Chapter 23: Pakialamero
“Kuya, kakain lang kami sa labas!”, paalam ko kay Kuya na nandoon sa living room ng bahay at kasalukuyan na nagla-laptop.
Lumingon siya sa’min ni Chuck. “Kayo lang?”, tanong niya. Tumango naman ako, nakita ko na medyo nagulat pa si Kuya. “Ah, sige. Ingat kayo.”, saad niya at ibinaling muli ang atensyon sa paglalaptop niya. Siguro ay tungkol iyon sa trabaho niya.
Umalis na kami ni Chuck sa bahay at dumiretso sa may park malapit sa mall. Doon kami madalas tumambay at mag-foodtrip.
“Libre mo ako ha!”, sabi ko sa kanya habang naglalakad palapit sa stall ng mga streetfoods.
“Oo ba, basta, date ‘to ah?”, saad niya habang nakangiti. Hay. Bahala nga siya sa gusto niya na isipin.
Pumunta na kami doon sa stall at nagsimulang kumain. Kilala kami ni Manong na nagtitinda dahil madalas kami dito, suki niya kaya kami.
“Oh, buti at nagawi ulit kayo dito?”, bati sa amin ni Manong habang busy sa paghahalo noong nakasalang na fishballs.
“Oo nga po, eh. Buti pumayag ‘tong girlfriend ko na pumunta ulit kami dito.”, siniko ko kaagad si Chuck dahil sa sinabi niya. Tumawa lang siya.
“Wag po kayo naniniwala jan, di ko po boyfriend yan.”, saad ko kay Manong.
“Uy, guilty!”, pang-aasar ni Chuck. “Guilty ka!”, tumatawang sabi niya.
“Hoy, Jimenez hindi porket pumayag ako makipag-date sa’yo e pwede mo na ako gaguhin, ah!”, sigaw ko sa kanya habang dinuduro-duro pa siya noong stick na hawak ko pantusok sa fishballs.
Narinig ko na sabay silang tumawa ni Manong. “Nako, ganyang-ganyan din kami noon ng misis ko.”
“Tamo, pati si Manong boto sa’tin!”, tumatawang saad ni Chuck. Inaasar talaga ako ng walanghiyang ito eh, ano?
“Ha-Ha-Ha.”, sarkastikong tawa ko sa kanya. “Last mo na ‘yan ha?”, saad ko at inirapan siya. Natawa naman ulit sila ni Manong. Ewan ko sa dalawang ito ba’t magkasundong-magkasundo.
Bumili na ako ng fishballs ko at bumili naman siya ng kanya. Habang kumakain kami ng fishballs ay nakaupo kami sa bench at pinapanood iyong mga bata na naglalaro. Habang busy sa pagkain ay naagaw ang atensyon ko ng bata na nadapa malapit sa’min.
Agad ko na binitawan iyong cup kung saan nakalagay ang fishballs ko at naglakad palapit doon sa batang lalaki na kasalukuyan ng umiiyak dahil sa pagkakadapa niya.
“Tara, tayo ka na.”, tinulungan ko na tumayo iyong bata. Agad ko napansin ang gasgas sa tuhod niya, hindi naman gaanong malaki iyong sugat niya, kung tutuusin ay gasgas lang, pero syempre dahil bata, talagang iiyak yan.
Dinukot ko sa bulsa ko ang panyo ko at iniabot sa kanya. “Tahan na.”, tiningala ko ang bata at nakita ko na nakatingin siya sa’kin habang umiiyak pa rin. “Gamutin natin yang sugat mo?”, yaya ko sa kanya. Tumango naman siya kaya inakay ko siya palapit doon sa bench na inuupuan namin ni Chuck.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...