20* Sofia's Special Chapter

10 0 0
                                    

Sofia's POV

Bwisit talaga! Nakakainis sila. Yung barkada nila! Bakit ba kasi lagi nalang sila yung lumalabas na api at tama sa paningin ng ibang tao?! At dahil dun kami pa! Kami pa nina Jane at Miles ang nasuspend! Pinapangako ko talaga na gagantihan ko ang mga yan, kapag nakapasok na ulit ako.

Oo, alam ko halos lahat kayo kinamumunghian na ko dahil pahirap ako sa buhay nina Kath and DJ. Bakit? Sila ba hindi nila pinapahirapan ang puso ko sa tuwing magkasama sila?! Sobra akong nasasaktan! Kaya naman tama lang na laging ako ang panira ng araw nila kasi kulang pa yun sa inggit, selos, at galit na nararamdaman ko! Wala kasi kayong alam sa kung anong meron kami sa nakaraan.

Noon, isa lang akong ordinaryong estudyante. First year Highschool palang, gustong gusto ko na si DJ. Pero alam ko namang di niya ako mapapansin kasi ano ba naman ako non? Isa lang akong hamak na NERD. May bakod sa ngipin ( braces ) , manang kung manamit, at higit sa lahat, hindi marunong makipag socialize. Wala akong ibang tinuturing na kaibigan kundi ang mga librong lagi kong binabasa at lagi kong dala.

Minsan isang araw, may mga bullies akong naencounter. Inasar nila ako na NERDY SOFIA daw ako. Hindi naman ako makalaban, kasi hindi pa nabubuhay ang matapang na Sofia noon. Pinag tulakan nila ako at pinagpasa pasahan ang mga libro ko. Napadapa ako sa lupa sa lakas ng tulak nila. Pero may isang taong naglakas loob na tulungan ako. Pinagtanggol niya ako sa mga bullies na yun at tinulungan pa niya akong makatayo. At SI DANIEL JOHN ESTRADA ang lalaking yun.

Simula nun ang laki na ng paghanga ko sa kanya. At minsan ko ng hiniling na sana magustuhan niya ko. Pero pano naman niya ako magugustuhan kung ganto ang hitsura ko? Kaya naisip kong magbago ng hitsura. Nagpa derma ako , nagsabon ng kung ano anong pampaputi. Pinatnggal ko ang braces ko, at bumili ako ng mga damit na pang fashionista. Simula nun, nag iba nako. Naging palaban, maldita, at gustong gusto kong mapasakin si DJ .

So ngayon alam niyo na ang kwento kung bakit ako nagkakaganito. Masisisi niyo ba ako? Si DJ lang ang kaisa isang lalaking minahal ko simula nun. Pero hanggang ngayon, di ko pa rin magawang mapasakin siya. Tssss .

Sobrang galit na galit rin ako kay Kath, kasi bakit ba lagi nalang siya? Siya nalang ba at ang mga barkada niya ang nakikita ni DJ? Ni hindi man lang ba niya aalalahanin ang babaeng tinulungan niya noon? Pwes, gagawin ko ang lahat para ipaalala sa yo na AKIN KA LANG. At hinding hindi ako makakapayag na may makaagaw pa sa kanya at sa atensyon niya. Maging ang bestfriend man niya, o ang mga kabarkada niya. Kung may haharang sa mga plano ko, I will make their lives a LIVING HELL.

Kung hindi ko makukuha si DJ sa pakiusapan, dadaanin ko siya sa marahas na paraan. *evil smile*

***********

What's with Sofia's plan? Is this a threat for Daniel and his friends? ABANGAN.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon