12* Announcement of Livelihood Club

24 1 0
                                    

Kath's POV

Haaay. Good morning Pilipinas! Time check? 6:15 am. Wala eh, maaga akong nagising kahit na medyo gabi na kami nakauwi dahil sa surprise na ginawa nina DAniela.

Nag open muna ako ng FB account ko at nakita ko na may pinost si DJ sa timeline ko. Pagkaopen ko, nakita ko kaagad yung picture namin. Isang picture lang yun, yun yung kinunan ni Seth bago kami kumain. Tapos, may greetings pa. About pa din sa friendsary namin, pero chineck ko yung time, kagabi pa yun ng 11:00 ng madaling araw. Effort?

Hey Kacha! Im sure hindi mo to kaagad makikita kasi baka napagod ka. Sorry huh? Kasi lahat ng taong nakapaligid sayo kinunchaba ko na. Gusto ko kasing maperfect tong surprise ko sa yo. Happy Friendsary ha? Sana nagustuhan mo yung surprise ko. Effort yan ng bestfriend mong halimaw eh! Haha. Sana magtagal pa ang pagkakaibigan natin! Biruin mo ba naman, 7 years ng pagkakaibigan? Di na joke yun. Yun lang. Enjoy our daay kahit madaling araw na at pagpatak ng 12 tapos na araw natin. Labyu bestfriend! (☆^ー^☆)(☆^ー^☆)

☁☁☁☁☁☁☁
☁☁☁

☁☁
☁☁☁☁
☁☁☁☁☁☁
☁☁☁☁☁☁☁

Awwww. Haha. Grabity lang ha? 1,119 likes? Tapos 250 comments pa? Puro mga papuri pwera lang sa tatlo! Sino pa bang magcocomment ng nega ?

Fr: Sofia Andres
- How cheap. Yan lang ba? Hindi dapat nilalaanan ng effort ang isang katulad niyan.

Fr: Jane Oineza
- You are so right, girl. You are the deserving one, and not that ugly creature.

Fr: Miles Ocampo
- Yeah right girls! Assumera na, linta pa. Dikit always kay Fafa DJ!

Parang panis tong mga to! Kalbuhin ko kaya kayo? Nagcomment ako para inisin sila.

" THANK YOU BEASTFRIEND! HINDI KO MAKAKALIMUTAN NA NA EFFORT KA PARA SAKIN. KINUNCHABA MO PA TALAGA PATI FAMILY AND FRIENDS KO! NAKS NEMEN. "

Oh ano? Baka lalo ako awayin ng mga yun. Bahala sila, basta ako masaya. Haha.

*****

Nasa school na ko ngayon kasama silang lahat. Yes, sa school namin may pasok ang 3rd year at 4th year tuwing Sabado.Sobrang dami naman nila pag tinype ko pa. Alam niyo na kung sino sino sila no! Nasa room kami ngayon. Katatapos lang kasi ng break namin, nag bell na rin, kaso wala pa yung teacher namin kaya natural, gulo gulo muna ang klase. XD.

" Grabe girl. Kahit hindi ako yung sinurpresa, ako yung hindi makamove on sa surprise ni DJ sa yo! Haba ng hair mo ha PUSANG BESTFRIEND! " Juls habang pinaglalaruan ang buhok ko. Mabilis ko naman tong hinawi para bitiwan niya na. Haha!

" Oo nga girl! Taray ni Kuya. Pinaglaanan si bestfriend ng effort! Anong nakain mo Daniel? " Kiray.

" Wala naman akong nakain. Sadyang natripan ko lang sorpresahin si Kath kahit wala siyang kaalam alam. Haha! " DJ. Langya! Trip lang talaga niya yun?

" Move on move on pag may time ! Kayo talaga. Tss. " Ako.

Ilang minuto pa dumating na ang adviser namin pero ang pinagtataka ko lang, kasama niya si Kuya Kevin, ang volunteer handler namin sa Livelihood Club. I smell something, more like a new activity to do na naman.

" Good morning class! Please seat down to your respective seats. " Mam.
" So napansin niyo namang nandito kasama ko si Mr. Kevin Aleja , ang handler ng Livelihood Club. May iaannounce siya sa lahat ng members ng club niya. So Mr. kevin, you may announce whats the matter. :) " Mam.

Nako, siguro nga bagong activity ito.
" So goodmorning guys. So, sa lahat ng members ng Livelihood Club, kinausap ako ng Principal natin at sinabi niya sakin na may kauna unahang project na tayo. Isa itong Outreach Program. Kaya lang, hindi ito gaganapin dito sa ating lugar, gaganapin to sa Laguna. Meron kasing isang bahay ampunan dun na masyado nang maraming batang kinakalinga, gusto sana nating abutan ng konting tulong. Atsaka isa pa, magcoconduct tayo ng ibat ibang activities na makakatulong sa mga bata doon. Kaya, nandito sana ako para ipaalam sa inyo na mangyayari yun sa Lunes hanggang Biyernes. Nandito na kay Mam ang waiver slips ninyo. Kung payagan man kayo, pakipirmahan nalang yan ng parents ninyo at kung hindi naman, pakibigay nalang sakin sa Friday kasi hindi muna tayo magkikita eh. Ang tagpuan ng mga sasama ay dito sa school, 6:30 ng umaga kasi may 2oras rin ang byahe. Walang malelate dahil sorry, pero seryosong iiwanan na namin kayo. So sana maliwanag na sa lahat. Si Mam na ang bahalang magdistribute ng slips. So thank you and have a good day! " Then he walked out of the room. Pinamigay naman ni Mam ang waiver slips.

Habang nagkaklase kami, napapaisip ako. Papayagan kaya ako ni Papa dito? 1 week kasi eh. Tapos Laguna pa. Medyo malapit lang rin naman samin pero, nag aalinlangan pa rin ako eh.

*******

( Dismissal )

" Sa tingin niyo, payag kaya ang parents ninyo? " Ako.

" Siguro naman papayag sila, Kathy kasi bagong experience to for us. " Juls.

" Oo nga. Tsaka malalaki na tayo, hindi na tayo baby. Kaya na natin maging independent para rin matuto tayo sa isang linggong pagiging malayo sa kanila. " Kiray.

" Pero kahit na, you all know how protective parents are. Nag dadalawang isip nga ko kay Papa eh. " Ako.

" Sayang naman kung di ka payagan ni Tito, bestfriend. Ako nga pipilitin ko si Mama na pasamahin ako eh. Pero useless din pala kapag di ka pinayagan. " Daniela.

" Ewan ko sayo Daniela! Hahaha. Seryoso, gusto ko talaga sumama kasi bukod sa new experience, mas matututo tayo sa gagawin nating to if ever. " Ako.

" Bahala na, basta payagan man o hindi, enjoyin nalang ng kung sino mang sasama. Dont forget to take pictures as memories. " Seth.

********

( 7:00 p.m. Nagdidinner sina Kath )

Haay. Hindi ko talaga alam kung papano sisimulang magpaalam kay Papa. Aaminin ko, kahit pa ganito ako, protective pa rin sila sakin kasi babae pa rin naman daw ako. Lalo sina Kuya, OA masyado! Anyway, kailangan kong lakasan ang loob ko.

" Ahem. Ah Papa, Kuya Quen, Kuya Xan, may gusto po sana akong sabihin. " Ako. Hay Kathryn! Kaya mo 'to. Ikaw pa ba?

" Oh ano yun , anak? " sabi ni Papa.,

" Ah eh kasi po dun sa isa kong sinalihan na club, sa Livelihood Club po, may isa po kaming gagawing activity, bale unang activity po ng club namin kaya required lahat magparticipate. Kaso po hindi po dito sa lugar natin eh, sa Laguna po. Tapos po 1 week kaming stay-in dun. " Ako. Halata naman sa mga mukha nilang nagulat except kay Kuya Quen.

" Pa, Kuya Xander, payagan niyo na tong si Bunso. Sa livelihood club kasi ganyan talaga, tsaka tutulong naman po sila dun eh kaya walang magiging problema. " Kuya Quen. Salamat kuya ah? Mukhang nakumbinsi mo na din si Kuya Xan. Pero si Papa pakiramdam ko hindi pa.

" Alam mo tama ka bro! Payagan na natin si Bunso Pa, matututo din siyang magpakaindependent dun di ba? Tapos mag eenjoy pa siya. Tsaka new experience din. " Kuya Xander. Kahit kelan talaga lagi akong suportado ng mga Kuya ko! Kaya labs ko yang mga yan eh.

" Please Papa? Promise ko po sa inyo magpapakabait ako dun. Tapos textmates tayo para malaman niyo kung ano yung mga ginagawa namin dun. Behave ako papa pramis! Lagi naman akong mabait eh. " Biro ko.

Nag isip muna sandali si Papa na para bang nirerealize yung point namin nina Kuya. And then he smiled. Nako alam ko na sagot nito!

" O sige na nga. Payag na ako. Eto kasing mga Kuya mo laging boto sa yo eh! Basta ha, laging magpapakabait at wag kakalimutang magdasal. Tsaka, kasama mo naman si DJ di ba? " Papa. Hay nako, siningit mo na naman sa usapan si Daniela, Papa.

" Ah opo pa. Kasama po siya. Alam ko namang yun ang pinaka pinagkakatiwalaan niyo sa mga kaibigan ko. By the way, thank you so much Papa! Iloveyou na talaga. " Ako sabay tayo sa upuan ko at hug kay Papa.

We continued our dinner. Grabe! Ansaya saya talaga. Pumayag si Papa na sumama ako sa Outreach Program ng school. New experience to. Sana lang pinayagan din sina Julia, Kiray, Seth,Les,Kats,at JC. Sana rin kasama si Daniela. Hay. Para kasing Im feeling something special. But Im not yet sure. Is this what you call LOVE? No kath. Hindi ka pwedeng mainlove kay DJ. Beastfriends lang kayo di ba? Hays. Infatuation lang yan.

Nevermind. NagGM nalang ako.

To: Juls,Kiray,Seth,Les,Kats,JC,Beastfriend kong Halimaw

Pinayagan ba kayo? Ako kasi oo eh. Haha. See you all sa Monday! 6:30 ng umaga. Wag malelate. This will be fun!

- Manuel

* Makatulog na nga lang, kung ano anong naiisip ko dahil sa kaantukan.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon