18: Binata na si Bakla

72 10 5
                                    

Ali's POV


"Babe doon tayo dali!!!!" hila-hila ako ni Glenn papasok sa department store...Kaloka kanina pa kami palibot-libot dito sa Mall kinabog pa nya ang pagroronda ng security guard!!! 


"Babe sukat mo dali!!!" excited nyang itinapat sa harap ko ang isang.......brief O^O >////<..


Luminga ako sa paligid at nakitang nakatingin ang isang sales lady -___-" gaganess overload...Hinawi ko  ang brief na hawak ni Glenn at lumabas ng department store..ang good mood, good mood ko ngayon at ng ayain nya akong pumunta dito pumayag agad ako  tapos malan-laman ko gusto nya lang pala akong bilhan ng BRIEF!! Edi sana umorder nalang kami sa AVON edi hindi pa ako napahiya!!! Naku makakatikim sa akin tong si Glenn ng masarap at malutong na sampal sa peslak eh...


"Babe!!!! binibiro lang kita eh..hihihi.Halika na babe ko balik na tayo dun dali" ang hyper hyper nanaman netong si Glenn, pumapapak ata to ng asukal sa condo.....


"Naku Glenn tigil tigilan mo ko sa mga biro mo di ako nagbi-brief!!! panty ang sinosuot ko panty!!!" halos matawa ako sa naging reaksyon ni Glenn habang sinasabi ko yun sa kanya....


"Babe naman eh!!! sorry na nga eh wag ka ng magbiro ng ganyan" nagpapadyak pa sya habang nakayakap na nakapout sa akin....Asar talo....


"Osige na tara na...Ang lukray mo kasi eh" inakbayan ko sya pabalik sa department store...Ang gaga tuwang-tuwa at ang ngiti abot hanggang bunbunan....


"what do you think babe??" tanong nya sa akin matapos nyang lumabas mula sa fitting room..

Nota behave!!!! nakadress lang naman syang backless at sobrang......sexy lang ng GF ko.....(A/N: Boom gf daw oh XD)


"Balik doon ayoko nyan" itinulak ko sya pabalik sa fitting room dahil sa nakuha nya ang atensyon ng lahat ng lalaki sa department store....Kung alam ko lang pati ang mga yan nakatayo din ang mga NOTA!!! Im sure dahil maraming naglilipadang ibon dito sa department store...


"How about this??" lumabas ulit sya suot naman ang hanging blouse na labas ang pusod nya na tinernuhan nya ng mini skirt O.O.... 


"Yung totoo balak mo bang mag apply sa club??" tanong ko sa kanya saka sya tinulak papasok ulet sa fitting room.....Pinaiinit ng lucresia ang Katawan....este ang ulo ko....acckkk bakit parehong tunog malaswa!!! Kaloka!!!!


"Eto ang suotin mo" iniabot ko sa kanya ang isang t-shrit na may print na "IM A DECENT WOMAN"


lumabas si Glenn na nakabusangot ang mukha...habang ako naman ay malapad ang ngiti, kahit ano naman ang suot nya maganda parin sya no....kahit t-shirt lang....pero mukhang mas bagay parin yung t-shirt ko sa kanya...


"See simply pretty....yan ang gf ko" napalitan ng gulat ang nakabusangot nyang mukha, namula din ang mga pisngi nya at parang naging lutang...Bakit may sinabi ba akong mali? Ngumiti sya sa akin at saka ako binigyan ng mahigpit na yakap...

The weirdest Thing [On Going:)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon