Chapter 40: Yes!
Dalawang buwan na nakakalipas, masasabi ko na medyo naglevel-up na nga talaga ang relasyon namin ni Chuck. Halos lahat na din ng schoolmate namin ay alam ang tungkol sa’min, lagi silang nagtatanong kung kami na ba. Pero syempre, sinasabi namin yung totoo na hindi. Na nanliligaw pa lang siya. Opo, nanliligaw po si Chuck sa’kin. Hatid-sundo ako sa bahay at kulang na lang ay doon na siya tumira dahil halos araw-araw na nandoon siya.
“Aiza, sa baba na yung manliligaw mo.”, napatalon ako sa pagkakaupo ko sa kama ng biglang kinalabog ni Lucas ang pinto ng kwarto ko. Sunday ngayon ay niyaya ko si Chuck na magsimba.
“Sabihin mo pababa na!”, sigaw ko mula sa loob at itinali ang sintas ng sneakers na soot ko. Bago lumabas ay kinuha ko iyong bag na bigay sa’kin ni Chuck bago tignan ang soot ko sa full-length mirror malapit sa may pinto. Naka simple white V-neck shirt lang ako tapos ay skinny jeans at saka converse. Sinukbit ko na ang bag ko bago tuluyang lumabas.
Pagkababa ko ay narinig ko agad ang malakas na boses ni Lucas at Andrew pati na rin ni Chuck. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses nila at napunta ako sa kitchen. Naka-upo may high stool si Andrew habang nakaupo naman sa may upuan sa dining table si Lucas at Chuck. Parehas na nakaboxers at sando lang ang dalawa habang si Chuck naman ay.. What? Bakit parehas kaming naka puti?
“Oh, Aiza. Nice couple shirt.”, saad ni Andrew sabay halakhak. Tinignan ko siya ng masama pero umiwas lang siya ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain ng tinapay na nasa harap niya.
“Pinag-usapan niyo yan, no?”, komento naman ni Lucas ng hindi tumitingin sa’min, nakatingin siya sa cellphone niya at nagti-text. Ang agang cellphone naman niyan?
“Magpapalit lang ako.”, nakabusangot na saad ko at tumalikod na at naglakad paakyat pero nagulat ako ng nakakailang hakbang palang ako ay naramdaman ko na kaagad ang kamay ni Chuck sa braso ko. Nilingon ko siya.
“Wag ka na magpalit, puti dahil magsisimba.”, nakangiti niya na wika. At kelan pa nagkaroon ng color coding ang pagsisimba?
Gustuhin ko man na wag kaming magkamukha ng damit ay wala na akong nagawa. Kaagad niya na akong hinila paalis at ilang sandali lang ay nasa simbahan na kami.
Tahimik kaming parehas habang nakikinig sa misa. Puro sulyap lang si Chuck sa’kin at the whole time simula ng magsimula ang misa ay nakangiti siya.
Nang sinabi na ng pari ang hudyat ng Peace be with you, ay nagulat ako ng humarap sa’kin si Chuck at hinawakan ang mukha ko at marahan akong hinalikan sa noo. Saglit akong hindi nakagalaw doon hanggang sa makita ko nalang ang pagguhit ng ngiti sa labi niya.
“Peace be with you, Babe.”, aniya at kumindat.
Umiwas kaagad ako ng tingin dahil sa pag-init ng pisngi ko.
“Peace be with y-you.”, halos nautal ko pang sinabi.
Pagkatapos noon ay hindi na muli kaming nag-imikan hanggang sa matapos na ang mass. Patayo na sana ako para sumabay sa paglabasan noong ibang tao ng mapansin ko na hindi sumunod sa’kin si Chuck. Nilingon ko siya at nakita ko na nakaluhod siya doon sa may luhuran. Tahimik at nagdadasal.
Hindi ako nagsalita, imbis ay umupo nalang muli ako sa tabi niya habang katulad niya, ay nagdadasal din.
God, hindi ako hihingi ng sign sa inyo kung dapat ko na bang sagutin si Chuck. Isa lang po ang hihingin ko sa inyo…
Lakas ng loob.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...