19: Sorrow and Grudges

54 7 7
                                    


Third person's POV

Tumingala sya't napansin na makulimlim ang langit, waring nagbabadya ng ulan, bitbit nya sa kanyang kanang kamay ang mga bulaklak na sya pa mismo ang pumitas..Kinuha nya ang isang bote ng alak sa likod ng kotse nya pati na rin ang kandila..Tinungo nya ang daan papunta sa puntod ng kanyang ina..


Marami na rin ang lumipas na taon ng huli nyang dalawin ang puntod nito, ngunit ang sakit at mapait na alaala ay pawang kahapon lang nangyari dahil hanggang ngayon ay dama nya parin at sariwa parin ang mga pangyayari..


Tumigil sya sa mismong harapan ng puntod, sa sandaling iyon lahat ng sakit at pangungulila ang tangi nyang naramdaman, nagsimulang sumikip ang kanyang dibdib, ang sama ng loob na kinimkim nya simula ng mamatay ang kanyang ina parang nais kumawala..Napaluhod sya at napahagulgol ng iyak...


Ang babaeng pinakamahalaga sa kanya ay nasayang ang buhay, dahil sa pagmamahal ng sobra..Pinunasan nya ang mga luha sa mata nya, kinuha nya ang mga bulaklak atsaka ito inialay sa libingan ng ina..Sinindihan nya ang kandila at umupo sa tabi ng ina..Hinaplos nya ang bato kung saan nakaukit ang pangalan nito...dali-dali nyang binuksan ang alak at tinungga ito.


"Hi Mom" matipid nyang bati dito, ngumiti sya ng mapait at isang patak ng luha ang tumakas sa kanyang mata...Sumidhi ang pagkasuklam nya sa mga taong sinisi nya..


"I'm gonna ruin their lives...one by one" napakuyom ang kanyang kamao..He wanted to avenge his mother death..Yun ang tumatak sa kanyang puso at isipan..


"That girl...You wont believe me Mom.. she's as bitch as her mother!!! hahaha" tumawa ito at muling tumungga sa bote ng alak...


"And I will make her life worst like mine..ipaparamdam ko sa kanya lahat ng sakit Ma!!!! lahat!!! Hhahaah" unti-unting napalitan ang kanyang tawa ng sunod-sunod na hikbi...Humiga sya sa tabi ng libing ng kanyang ina, paulit-ulit na hinimas ito...


"I miss you Mom...." bulong nya dito na para bang katabi nya lang ito at nakakausap nya ng harapan..


"I promise you that they will pay...."

"And then I can be with you...." tuloy-tuloy ang patulo ng kanyang luha, kasabay nun ang pagpatak ng ulan....


Di nya ininda ang lamig nanatili sya sa piling ng kanyang pinakamamahal na ina, nakahiga at basa sa ulan...


"Help me Mom...help me to unlove her...." ang huli nyang binitawang salita bago nya tuluyang isinara ang mga mata at nagpalamon sa antok....

Nang gabing iyon walang tigil ang pagbagsak ng ulan, parang pilit na inaalis ang bawat luha, poot, at lungkot na namamayani sa damdamin ng isang anak na nangungulila sa kanyang ina....


A/N: Sabaw!!!!!hehe..Sino kaya sya??? at sino ba ang nanay nya??? sino ang pinaghihigantehan nya?? Ano ang mga dahilan nya??......Ewan natin.. xD..

BTW ang chappy na ito ay dedicated sa taong iniwanan ko kanina :3 Tol sorry na akala ko seryoso yung usapan eh... Wag na magalit :D :D

Abangan ang susunod na chappy....Chap. 20 His not the same

special thanks sa aking mga bah na walang sawang sumosuporta sa akin thanks a lot luv lots muah muah <3 :3 pati din kay berna hi....

The weirdest Thing [On Going:)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon