Chapter 54: Forgive but don't forget
"She kissed me.", mahina pero sapat lang para marinig ko na saad niya. Tinitigan ko ang mukha niya at medyo nagulat pa ako dahil kahit na umuulan at basang-basa na kami ay kitang-kita ko kung paano umaagos ang luha niya. He's ... He's crying.
"I was shocked kaya hindi ako kaagad nakalayo. Pero believe me, Aiza. I did not cheat on you.", malumanay at mahina pa rin niyang sabi.
"Kahit kailan, simula ng naging tayo. Hindi na ako tumingin sa iba. Kahit kailan, hindi ko naisip na magloko.", dugtong niya. Nanatili ako na walang imik, naghihintay sa idudugtong niya pero ng wala na siyang sabihin pa ay dahan-dahan na ulit akong humakbang paalis.
Pero hindi pa man ako nakakaisang hakbang ay agad na akong napatigil sa sumunod na ginawa niya. Dahan-dahan, unti-unti ay bumagsak sya sa sahig. Nakayuko lang siya doon habang... nakaluhod.
"Don't leave me.. Please..", pumiyok ang boses niya.
"C-Chuck..", napatakip ako sa bibig ko at nagulat sa inakto niya. I've never seen him like this. Kahit noon na nagkakatampuhan kami ay ni minsan hindi siya naging ganito.
"I'll do anything.. Gagawin ko lahat.. Just please.. Wag mo kong iwan..", saad niya. Ganoon pa rin ang posisyon nya. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoon na posisyon bago ako dahan-dahan na naglakad palapit sa kanya.
I love him. I love him that much at kaya ko siyang patawarin because of that. Sapat ng rason 'yun para patawarin ko siya sa kasalanan na hindi ko pa naman sigurado na ginawa niya.
Dahan-dahan ko siyang nilapitan hanggang sa nasa harapan ko na siya. I wiped my tears at marahan siyang hinila patayo. "Stand up.. Chuck..", saad ko pero hindi pa rin niya ako tinitingala. "Come on. Let's go home. I won't leave you..", pagkasabi ko noon ay saka lang siya dahan-dahan na kumilos. Tumayo siya at agad akong niyakap.
"Promise, I'm not cheating on you.", tumango-tango ako bilang sagot sa sinabi niya.
Nagtagal kami ng ganoon bago kami sabay na pumunta sa parking lot kung saan nakapark ang sasakyan niya. Basang-basa kami pareho ng pumasok sa loob at ni walang nagsasalita sa'min.
"Use this.", marahan niyang sabi sabay abot ng isang twalya sa'kin. "Sa bahay muna tayo. Pwede ba?", tumango ako habang kinukuha ang twalya sa kamay niya.
Good thing na lagi siyang may extra na damit at towel dito sa sasakyan niya dahil nagwo-work out siya. Habang nasa byahe ay walang nag-iimikan sa'min. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila.
Pagkapark niya ng sasakyan niya ay magkasabay na kaming bumaba. Nang kukuhanin ko na sa backseat ang gamit ko ay nagprisinta siyang siya na ang magdadala kaya tumango nalang ako.
Pagkapasok sa bahay nila ay saka ko muling naramdaman ang lamig. Centralized ang bahay nila Chuck at kahit na ganitong bumabagyo ay hindi pinapatay ang aircon.
"Are you cold? Hungry? Magpapaakyat ako ng pagkain sa taas.", aniya ng naglakad na kami paakyat.
Hindi ako masyadong tambay dito sa bahay nila Chuck kaya naman kung tama ang kalkula ko ay pang-anim na beses ko pa lang nakakapasok sa kwarto niya simula noong first year kami.
"Magpalit ka muna. Bababa lang ako para magpaluto.", he said as he handed me a pair of boxers and a shirt. Kinuha ko iyon at tumango.
"Thanks.", saad ko. Tingin lang ang sinagot niya sa'kin bago niya ako talikuran para lumabas ng kwarto.
Mabilis akong nagbihis at saktong sakto lang dahil pagkatapos na pagkatapos ko na isuot ang shirt niya ay pumasok na siya. Nakatitig lang ako sa kanya habang binababa niya ang bag niya sa may gilid. Umupo siya sa ibabaw ng kama at tahimik na hinubad ang sapatos niya, tapos noon ay tumingala siya sa'kin kaya agad kaming nagkatinginan.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...