Chapter 38: It's my turn
Nang magtanghalian na ay sabay-sabay na kaming nag-ahunan nila Klarisse sa pool. Kahit na hindi naman talaga ako nag-swimming ay ramdam na ramdam ko ang paghapdi ng balat ko.
“Gosh, girl. Na-sunburn ka na kaagad?”, puna ni Klarisse habang naglalakad kami pabalik sa cottage. Tumingin ako sa braso ko na mahapdi at doon ko nakumpirma na medyo mapula na nga ito.
Hindi ko na idinaing ang mahapdi kong balat hanggang sa makarating kami sa cottage. Naabutan kaagad naming doon ang ibang mga boys na nag-iinuman. Inilibot ko ang tingin ko at medyo nagulat pa ako ng makita ko na naroon rin si Neo, sa may kabilang gilid niya ay naroon si Chuck, magkatabi silang dalawa pero hindi nag-uusap. Para tuloy gusto kong kwestyonin kung bakit pinagtabi silang dalawa, baka mamaya ay magkasuntukan na naman ito.
“Padaan, Troy.”, narinig ko na saad ni Chuck tapos ay tumayo ng makita niyang bumalik na ako sa cottage. Lumapit siya sa’kin at nagulat ako ng bigla niya akong balutin ng towel niya. Agad ko siyang tiningala at nakita ko na nakangiti siya.
“Sunburn. Sensitive mo naman, babe.”, saad niya at tumawa.
Nag-lunch na kami doon ng sabay-sabay, yung mga boys na nag-iinuman ay nandoon sa kabilang cottage habang kami naman na kumakain ay nasa may kabilang cottage. Katabi ko si Chuck na nakikisalo sa’kin sa pagkain ko na nasa paper plate.
“Ang sweet ng dalawang ito, oh.”, biglang pumasok sa cottage namin si Andrew para kumuha ng softdrinks. “Sumbong ko kayo kay Kuya, eh.”, saad niya at kinuha na iyong isang bote ng Coke.
“Ikaw pa isumbong ko, e. Sabihin ko hindi mo ako binabantayan sa Manila.”, dinilaan ko siya at dinuro gamit noong tinidor na hawak ko.
Nag-make face lang siya at umalis na pabalik doon sa katabing cottage. Matapos naming na kumain ay nagpahinga lang kami saglit tapos noon ay nagkayayaan na ulit na bumalik sa pagsu-swimming.
“Tara na! tara na!”, yaya ni Klarisse at lumabas na kasunod niya si Monica tapos ay sila Vincent. Inayos ko lang iyong twalya ni Chuck sa gilid tapos ay tumayo na rin at sumunod sa kanila.
Pagkalabas ko ng cottage ay nagulat ako ng kasunod ko si Chuck, ang akala ko kasi ay magpapaiwan siya dahil iinom pero nagulat ako ng bigla niya akong sabayan sa paglalakad tapos ay inakbayan ako.
“Bestfriends pa din naman tayo, diba?”, napatingala ako ng sabihin niya iyon pero hindi ko makita kung anong ekspresyon niya dahil naka-waferers siya.
“Oo, bakit? Hindi naman kita boyfriend.”, saad ko habang naglalakad pa rin at akbay-akbay pa rin niya. Narinig ko ang paghalakhak niya dahil doon.
“Sa ngayon hindi pa.”, saad niya. Nagtataka ko siyang tinignan at nakita ko ang malawak na ngiti niya.
“Bakit?”, tanong ko. This time, siya naman ang tumingin sa’kin.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Novela JuvenilBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...