Chapter 26

3.3K 99 2
                                    

Chapter 26: Bitter

Kung noong una ay nagustuhan ko siya, pwes ngayon binabawi ko na. Isa lang naman siya doon sa mga malalanding babae na patay na patay kay Chuck.

Tumayo na ako sa upuan ko at sinundan sila Chuck sa labas. Pakiramdam ko ay nawala ang pagkalasing ko sa pagkainis ko kay Anica. Buti at hindi pa sila nakakaalis nang maabutan ko sila.

“Chuck!”, tawag ko sa kanya. Kaagad naman siyang huminto sa paglalakad at nilingon ako. “Pahatid sa bahay.”, saad ko sa kanya nang makalapit na ako.

Tumingin siya sa gilid niya at nandoon na si Anica na nakatayo at tila bored na bored na hinihintay si Chuck. Nang lingonin ko siya ay nakita ko na nakataas ang kilay niya sa’kin. Nako kang babae ka, wag mo ako mataas-taasan ng kilay at baka sapakin kita diyan!

“Uhm.. Hahatid ko lang si Anica, babalikan kita dito.”, saad niya. “Hintayin mo ako.”, dugtong niya at sumakay na sila sa sasakyan niya at iniwan na ako.

What? Iniwan ako ni Chuck para kay Anica? Para doon sa malanding mataray na ‘yun? Like WTF? Punyeta lang, ha! Ang sarap lang tadjakan nang ngala-ngala ng Jimenez na ‘yan.

At ano daw? Hintayin ko daw siya? Nek-nek niyang bwiset siya!

Sa sobrang inis ko ay nasipa ko ang poste na nasa gilid ko. Pero mas lalo ako nainis dahil, punyeta ang sakit ng paa ko!

Hindi ko alam kung ba’t ba ako inis na inis kay Chuck to the point na.. to the point na.. it hurts.. ‘Yung iwanan niya ako dahil sa iba, yung makalimutan niya ako dahil sa iba, at iyong piliin niya ‘yung iba over sa’kin, it hurts…

Ibig sabihin ba nito.. Ibig sabihin ba nito, gusto ko na siya?


No… Hindi pwede.. I can’t like him..

I can’t like him and the only solution na naisip ko ay ang paglayo muna sa kanya.. I need to stop this, bago pa lumalim.. I can’t like him.. I can’t fall for him.. Not with him.. Not with my bestfriend..

***

Hindi katulad ng sinabi ni Chuck, hindi ko siya inintay doon. Umalis ako doon at hindi siya inintay. Hindi siya chicks para intayin ko, at isa pa, I told myself na lalayuan ko muna siya. I can’t like Chuck..

Monday ngayon at back to normal na naman ang buhay, one thing lang na hindi normal ay iyong simula ngayon, lalayuan ko muna si Chuck. Until bumalik sa dati, iyong mawala yung feelings ko para sa kanya.

“Aiz!”, narinig ko pa lang ang boses niya ay unti-unti nang lumakas ang tibok ng puso ko. Tangina! Kailan pa bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya?

Tumingin ako sa direksyon na pinanggalingan ng boses at nakita ko siya na magkasalubong ang kilay habang naglalakad palapit sa’kin. “Bakit ‘di mo ko inintay?”, tanong niya.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon