Chapter 15: Kerokeropi
Saturday ngayon at halos kakagising ko lang. Napatingin ako kaagad sa alarm clock ko sa bedside table, lunch na pala. Masyado ako nahimbing sa pagtulog, ganito kasi ako kapag walang pasok, sulit na sulit ang tulog.
Matapos ko magtoothbrush ay lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Ginugutom na ako. Pero halos manlumo ako ng buksan ko ang ref at makita ang isang pitsel ng tubig at ilang lata ng beer.
“Tss.”, agad ko sinara ang ref. Wala si Andrew ngayon, sabi niya ay free day niya kapag Saturday. Ganoon siya palagi, umaga pa lang ay wala na. Sigurado ako na mamaya pa ang uwi niya. Poreber lakwatsero kong pinsan, dinaig pa si Dora.
Pabalik na sana ako sa kwarto ko ng biglang may mag-doorbell. Dire-diretso ko na tinungo ang pinto ng unit ni Andrew, hindi ko na nasilip kung sino iyon, binuksan ko na agad ang pinto. At bumungad sa’kin ang mukha ni Chuck.
“Goodmorning!”, bati nito sa’kin ng nakangiti. Ano naman ang ginagawa ng isang ‘to dito?
Napatingin ako sa suot niya. Naka t-shirt lang siya tapo ay jersey shorts tapos ay rubber shoes.
“Hoy!”, sigaw ko sa kanya ng bigla na lang siya pumasok sa loob kahit na hindi ko naman iniimbita, tigas ng mukha nito ah?
Lumakad siya papunta sa living room at may ibinaba sa taas ng mini-table. Noon ko lang napansin na ang dala niya ay pagkain galing sa Mcdo.
Sinara ko na ang pinto at dumiretso sa kanya. “Yun oh! Kung ganitong dadalan mo ako ng pagkain e, talagang magkakasundo tayo.”, aktong bubuksan ko na iyong paper bag ng bigla niya tampalin ang kamay ko. “Aray!”
“Magpalit ka nga muna ng damit.”, saad niya ng hindi tumitingin sa’kin. Crap!
Agad ako umalis ng living room at patakbong pumasok sa kwarto ko. Paano ba naman kasi, naka shorts lang ako na pantulog tapos ay sando! Nakakahiya!
Nang matapos ako na magbihis at lumabas na ay naabutan ko siya na nasa kitchen at umiinom ng malamig na tubig. Nakatalikod siya sa’kin kaya ‘di niya ako nakita. Dumiretso na ako sa living room at naupo sa couch doon.
“Nice legs, Aiz.”, pang-aasar niya sa’kin at umupo doon sa kabilang couch. Sa inis ko ay agad ko siyang binato ng pagkalakas-lakas noong unan.
“Aray!”, tumatawang sabi niya.
Inirapan ko siya. “Gago ka.”, inis na sabi ko at padabog na kinuha iyong paper bag na may laman na pagkain ng Mcdo.
Kung hindi lang ako dinalhan ng pagkain nitong mokong na ‘to ay higit pa sa pambabato ko ng unan ang gagawin ko sa kanya. Pasalamat siya at mabait ako ngayong araw.
“Hoy, baka gusto mo ako bigyan?”, tumayo siya mula doon sa pagkakaupo sa kabilang couch tapos ay tumabi sa’kin. “Ako ang bumili niyan!”
“Sinabi ko bang ako?”, pamimilisopo ko sa kanya at kinuha iyong Spaghetti at Burger tapos ay iniabot ko sa kanya iyong natirang pagkain sa loob ng paper bag.
“Alam mo ang sungit mo e, ano?”, tumatawang sabi niya habang kinukuha iyong pagkain niya.
“Tss.”, sagot ko at nilantakan na iyong spaghetti ko. “Nga pala, ba’t naisipan mo na dumaan dito?”, tanong ko habang ngumunguya.
“Wala lang, baka nami-miss mo na ako eh.”, tumatawang saad niya.
“Kapal ng mukha nito kahit kailan.”, sagot ko sa kanya. “Nag-gym ka?”
“Yup. Malapit lang dito kaya naisipan ko na dumaan.”, sagot niya sa’kin tapos ay kumain na din siya.
Matapos namin na kumain ay pinauwi ko na siya, halos ipagtulakan ko siya patayo sa couch pero ang gago nahiga pa mas lalo pa humilata doon. Kainis lang!
“Lumayas ka na! Tss.”, saad ko sa kanya at sinuntok ang braso niya. Siya naman, tawa ng tawa.
“Bakit ba?”, saad niya habang tumatawa ng malakas. “Ayaw mo ba ng andito ako?”
“Ayoko! Layas na!”, pagpapalayas ko sa kanya. Pero ang totoo niyang pinapalayas ko na siya dahil magso-shower na ako. Sira kasi iyong gripo ng CR ko sa banyo ng kwarto ko kaya no choice ako kung hindi ang maligo sa may CR malapit sa kitchen.
“Ayoko nga umalis.”, saad niya at tumawa pa. “Saka, aayain nga kita na mag-grocery, nakita ko wala laman ref niyo.”, saad niya sa’kin. Saglit ako napaisip doon, oo nga ano? Kung sasamahan niya ako mag-grocery, libre na ako sa pamasahe ko. Hmm. Magandang idea.
“Sige, dyan ka lang. Magso-shower lang ako.”, tinigilan ko na ang pagsuntok sa kanya at dumiretso na sa kwarto ko para kumuha ng damit at towel.
Paglabas ko ng kwarto ko ay bumungad sa’kin ang topless na si Chuck. Pesteng lalaki ‘to!
“Hoy! Magdamit ka nga!”, suway ko sa kanya habang naglalakad papunta sa CR.
Nagulat ako ng bigla niyang hablutin ang kamay ko at sinandal ako sa may pinto ng CR. “Tangina mo, Chuck.”, mura ko sa kanya habang siya ay ngiting-ngiti naman.
“Ano kaya, para mas mabilis sa oras, sabay na tayo mag-shower?”, litanya niya tapos ay ngumisi. Sa gulat ko ay agad ko nahampas sa mukha niya iyong hawak-hawak ko na mga damit ko. Pero wrong move!
Nalaglag iyong mga underwear ko sa sahig! “Hahahahaha!”, napabitaw sa’kin si Chuck tapos ay tumawa ng tumawa ng makita iyong underwear ko. Agad ako yumuko para madampot iyon, pero naunahan niya ako! Tangina!
“Kerokeropi?”, tumatawang saad ni Chuck habang hawak-hawak iyong bra ko!
Agad ko inagaw iyon sa kanya pero itinaas niya ang kamay niya na may hawak ng bra ko. “Ganito pala mga ginagamit mo, ah?”, pang-aasar niya sa’kin. Sa sobrang inis ko ay agad ko hinampas ang abs niya ng pagkalakas-lakas.
Tumatawa pa siya ng ibalik niya sa’kin iyong bra ko. Sinamaan ko siya ng tingin. “Gago ka!”, inis na mura ko sa kanya at naglakad ng mabilis sa CR.
Narinig ko pa ang malakas niyang tawa bago ako makapasok ng banyo. Shit lang, ha! Nakakahiya! Gustong-gusto ko sakalin si Chuck ngayon! Peste lang!
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...