Chapter 44: Prinsesa
Simula ng magbakasyon ay hindi na kami araw-araw magkita ni Chuck. Pero he always call me everyday at lagi din kaming magkatext. Kahit na hindi kami magkasama ay nalalaman ko ang mga ginagawa niya, just because palagi siyang nagrereport at nagpapaalam sa'kin kapag aalis siya. Hindi ko naman siya sinabihan na gawin iyon, bigla nalang niyang ginawa. Well, I'm glad na talagang pinapakita niya sa'kin na hindi siya magche-cheat sa'kin.
Yes, kumain na ako. I'm just at home. Puntahan kita mamaya to check on you, and to see Xander. I love you, babe.
Napangiti ako ng mabasa ang reply niya sa text ko. Tinatanong ko kung nasaan siya at kung kumain na ba siya. At iyan ang sagot niya.
I'll text you when we got home. Be good, okay. I love you.
Pagkareply ko sa kanya ay nilagay ko na sa bulsa ang phone ko. 20 ngayon at nasa airport kami nila Andrew para sunduin si Daddy at iyon parents nila na ngayon din ang uwi galing sa London.
"Where the hell is Mom and Dad. Nabubulok na ako dito, may date pa ako mamaya.", litanya ni Andrew. Pasalamat siya at wala si Kuya Marco dito kung hindi ay ni hindi siya makakakibo ng ganyan.
Tumingin ako doon sa kung saan patuloy na lumalabas iyong mga pasahero. Nag-arrived na ang plane nila Dad at anytime soon alam ko na lalabas na sila. Moments later, natanaw ko na ang pigura ng isang pamilyar na lalaki carrying a little boy. I smiled ng makumpirma na si Dad na iyon.
Sabay-sabay namin siyang sinalubong. Agad akong niyakap ni Tita Lina and gave me a warm smile.
"Look at you. Blooming, ha. Sinong dahilan niyan?", biro niya at siniko ako. Nangiti ako.
"Ate! Ate! Hug! Hug!", napatingin ako kaagad kay Xander na masayang nagpapabuhat sa'kin. Kinuha ko siya kay Dad at niyakap. Ang lambot niya at ang bigat!
"Tama nga ang Tita Lina mo. Blooming, ha? I need to meet that man, Sweetheart.", namula ako sa sinabi ni Daddy. Don't worry, Dad. You'll see him, later.
Pagkadating nila Daddy ay hindi na kami naghintay ng matagal dahil halos magkasunuran lang sila nila Tita na dumating. Walang pinagbago si Tita Beatrice, mas sumexy lang siya ngayon. Si Tito naman ay pumuti.
"My boys.", salubong ni Tita kay Andrew at Lucas. "Where's Marco?", tanong nito ng mapansin na wala si Kuya Marco. As if on cue ay narinig namin ang boses niya.
"My, Dy.", saad nito at niyakap si Tita. Nangiti ako ng makita na naiwan na ni Kuya Marco si Tito. Kuya Marco is tall. Hanggang dibdib lang niya si Tita.
Maya-maya lang din ay umuwi na kami. Tinanong namin sila Daddy at Tito kung gusto ba nila na kumain muna pero they said na sa bahay nalang. Sa isang araw pa ang uwi namin sa San Miguel kaya doon muna sa bahay namin dati tutuloy sila Tito at sila Daddy.
Habang nasa sasakyan ay kandong-kandong ko si Xander na busy sa pagtingin sa mga nadadaanan namin. Habang kandong siya ay kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ko at binuksan ang iilang messages doon na galing lahat kay Chuck
Reply, babe. Pauwi na kayo?
I miss you already.
I love you!
Nangiti ako habang nagta-type ng reply ko sa kanya.
You're so clingy! Yup! Pauwi na kami. Anytime soon ay nasa bahay na kami. Sorry for the late reply, busy ako sa kapatid ko. :)
"Ate, who is that?", inosenteng tanong ni Xander sa'kin ng makita niya ang phone ko. Tinignan ko iyon at nakita ang wallpaper ko na picture ni Chuck. Siya ang nagpicture noon dito at ginawang wallpaper ng phone ko. Ang sabi niya ay kapag tinanggal ko iyon, it means 'di ko siya love. Kaya hindi ko tinanggal. Sa phone niya ay ganoon din, picture ko naman ang wallpaper niya.
