Chapter 43

3.3K 87 0
                                    

Chapter 43: One good reason

Naramdaman ko ang mga footsteps niya sa likod ko habang tahimik akong naglalakad paakyat sa room namin. Hindi ko pa rin siya nililingon simula kanina.

"Stop! Stop!", mariing saad niya. Ha! At siya pa talaga ang galit? Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Dapat nga ako iyong magalit - which is ginagawa ko na ngayon - sa kanya. Sino ba namang babae ang matutuwa na makita iyong boyfriend - yup boyfriend - niya na mayroong kalandiang iba? Wala, diba?

"Aiz!", mas mariing sigaw niya at hinawakan ang braso ko. Hinarap niya ako sa kanya at mabilis na isinandal sa mga locker na nasa gilid lang namin. Matalim niya akong tinignan, I looked away.

Bwisit! Bwisit na Chuck! Kung alam ko lang na maglalandi lang ito ay sana hindi ko nalang sinagot!

"I don't like that look, Aiz.", seryosong saad niya. Tinignan ko siya at seryoso siyang nakatingin sa'kin. "Alam ko what you're thinking. And I know na you're thinking na nakikipaglandian ako kay Anica. And that saying YES to me, was a wrong decision. Throw that thought away."

Gusto ko sana na magtanong kung paano niya nalaman kung anong iniisip ko ng narealize ko na, kilala niya na ako. Mula dulo ng kuko ko sa paa hanggang sa dulo ng buhok ko.

"Bakit, 'di ba totoo? You're flirting with her. Nawala lang ako ay nakipaglandian ka na sa iba.", inirapan ko siya at kumawala sa pagkakasandal niya sa'kin sa locker. Pero muli niya akong hinila at sinandal na naman muli, nilagay pa niya ang dalawa niyang braso sa magkabilang-gilid ko.

Kumunot ang noo niya at naiinis na umiling.

"That is bullshit.", bulong niya at nanlaki ang mata ko ng isandal niya ang noo niya sa'kin. Lumambot ang ekspresyon niya at tinignan ako sa mata.

"Bakit ako magche-cheat sa babaeng matagal kong pinangarap?", bulong niyang nagpalambot sa tuhod ko. How could he be so.... Damn it!

"Give me one good reason, Babe.", bulong na naman niya. Naramdaman ko ang paghinga niya sa may tainga ko - it sent shivers down to my spine.

"Why would I cheat?", halos hindi ko na marinig na saad niya.

Sa takot na tuluyan akong manlambot ng dahil sa ginagawa niya at mabilis ko siyang tinulak palayo at inirapan.

"Wag mo akong landiin kapag galit ako sa'yo!", naningkit ang mata ko habang tinitignan ko kung paano niya pigilan ang pagngiti niya.

"Wag mo akong inisin, Jimenez. Sinasabi ko sa'yo sa oras na makita ko pa kayong magkasama ng babaeng 'yon. Maghahalo ang balat sa tinalupan!", irap ko at mabilis na nagmartsa paalis doon.

Nang dumating kami sa room ay wala na iyong prof. Dumiretso kaagad ako sa upuan ko at nakita na ganoon din ang ginawa noong lalaking nasa tabi ko.

"Nagbigay lang take home quiz si Sir tapos ay umalis na. Papasa daw after ng Christmas Vacation.", saad ni Kevin. Di ako kumibo at tahimik lang na naupo doon.

"Dude, ano'ng problema ng gf mo? Meron ba?", natatawang saad ni Vincent. Lilingunin ko sana siya para tignan ng masama ng marinig ko ang sagot ni Chuck.

"Kakatapos lang niyang bakuran ang kung ano'ng sakanya."

Napairap ako sa kawalan at pinigil ang pagngiti ko ng dahil sa sinabi niya. I think alam niya na talaga kung sino ang boss saming dalawa.

* * * *

Last day na namin sa university para sa taon na 'to. Bukas ay start na ng christmas vacation namin at masaya ako dahil sa wakas ay kahit papaano makakapag-enjoy na ulit ako. Dahil by January next year, OJT naman ang haharapin namin.

Sa dami ng inapplayan ko para sa OJT ay doon ako napunta sa kumpanya kung saan may koneksyon si Kuya Marco. Si Chuck ay doon sa company ng mga relatives niya nag-OJT, kaya meaning, hindi kami magkasama.

"Wag mo akong landiin, Chuck. Kakaskas ko ang nguso mo sa pader.", suway ko sa kanya ng pangatlong beses. Imbis na matinag ay lalo niyang nilapit ang mukha niya sa'kin.

Kanina pa ako hinaharot ng unggoy na 'to. Wala namang problema sa'kin na harutin niya ako, ang kaso lang, hello? Nasa station kami ng tren ngayon! Hindi niya dala iyong sasakyan niya kaya mag-te-train kami papunta sa school.

"Mama, tignan mo sila oh. Magki-kiss sila. Diba sabi mo kapag nagki-kiss magkaka-baby na?", nagulantang ako at napatingin kung saan nanggaling ang maliit na boses na iyon. Agad na bumungad sa'kin ang isang five years old na batang lalaki. Inosente siyang nakatingin sa'min ni Chuck gamit ang cute at singkit niyang mata.

Agad ko na tinampal ang kamay ni Chuck at ngumiti doon sa bata. Agad namang dumaing si Chuck tapos ay ilang sandali lang naramdaman ko na 'yung kamay niya sa may bewang ko.

"Di naman nakaka-buntis ang pag-kiss. Demo natin 'dun sa bata kung paano. Gusto mo?", agad kong sinapak ang katabi kong bastos. Agad niyang ininda iyon pero agad din naman na natawa.

"Manahimik ka, Jimenez!", asar na sinabi ko sa kanya. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko ng dahil sa mga pinagsasabi ng manyak na lalaking unggoy na 'to.

Nang dumating kami sa University ay naka-akbay siya sa'kin. Kanina ko pa rin iyon tinatanggal pero ibabalik niya din naman, paulit-ulit kaming ganoon hanggang sa hinayaan ko nalang siya.

"Babe, I love you.", saad niya na naging dahilan para biglang mag-init ang mukha ko.

Nanatili akong tahimik hanggang sa naramdaman ko ang tingin niya sa'kin. Tiningala ko siya at nakita ko ang seryoso niyang tingin.

"Di mo manlang sasagutin?"

"Bakit? Anong tanong?", biro ko na nakapagpa-kunot ng noo niya. Bago pa siya tuluyang mainis ay sinagot ko na ang sinabi niya.

"I love you, din.", saad ko at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. Naramdaman ko ang paghigpit ng akbay niya sa'kin tapos ay ang marahan niyang paghalik sa ulo ko.

"Kingina ng lovers na 'to oh. Pinapamukha lalo sa'kin na single ako.", bungad ni Kevin ng makita nila kami ni Chuck na ganoon.

"SMP!", sigaw ni Chuck at tumawa. SMP? Ano daw?

"Gago! Samahan ng makikikain sa pasko!", sagot ni Vincent. And with that nagtawanan sila. I don't get these people.

Nang matapos ang klase namin sa araw na iyon ay nagyaya sila na kumain sa labas o kaya ay magbar. Tutal ay last day na at baka next na kami ulit magkita-kita ay sumama na kami ni Chuck.

"Di ka ba sa US magki-christmas?", tanong niya habang nasa sasakyan kami.

Umiling ako. "Hindi. Uuwi si Daddy sa 20. Sa San Miguel kami mag-pa-pasko.", saad ko. Hindi na siya muling nagtanong pa after noon.

Dad said na uuwi siya with Tita Lina and Xander sa 20. Tita Lina is my Dad's fiancée. Hindi naman ako against sa relationship nila, I want Dad to be happy. Ayoko na maging spoiled brat at pigilan siya na maging masaya. Xander is my step-brother. He's four and a half years old at talaga namang napaka-cute. Noong nagbakasyon ako kay Dad noong summer ay ako ang nag-alaga sa kanya. Tita Lina would always tell me that we have the same eyes. Na nakita ko naman na totoo. He was like the smaller and guy version of me.

Nang dumating kami sa bar ay nag-order ako ng maraming pagkain. Gutom na gutom ako at talagang nagce-crave ako sa fries at nachos nila dito.

"Why is she like that?", lingon ni Kevin sa'kin. "Buntis ba si Aiza, pre?", nabilaukan ako sa kinakain ko ng dahil kay Kevin. Agad naman akong inabutan ni Chuck ng tubig habang tumatawa.

"How I wish.", saad nito. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako nagsimulang kumain ulit.

Yes, how you wish. Pagkatapos kasi noong sinagot ko siya ay hindi niya na ko ulit nahalikan. Ha! Subukan lang niya at baka mabasag na ang pinaka-iingatan at pinaka-mamahal niyang itlog.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon