8: Lito

93 10 17
                                    

A/N: Sa wakas naka pagupdate din, gumagawa kasi ako ng thesis

ito na ang chapter 8 :)



Krypton's POV



"What is it?" tanong sa akin ni Joseph ng makapasok ito sa kwarto ko. tssk..


"What do you mean? oh this?"itinaas ko ang librong kanina lang ay binabasa ko bago sya pumasok. pakialamero.


"You know what I mean Kryp" kahit mahinahon ang tono nya alam kong naiirita na sya. haha.


"I have no clue bro" sagot ko sa kanya saka pinagpatuloy muli ang naudlot na pagbabasa. He should stop before I get mad.


"Know your limits little brother" pagtapos nya ng usapan saka tuluyang umalis. Sayang gusto ko pa naman syang sapakin maybe next time. Gagawin ko ang kung anong gusto ko. Ibinato ko ang librong hawak ko sa pintuan. F*ck.


Jemia's POV


"Jemia sorry na wag mo na akong iwasan!!!" pagmamaktol ni Ali habang hinahabol ako. Baliw di naman sya ang iniiwasan ko kundi ang demonyong Krypton na yun kung anung kinagwapo ng mukha syang pangit at baho ng ugali. I dont really understand him, but I know that there's something wrong about him.


"Jemia!!!!" nagising ako sa ulirat ng yakapin ako ni Ali mula sa likuran. Anu ba naman balak ata nyang sumulat sa MMK -___________-"


"Ali pwede bang tumigil ka na, di ako galit sayo okay?" sabi ko sa ko sa kanya habang nagpupumiglas sa yakap nya. Naku naman siguradong pagnakita kami ni Glen katakot- takot nanamang lait ang maririnig ko dun. Like duh ni di ko alam kung anong nakita ni Glen sa baklang to eh mas trip pa nga ata nitong magsuot ng two piece sa harap ng tatay nya kesa ang patulan sya.

 

"Talaga bestfriend?" bumitaw na sya at hinawakan pa ang magkabilang pisngi ko. Parang may naaalala ako sa scene na to ah -____-".


"Pag di ka bumitaw sa pagkakahawak ng pisngi ko papa gang rape kita!" banta ko sa kanya.


"Ay bestfriend gusto ko yan" ay buang talaga to wala ng pag-asa.


Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa room ay napatingin agad ako sa isang bakanteng upuan sa likuran ng upuan ko. Wala nanaman sya. Umupo ako sa upuang nakalaan para sa akin at nagbuklat ng libro.Next week na ang prelim and its been one week nung huli kaming nagkausap at yun yung araw na hinalikan nya ko, yun din yung huling araw na pumasok sya sa subject namin. Nasaan kaya sya? bakit lagi syang absent? eh bakit ko ba sya iniisip? asar. Isinara ko ang librong kabubuklat ko lang at tumayo sa pagkakaupo.


"Girl saan punta?" tanong sa akin ni Ali, I need to know why am I thinking about him. pero syempre di yun ang sasabihin ko kay Ali.


"Biglang sumama pakiramdam ko, paki excuse nalang ako kay Sir" mabilis akong umalis sa room at di na inantay pa ang sagot ni Ali. Ayoko nitong nararamdaman ko, kailangan humanap ako ng paraan para matanggal na ang kung ano mang sumpa ang ibinigay sa akin ng Krypton na yan.

The weirdest Thing [On Going:)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon