Chapter 37: Tinuruan
Pangatlong araw na namin ngayon dito sa San Miguel, puro pasyal lang ginagawa namin noong mga nakaraan na araw. Si Chuck, ganoon pa rin. Sweet pagdating sa’kin pero pag nakikita si Neo parang nagiging leon. Ang init kasi ng ulo, hindi pa rin makaget-over.
“Chuck, tawag ka ni Lolo.”, lumapit si Kuya Marco sa kung nasaan kami at sinabi iyon pagkatapos ay umalis na rin. Tumingin ako kay Chuck na nasa may gilid ko at katulad ko, na kumakain rin.
Ganoon ang nangyari pagkatapos naming na kumain ay dumiretso kami sa kung nasaan si Lola. Kasama namin sila Klarisse at Monica at sila Vincent. Sila Andrew ay umalis kanina pang umaga, may pupuntahan daw sila. Kasama niya iyong mga kaibigan niya including si Lucas at syempre si Neo.
Nadatnan namin si Lolo na nasa may bukid at kasama iyong mga trabahador niya na nagsasaka. Nang makita niya kami ay kumaway siya sa’min at sumenyas na lumapit kami.
“Lo, bakit mo pinatawag si Chuck?”, tanong ko ng makalapit kami sa kanya. Nasa likod ko si Chuck na nakaalalay pa rin sa’kin. Sinabi ko na sa kanya na ayos na iyong paa ko pero hindi pa rin maawat.
Imbis na sagutin ako ni Lolo ay binalingan niya si Chuck. “Patuturuan kita magsaka, hijo.”, nakatawang saad niya kay Chuck. Napanga-nga ako sa sinabi ni Lolo.
I never imagined Chuck na magtatrabaho sa bukid. Mula sa mayaman na pamilya ‘to, wala itong alam sa gawaing bukid. Naiisip ko pa lang si Chuck na gagawa ng trabahong bukid ay napapangiwi na ako.
“Sige po.”, napatingin ako sa kanya ng sumagot siya. Bago pa ako makapagsalita ay iniabot niya na sa’kin iyong sapatos niya. Oo, nahubad niya na ang suot niyang sapatos at naka-tapak nalang siya ngayon.
Tinapik ako ni Klarisse ng makaalis si Chuck at sumunod kay lolo na lumusong doon sa may putikan kung saan itinatanim iyong mga palay.
“Future magsasaka ng Villa Lucia!”, natatawang saad ni Klarisse. Agad umalingawngaw ang mga halakhak nila kevin kaya napatingin ako kaagad kung saan sila nakatingin.
Dafudge! Si Chuck na hawak-hawak iyong kalabaw at nag-aararo. What the fuck?
“You can do it bro, isipin mo nalang kabayo yan pinapasyal mo lang!”, sigaw ni kevin at humalakhak. Ni hindi manlang siya sinagot ni Chuck, busy siya doon sa ginagawa niya.
Seryoso talaga si Lolo sa sinabi niya na papaturuan niya si Chuck dito sa gawaing bukid! And looking at him now, mukang na-eenjoy ni Lolo ang panonood kay Chuck na hirap na hirap doon sa pag-aararo. Nako! Sa taas ng sikat ng araw ngayon, panigurado na mapulang-mapula ito pag-ahon sa initan.
Lumipas ang oras at tama nga ako, halos mangitim na si Chuck sa pula ng mukha niya pagka-ahon niya mula sa pag-aararo. Anak mayaman ito eh, hindi sanay sa initan kaya ganito ang nangyari. Bigla tuloy akong nakonsenya kaya kaagad ko s’yang nilapitan at iniabot ang towel at bottled water na kinuha ko kanina habang busy siya sa pag-aararo.
Ngumiti siya at kinuha iyong mga hawak ko. Kaagad niyang ininom iyong tubig na bigay ko at agad na pinunasan ang mukha gamit iyong towel.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...