tanong ni Mr. Falco kay Mama. Kami naman ni Kuya tahimik lang.

Kinwento naman ni Mama ang lahat ng nangyari kagabi. Halata naman sa mukha ni Mr. Falco na nagulat siya. Siguro nga, wala pa siyang kaalam alam sa nangyari.

" T-talaga ho? Im so sorry. Im very sorry of what happened last night. Hindi ko ho alam na may nangyaring mga ganun kagabi. Kasi bago naman po namin sinarado ang buong campus, we checked all of the rooms, labs, or even the comfort rooms, at wala naman pong tao. Kaya sinarado na namin ang buong campus. " Sir Falco.

" Pero sa tingin niyo, sino po ba ang pwedeng gumawa nito sa anak namin? Sir, kailangan niya pong maparusahan! Hindi po kami makakapayag na palampasin to kasi sobra na ho ang ginawa nila sa anak ko. " Mama.

" Opo Mrs. Naiintindihan ko po kayo. Mapaparusahan din po siya kapag nalaman na natin kung sino siya. Sa ngayon po, sino pa po ba ang mga kasama niyo nung mangyari yun? " Sir Falco.

Ako na ang sumagot sa tanong ni Sir.

" Sir, marami po kami. Ako, si DJ Estrada, si Julia Montes, Kiray Celis, Katsumi Kabe, JC Padilla, Lester Giri, at Seth Gothico. Magkakasama po kami nun. Bumibili po sila ng shake sa store na katapat ng school. Ako naman po nagccr. Then, cinorner nila ako sa cr at naghire pa sila ng dalawang lalaki. Sinuntok nila ako sa tiyan para mawalan ng malay at maikulong sa CR. Akala siguro nila ngayon palang ako mahahanap. " Ako.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon