Chapter 35: Let me....
Nagulat ako sa nangyari, tumingin ako sa lalaking nasa harap at agad na bumungad sa’kin ang galit na galit na si Chuck, madilim pero kitang kita ko ang galit niya.
“Ano ba?! Chuck!”, pigil ko ng akmang lalapitan niya si Neo at bibigyan na naman ng suntok.
“Niliwanag ko na sa’yo lahat diba?! I’ve already told you to fucking stay away from her!”, sigaw niya kay Neo na naka-upo at pinapahiran ang dugo sa labi niya.
Tumingala si Neo kay Chuck. “Easy, dude. I was just helping her.”, saad niya at tumayo at pinagpagan ang damit.
Nakita ko kung paano kumuyom ang kamao ni Chuck. I know na pinipigilan niya ang sarili niya, maybe because alam niya na I’m watching. At saka isa pa, sinaway ko na siya.
“Don’t give me that kind of reason, Cordoja. I’ve seen the way you looked at her. You’re interested with her, right?!”, he shouted, maya-maya lang ay nakita ko na nagdadatingan na sila Vincent dito. Of course, they would hear Chuck. Sa tahimik ba naman ng lugar na ‘to.
“Dude, tama na.”, pigil ni Kevin kay Chuck at pilit siya hinihila palayo doon. Pero kaagad niyang tinanggal ang kamay ni Kevin na nakahawak sa kanya.
“Yes I am!”, sigaw pabalik ni Neo. Nakita ko kung paano siya nilapitan ni Andrew at pinilit na lumayo na rin. Pero katulad ni Chuck ay hindi siya nakinig. “Yes I am interested with her, pero I am trying my best to stay away from her because I know that you liked her, scratch that. I know that you love her!”
“Dude, let’s go!”, pilit na hinihila ni Andrew si Neo paalis doon. I can feel it already, konti-konti nalang ay hindi na mapipigilan pa ni Chuck ang sarili niya.
“I know your way, Chuck. Kilala kita at alam ko na simula pa lang noong una, noong nagustuhan mo siya, binakuran mo na siya!”, napanga-nga ako dahil sa sinabi niya. Maging sila Vincent at ang iba naming kaibigan na nandoon ay natahimik.
“I liked her, maybe because of the same reason why you loved her. Pero, I can’t make a move on her because I know that my bestfriend is inlove with her.”, pagkasabing-pagkasabi noon ni Neo ay agad na naman na dumapo ang isang suntok sa mukha niya.
Agad nagkagulo dahil doon. Pilit nilang inawat si Chuck, dahil kung mayroong mahirap awatin dito ay siya iyon.
“Tangina sabing tama na!”, natigil lang sila dahil sa pagsigaw ko. I can’t let this happen. Hindi pu-pwede na may mag-away dahil lang sa’kin.
Matalim ko na tinignan si Chuck bago ko ibaling ang tingin ko kay Neo. “Pumasok ka na”, saad ko. “Andrew.”, tumango si Andrew sa’kin at hinatak na paalis doon si Neo. Naiwan si Chuck at ako pati sila Klarisse.
“Tara na.”, hinatak na paalis ni Klarisse at Monica sila Kevin. Maya-maya ay kami nalang dalawa ni Chuck ang naiwan.
Namagitan sa’min ang mahabang katahimikan bago ako nagsalita. Hindi ko siya magawang tignan kaya ifinocus ko ang mga mata ko sa damuhan. “Hindi mo dapat ginawa ‘yun. Tumutulong lang siya!”, I said.
Matagal bago niya ako sinagot. Narinig ko pa ang malalim na paghinga niya. “What? Ano? You expect me na hindi magalit?”
Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili ko dahil ramdam na ramdam ko na unti-unti na naman nagwawala ang puso ko. “Chuck, hindi tayo. You have no say sa kung sino ang kausapin ko o sa kung sino ang samahan ko.”, as soon as lumabas iyon sa bibig ko, I regretted it. Kasi noong napunta ang tingin ko sa mukha niya, kitang-kita ko kung gaano siya nasaktan dahil sa sinabi ko. He was looking at me, tulala at nakakunot ang noo.
Kaagad ko na iniwas ang tingin ko dahil baka magbago ang isip ko at bawiin ko ang nasabi ko. I don’t even know kung para saan ang pag-uusap namin na ‘to. I don’t know kung ano ang purpose.
“Pasok na ako.”, paalam ko at inihakbang ang paa ko. Napangiwi ako kaagad nang naitapak ko ang kanang paa ko. Shit, it hurts!
Inilakad ko pa ang paa ko pero kaagad akong napatigil ng hablutin niya ang braso ko. Pilit niya akong hinarap sa kanya. I can’t look at him.
“Bakit mo ako iniiwasan?”, tanong niya ng nakatingin ng diretso sa’kin. Naramdaman ko kaagad ang pagkabog ng dibdib ko pagkatanong na pagkatanong niya noon. Ayoko kung saan papunta ang usapan na ‘to.
“Hindi kita iniiwasan.”, hinila ko pabalik ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
“Tangina.”, mahinang mura niya.
Hindi kaagad ako nakapagsalita, I don’t know kung anong sasabihin ko. I don’t know kung anong ire-react ko. For the first time na nagkaharap kami ni Chuck ito na yata ang pinaka-nakakakabang pag-uusap namin.
“Fuck. I had given you almost 3 weeks already.”, saad niya. “Hinayaan kita na iwasan ako sa loob ng three weeks na ‘yun, Aiz.”, rinig na rinig ko ang lungkot at lamig ng boses niya.
“Akala ko galit ka sa’kin dahil sa hinatid ko si Anica after ng party ni Andrew kaya pinalipas ko. Hinayaan ko na lumamig yung ulo mo. Pero, tangina, three weeks na, three weeks na pero hindi mo pa rin ako pinapansin!”, Nagalit ako sa’yo Chuck, because you chose Anica over me! Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit kita iniwasan, I was avoiding you kasi in-love na ako sa’yo. I wish I could tell you, right?
“Chuck, hindi nga sabi. ‘Di ako galit, okay?”, I tried my best to sound casual para hindi siya magduda. “Papasok na ako.”, paalam ko na naman na kaagad niyang pinutol.
“We’re still talking!”, he shouted at me. For the first time, he shouted at me. “Aiz, why don’t you tell me what’s going on?”, halos nagmamakaawa niyang sabi.
“C-Chuck—“
“Nadulas sa’kin sila Klarisse, they told me you’re inlove with me.“, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Agad na kumabog ang dibdib ko, yung sobrang lakas na pakiramdan ko mauubusan na ako ng hininga. “Sabihin mo, ‘yun ba ang dahilan kaya mo ko iniiwasan?”
Hindi ako nakasagot. Hindi ko masagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pero pakiramdam ko umurong na ang dila ko.
“Yung kilala ko na Aiza, hindi ganyan. Yung kilala ko na Aiza, matapang. Yung kilala ko na Aiza, hindi takot sa rejections. Yung kilala ko na Aiza, hindi natatakot sabihin ‘yung totoong nararamdaman niya. Pero bakit ngayon, nagkakaganyan ka?! Bakit ayaw mong sabihin yung totoong nararamdaman mo para sa’kin?! Bakit, ha? Dahil natatakot ka?! Putanginang takot yan! Bakit mo nililimitahan yung sarili mo?! Bakit mo ipinagkakait sa sarili mo na maging masaya? Bakit mo ipinagkakait sa’kin, satin na maging masaya? Sa ginagawa mo ba na yan, hindi ka nasasaktan, ha? Aiza, wag naman ganito. Mahal kita pero nasasaktan din ako.”, Tumulo ang luha ko ng natapos siyang magsalita, pupunasan ko na sana iyon pero naunahan niya ako. Sa isang iglap lang ay nasa harap ko na siya at pinupunasan ang mga luha ko gamit ang kamay niya.
All this time, akala ko ako lang ang nasasaktan. Hindi ko alam, dahil sa’kin nasasaktan siya. I hate myself for hurting him. “I’m sorry.”, ang tanging nasabi ko at tinakpan ang mukha ko gamit ang mga palad ko at doon umiyak.
Kaagad niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap. “Shh. I’m so sorry. Aiz, I’m sorry. For shouting at you, for being an asshole. Sorry, babe.”, mas lalo ako naiyak sa lambing ng boses niya.
Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa mukha ko at pinunasan na naman ang basa kong mukha gamit ang sarili niyang kamay. “Don’t cry. Please.”, saad niya. “Don’t cry, let me love you.”
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Dla nastolatkówBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...