32* EJ JALLORIN'S REASON

23 0 0
                                    

Kath's POV

Nandito kami ngayon sa gym ng school. 2 days ago na yung prom. Ngayon, nag paplano ang livelihood club para sa nalalapit na School Fair 2015. Isasabay na rin daw yun sa ika 45th School Anniversary. Nandito si Kuya Kevin, pinapaliwanag niya kung ano ano ang mga dapat mangyari. Nandito rin ang officers ng Student Council, pero si Kuya Kevin parin ang naghahandle sa kanila.

Sabi ni Kuya Kevs, kailangang maging maganda ang Fair na to kasi ayaw naming mapahiya sa Principal ng school, sa board, specially kina Mr. Jallorin. Baka kasi isipin nilang papetiks petiks lang ang students dito. May inassigned si Kuya Kevin na grupo sa bawat bagay na dapat asikasuhin.
Luckily, naassigned kami ni Julia sa registration area kung saan pera lang at area ang pag uusapan. Bale, samin unang lalapit ang mga magtatayo ng booths sa fair. Magbabayad sila kung magkano yung halaga ng area nila pati na rin yung cart or stall na itatayo nila. Sila DJ at Katsumi naman, naassigned sa DECORATIONS. Meaning, sila ang bahala sa designs at magiging hitsura ng buong gym sa School Fair. Medyo complicated, pero kaya na nila yun kasi lalaki naman sila eh. Sina Lester, Seth, Kiray, at JC naman, napapunta sa TOURING SECTION. Kung saan, kapag may special guests, sila ang bahalang mag asikaso nun.

" Grabe? Ambilis ng panahon ano. Kanikanina lang, nagpoprom pa tayo pagkatapos naman ngayon, malapit na ang School Fair 2015. " DJ .

Sumang ayon naman si Lester.

" Oo nga pre eh. Ang bilis ng panahon, pagkatapos konting push nalang, gagraduate na tayo. Mamimiss ko ang Saint Nicolas "

" Pero, sigurado ba kayong kaya niyo ng dalawa yung pagdecorate ng buong gym, DJ? Kats? " Seth.

" Oo naman. Kaya na namin yun. Pero, kapag naman kailangan namin kayo, tatawagin nalang namin kayo. :) " Kats.

Tumango naman kami at nagkanya kanya na. Syempre, magsisipag muna kami dahil malapit na ang school fair. 2 days from now, School Fair na. Kung sa iba, ang School Fair ay for a whole day lang, bongga dito. Kasi for 3 days namin siya icecelebrate.

************

Wala naman kami masyadong gagawin ni Julia today kasi sa registration area lang naman kami eh kaya, naisipan naming magpunta muna sa garden ng school.

" Kathy, what do you think is his reason kung bakit sya bumalik ? " Juls asked me.

" Si Ej ba? " tanong ko.

Nagnod naman si Julia.

" Ahhh. Eh, hindi ko rin alam yung real reason niya. Pero, I think nandito siya to clear things out. :) Yung sa kanila ni Kiray, siguro gusto niyang ayusin. "

" Ayusin ba kamo? Well, dapat talaga niyang ayusin. Kasi basta nalang niya iniwan yung kaibigan natin. Wala man lang pasabi kung bakit niya yun ginawa. Alam mo, mabuti nalang naandyan si JC nung Prom, siya yung naging sandalan ni Kiray nung una niya ulit nakita si EJ. "

" Pero di ba hindi naman dapat tayo basta basta nagagalit kay EJ kasi ginawa naman niya yun for a reason. " sabi ko.

" Reason. Oo, ginawa niya yun dahil may dahilan siya. Dahilan na hindi man lang niya sinabi satin o kay Kiray kaya masyadong naging masakit yung pag alis niya para kay Kiray. Dahilan na, hanggang ngayon, palaisipan parin kay Kiray. " sabi naman niya.

Napatahimik naman ako sa sinabi niyang yun. Maya maya, may nakita kaming lalaking naglalakad lakad dito rin sa may garden. At nung mamukhaan namin, si EJ.

" Juls, wala naman sigurong masama kung tanungin natin siya di ba? Para, mabigyang linaw na rin lahat ng nakaraan nila ni Kiray. " tanong ko.

" Pero, di ba mas maganda kung sila nalang ni Kiray ang mag usap tungkol diyan? Wag nalang kaya tayong makigulo? "

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon