A/N: Ang Chapter na ito ay para sa pinakamamahal kong bah full support talaga sya Ackkk.. kakaiyak mga komento nya kakaiyak dahil nakakatawa xD. Love u bah!!!!
Ito na po ang update ... Part 2 ng Magnet :)
Galit ka sa kanya Jemia......
Galit ka sa taong yan...
Muli kong paalala sa sarili ko habang papalapit ang nakangising demonyong nasa harapan ko. I admit it he's hot.....
"What is it Morris?" Tanong nya sa akin ng makalapit, pinapaikot nya ang bola sa kanang kamay nya, at ang isa naman ay nakapamewang, pawis na pawis ito na talagang tumatagaktak pa ang butil ng tubig sa katawan nya. Shit....
"Ahh.. Oo nga pala hinalikan kita kanina!!" Painosenteng dagdag nya na para bang may lumabas na bumbilya sa gilid ng ulo nya. Akala nya ba ay natutuwa pa ko sa kanya sagad na sagad na ang galit ko na onti nalang ay gusto ko na syang sakalin hanggang mamatay. Pero taliwas sa iniisip ko traydor ang katawan ko na nanatiling nakatayo at di gumagalaw, maski ang kumurap ay di ko magawa.
"Hahahahahaha!!!!!!" Tumigil sya sa pagtawa at nagawa pang punasan ang luha sa mata nya na parang wala naman talaga. I know that laugh is fake. Di ko parin magawang magsalita. May gusto akong marinig mula sa kanya, di ko yun kailangan hingin, dahil kung matalino sya dapat alam nya ang pinunta ko dito kung ano ang kasalanan nya at ang dapat nyang sabihin sa akin.
"Oh I know... Am I Morris? Am I your first? Am I Your fisrt kiss?" Nabigla ako sa sinabi nya, may panunuya sa tono ng boses nya, ganun nya nalang kadaling sinabi yun sa akin? na parang wala syang paki? pero ang epekto nun sa akin ay sobra, parang nagmistulang kidlat ang mga salitang yun na tumama sa akin na naging dahilan ng panginginig ng buong katawan ko. Bakit ganito sya pakiramdam ko ay di sya ang Krypton na kilala ko. Yung palangiti at palabirong Krypton ay napakalayo sa kaharap ko ngayon, nakakatakot na lahat ng balahibo ko ay nagtayuan.
" Kung magsalita ka ay parang wala kang ginawang masama." Nakayuko kong sabi sa kanya. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang luhang nagbabadyang bumagsak. Di pwede Jemia your not weak, you manage to show no tears in your mother's burial, so why are you crying now, just because of that stupid first kiss!!
"Anung gusto mong gawin ko?" Wala na ang panunuya sa boses nya, tumikhim sya bago muling nagsalita. Nakayuko parin ako at naghihintay ng susunod nyang sasabihin.
"Look at me Morris." iniangat nya ang mukha ko gamit ang kamay nyang nakahawak sa baba ko, kasabay nun ang pagtakas ng luha sa mata ko.Kainis....
"Its not like your going to die with just a simple kiss or you will get pregnant..haha" nakangiti sya habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko, iginala nya ang tingin nya sa bawat sulok ng mukha ko na para bang kinakabisado nya ito, ang mga titig nya ay bumaba sa mga labi ko. Nanatili yun doon ng ipagpatuloy nya ang sinasabi nya.
"Pero kung gusto mo..." binitin nya sa era ang sinabi nya at mariin nya akong tinitigan. Blanko di ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya. Binitiwan nya ang bola sa kamay nya pati na din ang pagkakahawak nya sa baba ko. Tahimik ang paligid at tanging ang talbog lang ng bola ang maririnig.Muling sumilay ang pamilyar na ngiti nya yung totoong ngiti ng Krypton na kilala ko. Paano nya ba nagagawa ang magpalit ng ekspresyon ng ganoong kadali? Tao ba talaga sya?
"Kung gusto mo ay pananagutan kita!" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Anu bang natira ng taong to at kung anu-ano nalang ang sinasabi nya? At saka anu ba ang ibig nyang sabihin? Pananagutan? sya na rin ang nagsabing di ako mabubuntis ng dahil lang sa isang halik kaya paano nya ko pananagutan? Siraulo!
"Huh?" yan ang tanging nasabi ko sa kanya. Di ko naman kasi alam ang isasagot sa kanya. His really Unbelievable and unpredictable....totally a psychotic weirdo!!!!
"Didn't get it?" Napatampal sya sa mukha nya at tumalikod sa akin, suminghap sya bago muling humarap sa akin. Nakangiti.
Napaatras ako ng sunod sunod ng dahil sa sunod sunod nya ring paghakbang palapit sa akin pero wala akong nagawa ng bigla nya akong hapitin at marahang sinandal sa pader. I can't move....
"I will take the responsibility of stealing your first kiss" What? eh mas lalo nya lang pinalabo ang sinabi nya!!! Nagkunot lang ako ng noo bilang sagot sa sinabi nya, abot kaba parin ang ramdam ko, naiilang sa lapit ng mukha nya, at init ng hininga nya sa mukha ko. Napayuko naman ito at napabulong ng kung ano. What?
"Your so slow Morris haha!" pinitik nya ang ilong ko bago sya tumawa ng matipid. Slow! eh ang labo mo kaya kausap. Nginusuan ko lang sya ng sa wakas ay dumistansya na sya sa akin. Hinawakan ko ang ilong ko at naramdaman ang malagkit na mukha ko dahil sa luhang nanuyo na. Doon ko lang din napansin na pababa na ang araw, ganoon na ba kami katagal dito?
"I-Will-Be-Your-Boyfriend" dahan dahan nyang saad sa akin What the hell did he just said???? Saan nya naman nakuha ang ideyang yun!? Akala nya ba gusto kong patulan nya ko? Baka gusto nyang bigwasan ko na sya ngayon!!!
"Baliw ka ba talaga Krypton-" he cut me off. Bwiset!!!
"I've already said it Morris, all you need to do is to shut up. Siguro naman ay klaro na yung sinabi ko, nag effort pa kong simplihan yun, so I guess its clear now. You are mine and Im yours from now on!" muli nyang untag at isinara nya ang nakanganga kong bibig. Nasisiraan na ba talaga sya? Bakit nya gugustuhing maging....maging.....maging.....maging anu....maski ang isipin ay di kaya!! Bakit nga kasi?
Bumalik sya sa naudlot nyang paglalaro ng basketball. So yun na yun, tapos na sya? Naglaro sya at iniwan akong preoccupied sa mga sinabi nya kanina!! Ni nga pa nga nag si-sink in yung mga sinabi tapos hayan sya at parang walang nangyaring bumalik sa paglalaro nya ng basketball! Parehong pareho silang dalawa ng kapatid nyang si Kayden!!!
"Ouch!!! what the hell Morris?" tanong nya sa akin ng batuhin ko sya ng bola sa ulo, di lang isa di lang dalawa at di lang tatlo ang ibinato ko sa kanya, marami, wala akong paki kung mamaga yang buong katawan mo!!!Wala akong paki dyan sa abbs mo maski dyan sa muscle mo -_____-" anu bang pinag-iisip ko. Tumigil lang ako ng wala na akong bolang mahablot mula sa lalagyan nito. At yung mokong naman ay nasasalo ang mga pinagbabato kong bola sa kanya duga!!!!
"Your really cute when your angry you know" pangaasar nya. Mas lalong nag-init ang ulo ko,
"Ouch!"sigaw nya ng sa wakas ay matamaan ko sya ng bola sa mukha at lumagapak sa sahig.
Buti nga sayo!!!
BINABASA MO ANG
The weirdest Thing [On Going:)]
MizahTwo weird people...... One weird mutual feeling...... One weird twist of fate......... The Weirdest Thing.