Chapter 32

3.4K 84 0
                                    

Chapter 32: Villa Lucia

After ng halos 4 hours na byahe ay nakarating na rin kami sa lugar kung saan ako lumaki. Maraming pinagbago ang lugar, kasama na doon ang mga bagong tayong establishments. Dati kasi puro bukid ang makikita mo kahit saan ka lumingon. Pero ngayon, halos puro establishments na ang makikita sa paligid. Mayroon pa na subdivision.

"Probinsya! Wooh! Nalalanghap ko na ang sariwang hangin!", sigaw nila Klarisse ng lumiko kami sa isang kanto. Doon kasi ang daan papunta sa bahay.

Ilang sandali lang ay narating na namin ang bahay. Lumiko ang sasakyan ni Chuck sa gate naming kung saan mayroong malaking arko na nakasulat ang Villa Lucia. At pagkaliko ng sasakyan namin doon ay agad na bumungad sa'min ang mga nagtataasang puno ng manga. Sa may dulo nito ay natanaw ko kaagad ang luma ngunit malaking bahay nila Lola. Ang mansyon ng mga del Castillo.

"Pasyal tayo mamaya!", saad ni Kevin ng makababa sa sasakyan. Bumaba na rin ako, kasunod ko na bumaba si Chuck.

Kinuha na ng mga boys iyong mga gamit namin sa likod ng sasakyan ni Chuck at sila na ang nagdala noon sa loob. Pagkapasok namin sa loob ay bumungad kaagad sa'min si Lola.

Kaagad ko siyang niyakap. "La! Na-miss ko kayo!", saad ko. Niyakap niya ako pabalik at saka tinapik-tapik ang braso ko.

"Nako itong apo ko, dalagang-dalaga na. Buti at nasama kayo kina Lucas na umuwi.", saad niya at iniharap ako sa kanya.

Tumango ako at kumapit sa braso niya. "Opo, lola. Nga po pala kasama ko po mga kaibigan ko.", tumingin ako kila Chuck na nasa likod ko lang. Agad silang tinignan ni Lola.

"Nako, welcome na welcome kayo dito sa amin.", nakangiting bati niya. "Oh, siya mukhang pagod kayo. Iakyat nyo muna ang mga gamit niyo sa taas.", saad niya. "Elsa, Elsa! Paki-tulungan ang mga bata sa gamit nila."

Agad na lumabas si Manang Elsa at lumapit sa amin. "Senyora, si Aiza na ho ba 'yan?", nakangiti si Manang Elsa sa'kin habang kausap si lola.

"Ako nga po Manang Elsa.", saad ko at nilapitan din siya at niyakap. Si Manang Elsa ang nagpalaki sa'kin, isa siya sa mga tapat na tagapag-silbi ni Lola. Dito na nga rin yata siya lumaki at nagkaroon ng pamilya. Ngayon ay halos wala na siyang itim na buhok dahil sa katandaan.

"Nako kay gandang bata nitong apo ninyo, Madam.", saad niya.

"Saan pa ba magmamana iyan.", tumatawang saad ni Lola.


Nagkwentuhan muna kami saglit at pinakilala ko din kay Manang Elsa sila Chuck tapos noon ay umakyat na rin kami para mag-ayos dahil kakain na raw kami ng tanghalian.

Kasama ko sa kwarto si Klarisse at Monica. Sa katabing kwarto naman ng kwarto namin ay iyong kwarto noong tatlong boys. Mabuti nga at malaki ang mga kwarto dito sa bahay ni Lola dahil kung hindi ay magkakahiwa-hiwalay pa kami.

Nag-ayos at nagpalit lang kami ng pambahay na damit tapos ay sabay-sabay na kami na lumabas nila Klarisse. Paglabas namin ay agad namin narinig na nagkakaingayan na sa baba. Sigurado ako na sila Andrew na iyon. Kanina kasi noong dumating kami rito ay wala sila.

Bumaba na kami at ng makababa kami, nakumpirma ko na tama nga ako. Sila Andrew iyon at iyong mga kaibigan niya.

"San kayo galing?", tanong ko ng makalapit sa kanila.