"This is Kuya. You'll meet him later.", saad ko sa kapatid ko at pinisil ang pisngi niya.
"Kuya? He's my brother?", tanong pa ulit niya.
"No, he's not your brother.", natatawang paliwanag ko sa kanya. "Don't worry he'll be at home later."
Buong byahe ay magkatext kami ni Chuck. Ang huling text niya sa'kin ay iyong sinabi niya na nasa bahay na namin siya. Ilang minuto lang after noon ay dumating na din kami sa bahay at naabutan ko kaagad siya sa may harap ng main door pagdating namin.
Narinig ko ang pagpito ni Andrew bago siya naunang bumaba at sinalubong ng high five si Chuck. Sumunod na din ako pagkababa nila Daddy at nila Tito. Karga ko si Xander sa braso ko habang pababa, nagulat ako ng hindi pa tuluyang nakakababa ay bumungad na ang mukha ni Chuck sa'kin.
"You need help?", tanong niya. Tumango ako. Nangawit iyong legs ko dahil sa mahabang oras na pagkandong ko sa kapatid ko. He's heavy.
Kinuha ni Chuck si Xander sa'kin at inalalayan ako pababa ng sasakyan. Montik na akong matawa ng makita ko ang kapatid ko na seryosong nakatingin kay Chuck.
"He's really your brother. You both looked at me the same way.", ngiti ni Chuck.
Mag-uusap pa sana kami doon kung hindi ko lang narinig ang fake-cough ni Dad sa likod. Lumingon ako sa kanya at nakitang tumaas ang kilay niya at sumenyas kung sino si Chuck.
Lumapit ako kay Dad at kasunod ko naman si Chuck na hanggang ngayon ay buhat-buhat pa si Xander.
"Dad si Chuck po.", saad ko. Tumaas ang kilay ni Dad na parang naghihintay ng sunod ko na sasabihin.
"B-Boyfriend ko.", nakita ko ang unti-unting panlalambot ng ekspresyon ni Dad. Tumingin siya kay Chuck at ngumiti dito.
"It's nice to finally meet you. I've heard a lot of you from Marco and from my parents.", saad ni Dad at inoffer ang kanang kamay niya. "I'm Aizelle's father.", tinanggap ni Chuck ang kamay ni Dad at nagulat ako ng biglang hatakin ni Dad ang kamay ni Chuck at tapikin ito sa balikat.
"You're welcome here as long as 'di mo sasaktan ang prinsesa ng mga Del Castillo.", ngumiti si Dad at kumindat.
"Daddy!", suway ko pero tawa lang ang sinagot niya sa'kin.
"You two come inside.", yaya ni Dad at kinuha na si Xander kay Chuck at dumiretso na sa loob.
Nang makaalis si Dad ay naramdaman ko ang paghawak ni Chuck sa kamay ko. I immediately looked at him.
"You have a nice family, Aiz.",saad niya na medyo nagpalungkot sa'kin.
I suddenly remembered my Mom. After nilang maghiwalay ni Daddy ay hindi ko na siya nakausap. She tried to talk to me kahit nasa ibang bansa siya pero ako iyong umiwas. I don't know, maybe I'm still mad at her because she left us. That maybe I still blame her kung bakit hindi ako nagkaroon ng buong pamilya dahil siya mismo ang nagkait noon sa'kin. Pero nang makita ko si Daddy na masaya na with Tita Lina, nagbago iyon. Yes, I'm still mad at her, pero hindi na tulad noong dati. I understand that maybe they weren't really for each other.
"Yes..", ngiti ko kay Chuck bilang sagot sa sinabi niya.
After all tanggap ko na iyong nangyari sa parents ko. I accepted it and move on. May mga times na nalulungkot ako kapag naaalala ko si Mom pero 'di naman din yun nagtatagal kasi napapalitan naman din ng saya yung nararamdaman ko kapag naaalala ko si Dad being with Tita Lina. Tita L is a nice lady. She's kind at tanggap niya ako bilang totoo niyang anak. Minsan nga kapag nagkakakwentuhan kami ay tinatawag niya akong 'dalaga namin'. That only proves na she accepted me as her own. At ganoon din naman ako, I treat Tita L my own Mom, hindi ko nga lang siya matawag na Mommy. Pero I'm sure we can do something about that.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Roman pour AdolescentsBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...