57- Overnight ⏰⏰

11 0 0
                                    

*****
[ KATHRYN ]

" Pa, mauna na po kami ni 'Dy ha? Salamat po pinayagan niyo kami. Promise po Pa, bukas ng maagang-maaga nandito kaagad kami. " pagpapaalam ko kay Papa.

Tutal, nakahanda na rin naman ang bag ko na may lamang undergarments, clothes, at personal belongings na pang-hygiene.

" Oo naman, anak. Walang problema. Basta, behave lang ha? Hindi porque mag-oovernight kayo e may gagawin na kayong hindi nararapat ha? DJ,inaasahan kong magiging gentleman ka sa anak ko. " pagreremind naman ni Papa.

Si Papa ba talaga 'tong kaharap namin? Grabe siya, oh! Makapagremind naman kay 'Dy, parang may gagawin kaming masama.

" Opo, Tito. Makakaasa po kayo. :) Ako pa? Eh wala naman po akong binalak na masama sa anak niyo kahit kelan eh. Nandito po ako para proteksyunan siya, at hindi po para gumawa ng masama sa kanya. Tsaka, nandon naman po sina Mams at Paps para magbantay sa buong barkada. " sabi naman ni DJ.

Nagpaalam na nga kami kay Papa at sumakay na ng tricycle. Papunta kasi kami ni 'Dy sa bahay nila na malapit lang sa amin.  Hindi pa weekend, Thursday palang at Friday pa bukas pero wala kaming pasok ng dalawang araw. SportsFestival kasi ng Elementary and Highschool Department, eh wala naman kaming participation 'don at wala naman kaming gagawin, isa pa raw kaming intindihin at alalahanin ng Principal at ng mga professors namin, edi pinawalan na lang kami ng pasok.

Pabor pa rin sa'min ang desisyong ganon. Nyahaha!

Mabilis lang ang byahe simula samin papunta kina 'Dy, kaya naman agad kaming nakarating sa kanila. Pagpasok namin, nadatnan ko si Tita K na naglilista ng kung anoman sa lamesa at nakapatong doon ang tatlo niyang cellphones at isang Laptop. Iba na talaga kapag businesswoman ka.

" Hi Tita! " bati ko. Agad naman kaming lumapit kay Tita at nagbeso.

" Hi Ma! Mukhang, busy-ng busy ka na ulit diyan ah. Madami bang na-order? " tanong ni 'Dy.

Itinigil muna ni Tita K ang ginagawa niya at saka kami hinarap. Ngumiti siya sa amin at pinaupo kami.

"  Oh? Nandyan na pala kayong dalawa. Pasensya na kayo ha, at hindi ko kayo napansin kaagad. Marami lang talagang ginagawa, e. " at nagpatuloy na si Tita sa pagsusulat. It seems like mga orders ang  nililista niya.  Workaholic talaga ni Tita.

" Uhm, 'My. Akyat ko lang sa kwarto niyo ng girls mamaya 'yong mga gamit mo ah. Tapos, mag-aayos na lang rin ako. Mamaya kasi dadating na din sila. Sunod ka nalang kapag gusto mo. " paalam samin ni 'Dy.

'Nung nakaalis na siya, tsaka ko sinagot si Tita.

" Sobrang workaholic nyo po pala talaga, Tita. Maswerte po si DJ tsaka si Tito Roms na kayo ang naging ina at asawa nila. " sabi ko kay Tita.

Kahit naman kay Mama e, sobrang swerte namin nina Kuya tsaka Papa.

" Nako, ganyan naman talaga. Kailangang magtrabaho para sa pamilya. Mabuti nga at maswerte rin ako sa mag-ama ko. Si Roms, loyal pa rin sa kagandahan ko. At si DJ, nako napakabait na anak niyan. " papuri naman ni Tita kina Tito Roms at 'Dy. Well, I agree naman.

" Ah. Sige Tita, akyat lang po ako sa taas. 'Don sa kwarto na pinagdalhan ni 'Dy ng mga gamit ko. Baka po maistorbo ko pa kayo diyan. :) Sige Tita. Bye po. " sabi ko. Bumeso lang ako kay Tita at saka umakyat na sa taas.

********

4:30 ako dumating dito at 5:15 naman dumating ang iba. S'yempre, si Julia eh hatid ni Kats, at si Kiray naman kasama rin ni JC. Si Seth at Lester naman ang magkasabay. Pumunta kami saglit sa kanya-kanyang rooms. Magkakasama ang boys sa isang room at bukod naman kaming mga girls.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon