"Jemia kalerki yang feslak mo chararat, anlaki ng eye bags" Komento ni Ali sa mukha ko. Paano ba naman napuyat ako ng dahil sa bwiset na Krypton na yun!
"Ay tulalay ang lola, ano ba kasi pinaggagawa mo kagabi at napuyat ka?, buti't first period ka lang absent gaga ka talaga!" Napaka chismoso talaga nitong baklang to, na gaga pa ko ng wala sa oras. Di ko sya sinagot sa halip ay ibinaon ko nalang ang mukha ko sa desk inaantok pa ko! =_____________=.
"Hoy Jemia halika na't baka sa p.e. naman tayo malate!" Anu ba yan! Akala nya siguro di ko alam gusto nya lang makita si sir Bonifacio. Landi!
"Jemia isa, bumangon ka na nga dyan! lucresia ka! Bilian na" kinaladkad nya ako papuntang court naman oh.
"Daming papable!!!kya!" kita mo tong baklang to, kalandiang taglay sagad hanggang buto.Pero dont get me wrong di naman sya ganun kabakla kungbaga paminta sya kasi nga yung tatay nya ayaw sa bading general pa man din kaya ayan walang kalayaan ang baklush.Kawawa, kaya nga sakin lang dumidikit si Ali sakin nya lang kasi napapakita ang totoong sya yun sabi nya sakin.
Nilibot ko ang paningin sa paligid ( oi may hinahanap xD) ang daming tao kakatakot.
O.O
=_____________=.
Nandito sya, naka topless at basang basa ng pawis,naglaro ata sya ng basketball, hawak hawak nya pa kasi ang bola sa kaliwang kamay nya habang yung isang kamay ay may hawak na tubig. Parang uminit ata dito ah. Napatitig ako sa kanya o mas tamang sabihing natulala ng bigla nya nalang ipaligo ang tubig na hawak nya. Ano feeling model ng bench!!! Di ko maalis ang pagkatitig ko sa kanya, bakit ba kasi napaka gwapo ng taong to mula ulo hanggang paa wala kang mababakas na kapintasan. Napalunok ako ng makita ang pag agos ng tubig sa katawan nya. Bakit parang nauhaw ako bigla.
Acck....
Awkward strike.......
Naglayo ako ng tingin ng mahuli nya akong nakatitig sa kanya, awkward, muli kong naramdaman yung kabang naramdaman ko kahapon, ewan abnormal na ata tong puso ko dahil sa bilis ng tibok nito ngayon. May sa demonyo ata yang lalaking yan at nagiging ganito ang epekto nya sa akin.
"Ali mag c-cr lang ako" paalam ko kay Ali. Agad akong tumalikod, kailangan ko syang iwasan masyadong weird na tong nararamdaman ko at kung ano man to siguradong di ko gusto ang magiging kalabasan nito sa huli.
BINABASA MO ANG
The weirdest Thing [On Going:)]
HumorTwo weird people...... One weird mutual feeling...... One weird twist of fate......... The Weirdest Thing.
![The weirdest Thing [On Going:)]](https://img.wattpad.com/cover/25104712-64-k179757.jpg)