"Nagyaya sila lumibot eh. Namasyal lang.", si Lucas ang sumagot sa'kin ibinalik niya kaagad ang tingin niya sa cellphone na hawak niya. Hanggang dito ba naman? Adik na ata itong isang ito sa pagti-text eh.

"Aiza!", inulan ako ng apir ng batiin ako ni Troy. Isa-isa kasi silang lumapit sa'kin at nakipag-apir. Nginitian at binati naman nila itong si Klarisse at Monica na nasa tabi ko lang.

Noong si Neo na ang lumapit ay akala ko aapiran niya ako, pero nagulat ako ng tanguan niya lang ako tapos noon ay nilagpasan na ako para sumunod kila Troy at na pumunta na sa dining room.

"Galit din sayo si Papa Neo?", siniko ako ni Klarisse. Nilingon ko siya at umiling.

"Ba't ganon yun?", tanong naman ni Monica.

Nagkibit-balikat na lang ako dahil hindi ko rin alam kung anong problema ni Neo. Don't tell me, bad mood din siya tulad ni Chuck? Hay ewan ko, ang hirap spellengin ng mga lalake.

Dumiretso na kami sa dining room nila Klarisse. Pagkadating naming doon, hindi na ako nabigla na puno ng pagkain ang buong table. Knowing Lola, talagang magpapahanda iyon ng madaming pagkain kasi kumpleto kaming mga apo niya. Si Kuya Marco, Lucas, Andrew, at ako.

Nagkakagulo na iyong mga lalaki sa pagkuha ng letchon. Yup, tama kayo. Nagpahanda ng letchon si Lola. Masyado siyang natutuwa ngayon, eh.

Umupo na rin kami ni Klarisse at nagsimulang kumuha ng pagkain ng dumating sila Chuck. Kasama niya si Kevin at Vincent.

"Kumain na kayo. Sabihin nyo lang sa'kin kung mayroon pa kayong gusto, ipapahanda ko.", saad ni Lola. Maging siya ay kasalo na namin sa lamesa.

"Lola, si Lolo hindi mo ba tatawagin?", tumatawang sabi ni Lucas kay Lola habang kumukuha noong sugpo.

Umiling si Lola. "Nako hayaan mo siya. Uuwi rin iyon kapag gutom na.", natawa kami sa sagot niya. Ganoon naman talaga si Lola, kunwari walang pakialam kay Lolo pero mahal na mahal naman nila ang isa't-isa. Kung nagtataka kayo kung nasaan si Lolo, nandoon lang naman siya sa may taniman namin ng Manga. Kung kaninang pagpasok ay marami ng puno ng manga, mas marami pa noon sa may likod ng mansyon. Iyon kasi ang negosyo ng pamilya namin. Kilala kami dito dahil sa mga ekta-ektaryang lupa na pagmamay-ari ng pamilya namin. Hindi lang dito sa San Miguel kung hindi pati na rin sa iba pang probinsya.

Napatingin ako sa gilid ko nang may umupo doon. Nag-angat ako ng tingin at nagkasalubong kaagad ang mata namin ni Chuck. Teka? Si Monica ang nakaupo doon kanina ah?

Inilibot ko ang tingin ko para hanapin kung saan napadpad si Monica at ayun, katabi niya na si Francis at nagkukwentuhan pa sila. Talagang ipinagkakanulo ako ng isang ito kay Jimenez.

Puno ng pagkain ang plato ko. Mayroong caldareta, mayroong mga isda, gulay, lechon, at iyong iba pang pinahandang pagkain ni Lola. Oo, kaya ko itong ubusin at kung talagang gutom ako ay talagang kulang pa ito.

Nakita ko na ganoon rin ang plato ni Chuck, tulad ko ay marami din na pagkain sa plato niya.

"Oh, hijo. Try mo itong sugpo, fresh ito at talagang masarap.", nag-iikot si Lola at alok ng alok sa amin ng pagkain.


Nag-angat ng tingin si Chuck kay Lola at ngumiti. "Ah, hindi na po. May allergy po kasi ako sa hipon.", saad niya. Tumango si Lola at humingi ng pasensya bago naglakad ulit papunta naman doon sa gawi nila Andrew.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon