Chapter 14: Tita Olga
"Sweet niyo, girl.", kinikilig na saad ni Klarisse sa'kin habang naglalakad kami papunta sa CR para magpalit ng damit.
Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Bestfriend ko si Chuck, Klarisse. Walang malisya."
"Sa'yo wala. Eh sa kanya ba?", and that hits me hard. Nag-kibit balikat na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
Nang makapagpalit kami ng damit ay lumabas na din kami at dumiretso sa may gate. Nang dumating kami ay andoon na sila Chuck.
"Ganda naman ng t-shirt natin, Aiz.", nakangising saad ni Vincent.
"Bagay sa'yo.", saad ni Kevin.
Hindi ko sila pinansin na dalawa dahil alam ko na isa pang mapagbigay ng malisya itong dalawa na 'to.
"Kiss kita, Aiz.", agad ko kinurot si Chuck dahil sa sinabi niya. Grabe ang bibig niya! Kung ano ano ang sinasabi!
Narinig ko na nagtawanan sila Klarisse dahil sa ginawa ko kay Chuck. "Ang sweet niyong dalawa.", pang-aasar ni Klarisse sa'min. Agad ko siya pinanlakihan ng mata, agad naman siya natawa.
"Tara guys, sa bahay.", biglang sabi ni Chuck. "Iniinvite kayo ni Mommy eh."
Dahil nga hindi na naman iba sa'min ang mommy ni Chuck at madalas naman din talaga kami magpunta sa kanila ay pumayag kami na doon na sa kanila magmeryenda.
"Hija, buti at nakasama ka ngayon.", nasa bahay na kami nila Chuck at iyon kaagad ang bungad sa'kin ng mommy ni Chuck. Lumapit ito sa'kin at nakipag-beso.
"Opo.", ngumiti ako at inilibot ang tingin ko sa bahay nila.
Malaki ang bahay nila Chuck, halos kasing laki ito ng bahay namin dati. DATI kasi hindi na naman ako doon tumitira.
"Kumain muna kayo.", dinala kami ng mommy niya sa may kitchen. Maraming pagkain ang nasa lamesa. Puro mga sweets. Ito kasi ang hobby ng mommy niya, ang mag-bake.
"Lagay ko lang 'to sa taas, Ma.", rinig ko na sabi ni Chuck sa mommy niya tapos ay umakyat na siya.
Kumuha na ako ng cake na nandoon, pati cupcakes at mga bread. Gusto ko na tikman lahat, kung hindi niyo naitatanong ay mahilig din ako sa ganito.
"Teka, parang kilala ko ang t-shirt na 'yan ha?", nakangiting saad sa'kin ni Tita Olga. "Kay Brandon yan!", natutuwang saad niya.
"Tama po kayo, Tita. Pinahiram po sa kanya ni Chuck, sweet diba?", sabat ni Klarisse sa'min. Lintek lang!
Narinig ko na natawa si Tita Olga. "Bagay sa'yo, Hija.", akala ko ay magagalit siya pero mali ako, ngumiti pa ito sa'kin at parang gustong-gusto pa na makita ako na soot ang damit ng anak niya. Ibang klase!
Kumain kami ng kumain ng mga hinain na desserts ni Tita Olga para sa'min, at feeling ko ay hindi na ako makakakain ng dinner dahil dito!
"Mag-uwi kayo ng pagkain.", kakatapos lang naming na kumain at kasalukuyan kami na nasa living room nila Chuck ng lumabas ang mommy niya mula sa kitchen na may dala na limang paperbag.
"Thank you po.", pagpapasalamat namin.
Ngumiti ito sa'min. "Welcome, kids.", sagot nito at inilapag sa may lamesita iyong mga paperbag na may laman na desserts.
We still spent another hour sa bahay nila Chuck bago kami nagkayayaan na umuwi. Pagod na rin naman ako dahil sa PE namin kanina.
"Dito ka na kaya matulog, Aiz.", agad ako napatingin kay Chuck ng bigla niya ako akbayan. Agad ako napatingin kay Tita Olga na nandoon sa may gilid at nakatingin habang mukhang kilig na kilig sa'min.
Siniko ko si Chuck at nginuso ang mommy niya. Pero ang mokong, tumawa lang. "Ma, nahihiya sa'yo si Aiza.", sigaw niya. Tangines lang, ha!
"Nako, 'wag ka nang mahihiya sa'kin.", natatawang saad ng Mommy niya.
Ngumiti ako sa mommy ni Chuck. "Tutuloy na po kami, tita.", paalam ko bago tuluyan na umalis.
Tumango ito. "Mag-iingat kayo, Brandon, ihatid mo si Aiza."
"Hindi na po, tita. Sasabay na lang po ako kila Kevin.", saad ko dahil ayaw ko na abalahin pa si Chuck.
"I insist.", sagot ni Tita Olga. "Sige na, Brandon. Ihatid mo na si Aiza.". saad niya. Hindi na ako nakaapela pa ng ipagtulakan niya kami palabas ni Chuck.
"Mukang boto sa'yo si Tita Olga ha?", nasa labas na sila Klarisse at talagang mukhang kami na lang ang iniintay nila.
Umirap ako sa kanila dahilan para mas lalo nila kami asarin ni Chuck. Grabe lang ha, mga kaibigan ko ba talaga 'to?
"Gusto ka ni Mommy.", bungad ng nakangiting si Chuck sa'kin ng makasakay kami sa kotse niya. Nakaalis na sila Klarisse sakay noong kotse ni Kevin.
Isa pa itong lalaki na 'to eh. "Ewan ko sa inyo.", iritadong saad ko. Narinig ko ang tawa niya bago niya patakbuhin iyong kotse.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...