Thank you sa lahat ng bumasa, bumabasa, at nagbabasa pa din nito! And because I feel overwhelmed, here's a Special Chapter.Enjoy reading!
***
Muli kong pinasadahan ng tingin ang mukha ko sa salamin sa harap ko. Napangiti ako ng magustuhan ang naging ayos ng mukha ko. Light lang ang make-up ko pati na rin ang lipctick na ginamit sa'kin noong make-up artist. Iyong buhok ko ay kulot-kulot iyong dulo na bumagay sa ayos ng make-up ko.
"O, tapos ka na?", nakita ko si Lucas na sumilip mula sa pinto ng kwarto. Pumasok siya at kasunod niya si Andrew na inaayos iyong tie ng coat niya.
Tumayo na ako at hinarap silang dalawa. Tumango ako at, "Yup. Marami na bang tao sa labas?", saad ko at inayos ang pagkakasuot ng gown na suot ko. Napangiwi ako ng marealize na masyadong kita ang balikat, braso, at likod ko dito.
"Yep. Halos nandoon na lahat.", ani ni Andrew at sakto pagkasabi niya noon ay bumukas na naman iyong pinto at bumungad sa'min si Kuya Marco. I smiled as I saw him. He's wearing a gray armani suit na sobrang bumagay sa tindig niya. He became more handsome and manly.
"Kuya!", bati ko at agad siyang sinalubong ng yakap. Naramdaman ko ang pagyakap niya pabalik sa'kin bago humiwalay at balingan sila Lucas at Andrew.
"Are you ready?", ani ni Kuya at bahagyang ngumiti sa'kin. Natawa ako ng dahil sa tanong niya pero ganon pa man ay tumango.
"Yup.", saad ko.
Nauna na silang lumabas sa kwarto bago ako sumunod. Habang hawak ang phone ko ay maingat ako na lumabas at nag-ikot sa may hotel. Nasaan kaya si Chuck?
Gamit ang elevator ay bumaba ako patungo sa may lobby para hanapin siya doon. Pagkalabas ko sa lobby ay dumiretso ako kaagad sa may papunta sa pool side pero bago pa man ako makarating doon ay nahagip na ng tingin ko si Chuck.. At sa gilid niya ay mayroong mga nakaaligid na babae. Grr!
Nag-init ang ulo ko at mabilis na naglakad patungo doon. Nagsisi pa nga ako ng kaunti dahil nagheels ako. Kairita talaga itong mokong na 'to! I know hindi niya kasalanan na sa nakalipas na isang taon ay mas lalo siyang tumangkad, at yes.. Gumwapo.. Pero nakanaman! Kainis pa rin lalo tuwing magdedate kami ay lagi siyang inaaligiran ng mga haliparot kahit na kasama naman niya ako. Kainis lang at kakaubos ng pasensya!
"Chuck!", mariing tawag ko sa kanya ng makalapit ako. Nakita ko na napalingon siya sa side ko at unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya. Ah! Ngiti ka pa ah?
"Babe!", ani niya at mabilis na iniwanan iyong mga babae na kausap niya kanina para salubungin ako. Agad niyang ibinuka ang dalawang braso niya para salubungin ako ng yakap pero mabilis kong sinapak ang braso niya at nilagpasan siya. Dumiretso ako doon sa mga babaeng kausap niya na ngayon ay nasa akin na ang buong atensyon.
"What do you need?", tanong ko at iniwasan na magmukang selosang girlfriend.. Ew..
"Excuse me?", tanong noong mestisang babae na halos kasing tangkad ko lang. Sa sobrang puti niya ay mukha na siyang espasol.
Napaismid ako. Sus! Simpleng tanong lang ay hindi maintindihan?
"Ano'ng kailangan mo sa boyfriend ko?", ani ko. Naramdaman ko ang presensya ni Chuck sa likod ko at ang paghawak niya sa may balikat ko. Nang haplusin niya ako doon ay pinigilan ko na mapapikit. Damn!
Nilingon ko si Chuck na nasa likod ko at sinamaan ng tingin pero imbis na alisin niya iyong kamay niya sa may likod ko ay ngumisi lang siya at mas hinigpitan pa ang hawak doon. Hindi ko na pinansin at binalingan nalang ulit iyong tatlong babae sa harap namin.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...