Chapter 27: Bowling
Sabay kami na naglalakad papunta sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan niya. Saan kaya magandang tumambay?
“Kahit saan tayo, wala akong alam na magandang puntahan, eh.”, sabi ko sa kanya nang makasakay kami sa sasakyan niya. Ayoko na pumunta sa mga galaan namin ni Chuck, naaalala ko lang siya lalo kapag ganon.
Tumango si Neo at nagdrive ng kotse niya. Habang nasa daan ay panay ang daldal niya. Madaldal talaga ito eh, noon pa man.
“So how’s Andrew’s siblings?”, tanong niya habang natatawa. Hindi ko alam kung alam ba nito kung gaano katakot si Andrew kay Kuya Marco.
“Ayos lang naman. Dito na sila titira.”, saad ko habang nasa may bintana pa rin ang tingin. Saan kaya ako dadalhin ng mokong na ‘to.
“Saan sila galing?”, usisa pa niya.
“Sa probinsya. Doon nag-aaral si Lucas, tapos nandoon naman yung farm kung saan si Kuya Marco ang namamahala.”, paliwanag ko. Kilala na ni Neo ang mga kapatid ni Andrew, sigurado ako na nakilala niya na ‘to sa birthday party ni Andrew noong nakaraang Friday.
“Oh, I love province.”, bigla niyang sinabi. Natawa ako dahil doon, sino nga ba naman ang hindi magugustuhan ang probinsya?
“Next time ayain mo si Andrew pumasyal doon.”
“I’ll ask him if you’ll come.”, napatingin ako sa kanya at nakita ko na nakangisi siya. Ngising-aso na naman ito. Nagkibit-balikat ako at kinuha ang ipad ko sa bag.
Maya-maya’y naramdaman ko na huminto na itong sasakyan ni Neo, tumingin ako sa kanya na nakaupo doon sa driver’s seat at nakita ko na nakangisi na naman siya habang inaalis iyong susi.
“Let’s go.”, aniya tapos ay bumaba na.
Agad-agad ko nilagay iyong iPad ko sa bagpack ko at sumunod na sa kanya. Pagkalabas ko ng sasakyan ay doon ko napagtanto na nasa isang Bowling Center kami.
Nakapunta na kami dito ni Chuck noon, kaya lang ay hindi na naulit. Hindi kasi kami enjoy sa ganito, mas gusto naming foodtrip. Pero teka? Bakit ko ba s’ya iniisip? Leche!
“Let’s go.”, yaya ng nakangiting si Neo sa’kin at pinauna ako na maglakad papasok.
Pagkapasok namin ay agad kaming binati ng dalawang babae na nandoon. Siguro ay kilala nila si Neo.
“Uy, mabuti at napunta ka ulit dito.”, saad noong babaeng nakapony-tail. “Girlfriend mo?”, tanong nito at tiningnan ako.
Narinig ko na natawa si Neo dahil doon. “Nope. A friend.”, saad niya at tumingin din sa’kin, tapos ay ibinalik ang tingin doon sa dalawang babae. “See you around, Ate Clarie.”, paalam niya. Ate? Kapatid niya ito?
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Novela JuvenilBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...