24:With Him

28 9 12
                                        

Jemia's POV


"Date tayo." bungad nyasa akin ng makapasok kami ng condo ko na ikinalaki ang mga mata ko, parang gusto kong tumakbo at magtago sa ilalim ng lamesa, at sigurado akong namumula ang mukha dahil sa mainit ito.


"what? normal lang naman na ayain kitang magdate tayo ah." pataas-taas pa sya ng kilay nya habang malaki ang ngisi. Alam ko namang normal lang iyon dahil kami na, at isa pa normal lang talaga yun sa may relasyon. Pero pag sinama mo ang pangalan ko na never pang nagkaboyfriend at bitter mula ng ipanganak, God knows its unusual for me. Itinikom ko nalang ang bibig ko dahil hindi ko alam kung paano sya tatanggihan.


Its been one week bakasyon na din namin kaya mas marami kaming time na magkasama kulang nalang ay sa condo ko sya tumira. Syempre hindi ako papayag. at kahit na isang linggo ng kami ay maraming mga matang nakamasid sa amin, kaya maski hawak ng kamay ay naiilang akong gawin sa pampublikong lugar, tapos ngayon ay aayain nya akong makipagdate sa kanya.


"Morris its okay if you refuse." dagdag nya sabay hinga ng malalim. And I know na kinokonsensya nya lang ako. kung di ko lang to mahal binatukan ko na to eh!! At dahil gwapo sya...


"Fine" matipid kong sagot sa kanya, halos di naman sya magkandamayaw sa tuwa. Seeing him happy because of me, its making me feel like I'm the most beautiful girl existing on earth, kahit di naman talaga.


"Okay saan mo gusto pumunta?" malaking ngisi nya at saka ako inakbayan. Kinilig naman ako at nailang kaya tinanggal ko ang kamay nya sa balikat ko at sa halip ay pinagsalikop ang mga kamay namin. Ay talandi!!


"Ikaw na bahala." hinalikan nya ang likod ng palad ko, acck, pigilan mo Jemia wag kang titili. >///< saan naman kaya ako dadalhin ni Kryp sa mall, sa park, sa beach, sa restaurant, sa sinehan... Di ba yun madalas na dating place?


"okay sa bahay tayo!" nanlumo ako sa sinabi nya, sa bahay nila? bakit dun? I mean pwede rin dun para di ako masyadong mailang sa mga taong natingin, pero bakit sa bahay nila? Nagexpect pa naman ako. :3 weirdo talaga tong si Ton-ton ha ang cute di ba yan ang tawag ko sa kanya kasi tinawag nya akong Mo-mo last time.


"Bakit sa bahay nyo?" nakangiwing tanong ko sa kanya.


"Kasi Mo-mo. di pa kita nadadala sa bahay samantalang lagi akong tambay sa condo mo, I want to introduce you to my siblings in a pormal way." hinalikan nya ang tungki ng ilong ko at saka ako hinila papunta sa parkig lot. Napangiti ako sa sinabi nya pero kinakabahan din ako sa sinabi nyang ipakikilala nya ako sa mga kapatid nya.. Sana lang this time di na ko tarayan ni Glen -_-.


"Were here! tamang-tama mukhang andito na ang lahat" bumaba sya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.


"Its okay Morris kasama mo ko" hinawakan nya ang kamay ko at nginitian ako. Tinumbasan ko naman iyon at sabay kaming naglakad papunta sa pinto ng bahay nila.


Isa lang ang masasabi ko, sobrang laki ng bahay nila,simple lang ang disenyo pero angat na angat ang pagiging elegante. Kaya ko to, With him kaya kong harapin lahat.

The weirdest Thing [On Going:)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon