Chapter 20: Kuya Marco and Lucas
Lunes na naman ngayon, grabe kulang ang two days na walang pasok. Tapos ay ang aga pa ng pasok ko kapag Monday, biruin nyo, 7:30 ng umaga kailangan andoon na dahil start na ng klase. Tss. Sino ba naman kasi ang nagpauso niyan eh.
Kasalukuyan akong tamad na tamad na naglalakad sa hallway habang bitbit ang bagpack ko. Dahil wala namang uniform sa university namin ay naka-pants lang ako then chucks tapos ay t-shirt, at saka cap na nakasuot ng patalikod sa ulo ko.
Napahinto lang ako ng may lumapit sa’kin na babae. “Uhm.. Hi..”, ngiting-ngiti na bati niya sa’kin. Ang itsura niya? Pwede na.. Pwede ng coloring book. Hohoho.
“Yo.”, bati ko pabalik sa kanya.
“Ah.. Eh.. Kasi.. Favor naman, oh.”, saad niya. Aha! Sinasabi ko na nga ba! May kailangan ito eh!
“Ah ano yun?”, walang gana ko na sagot sa kanya.
“Nakakahiya.. Uhm.. Pwede.. Pwede ba pakibigay ‘to kay Chuck?”, may iniabot siya sa’kin na box na sa tingin ko ay may laman na mga cupcakes. Wow, birthday ba ‘non ngayon?
Inabot ko ang box na hawak niya. “Okay.”, nakangiti na saad ko sa kanya. Bwahahaha! Mukang masarap ito, makain nga mamaya!
Paalis na sana ako ng pigilan niya ako at magsalita ulit. “Girls! Ayan oh! Ibigay nyo na yung inyo!”, tawag niya doon sa mga kaibigan niya hindi kalayuan sa’min. Agad naman naglapitan ang tatlo pang babae at nag-abot sa’kin ng mga box.
“Nakakahiya.. Pero thank you!”, sabay-sabay nila na sabi sa’kin.
Tumawa ako. “Nakakahiya pa ng lagay na ‘yan..”, bulong ko sa sarili ko habang inaabot ang mga box na hawak nila.
“Ha? Ano sabi mo, Aiza?”, usisa noong isang babae. Umiling ako sa kanila at umlis na.
Grabe lang, nahiya pa sila nung lagay na ‘yun. Di pa nila nilubos-lubos. Tss.
“Ano yan?”, tanong sa’kin ni Vincent ng dumating ako sa room at hirap na hirap ako sa pagbitbit ng mga box na ito. Kung hindi lang pagkain ang laman nito ay hindi ko ito paghihirapan na dalhin!
Nilapag ko iyon sa ibabaw ng table ni Chuck. “Para sa’yo, pinapabigay ng mga admirers mo.”, saad ko kay Chuck na na kasalukuyan na hawak ang phone niya.
“Yun oh, pagkain? Penge!”, agad na naglapitan sa kanya sina Kevin at nauna pa sila na magbukas noong mga box.
“Hoy! Ako ang nagdala niyan dito! Kapag ako naubusan, yari kayo sa’kin!”, sigaw ko sa kanila habang binababa ang bag ko sa may upuan ko.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
TeenfikceBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...