25: Selos

47 10 6
                                    

Jemia's POV

"HI" Nakangiti nyang bati sa akin matapos ko syang pagbuksan ng pinto. Hinarap ko sa mukha nya ang cellphone ko, para ipakita sa kanya na pasado alas kwatro palang ng madaling araw .. Araw-araw tuwing umaga gawain nya na to, ngayon na ata ang pinaka maaga.... Ay nakakapang-gigil pagmumukha ang sarap lang.... halikan... =____=



Minsan ang sarap lang talagang batukan nitong si Krypton di naman sa paechos ako syempre kinikilig din ako kasi first thing in the morning mukha nya lagi ang pambungad sa akin, pero sa sobrang kilig maiinis ka kasi yung di ka na nga makatulog sa gabi kakaisip sa kanya, ke aga pa ng gising ko dahil sa pang-iistorbo nya.



"Bakit ka nakasimangot??" Nakapout nyang tanong, pero imbes na sumagog ay bumalik ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. This is life..... Inakap ko pa ang unan ko at nakangiting nakapikit.



"May dala akong breakfast." Napamulat ako ng maramdaman ko ang paghiga nya sa tabi ko nakatitig sya sa akin habang iniikot ang iilang hibla ng buhok ko sa hintuturo nya. Malamlam ang mga titig nya sa akin, nagliparan ang mga tutubi sa tyan ko, bumilis ang tibok ng puso ko at sa sobrang tahimik di malabong naririnig nya din ang malakas na tibok nito..



Bumagsak ang titig nya sa labi ko..Ay delikado. Ang aga-aga pa!!! Hala nasa kwarto pa man din kami!! At isa pa kahit gusto ko na talaga syang sunggaban, hindi pwede, hindi pa kaya ako naghihilamos, at nagmumumog!!!.

Aamba sana akong bumangon pero hinila nya ako pabalik at niyakap ng mahigpit. Naginit ang pisngi ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin.



"Krypton!" Pagpoprotesta ko sa kanya, pero ngumiti lang sya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.



I have something to tell you." Napawi ang ngiti nya at naging seryoso, bigla akong kinabahan. Ano naman kaya iyon?



"But before that kumain na muna tayo atsaka maligo ka na." Hinampas ko sya ng takpan nya ang ilong nya.Tatawa-tawa syang bumangon at lumabas ng kwarto ko. Inamoy ko yung sarili ko, di pa naman ako mabaho ah!!kainis. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Halik na naging bato pa!! Nang dahil sa panis na laway!!!



Paglabas ko ng kwarto sumalubong agad sa akin ang mabangong amoy ng ulam na niluluto ni Krypton. Akala ko ba may dala syang almusal?? Sinilip ko sya sa may kusina....



O_____o Krypton is facing the sink, half naked, well not that naked dahil naka apron naman sya, pero yung walang hiyang hubad nyang likod nag ha-hi sa akin at nag-gugood morning!! Bakit parang mas naging define ang muscle nya, tambay ba sya sa gym??



"Oh tapos ka na pala, nakahain na yung breakfast, kain ka na tapusin ko lang to" nginitian nya ako ng nakakaloko, yun bang ngiting nanunuya na ewan basta parang ganun!!!

The weirdest Thing [On Going:)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon