Chapter 42

3.4K 82 0
                                    

Chapter 42: Mine

Wala kaming ginawa buong araw kung hindi ang magsaya. He looked so happy today. Hindi mawala iyong ngiti sa mukha niya lalo na kapag aasarin niya ako at kapag hahawakan ang kamay ko habang naglilibot kami sa mall. 

Nang magdilim na ay nagdinner lang kami bago kami umuwi. It's past seven na at talagang masasabi ko na nasulit ang araw namin, well sinulit niya.

"Umuwi ka na nga, gabi na.", saad ko sa kanya pagkahatid niya sa'kin sa bahay. 

"Hindi mo manlang ba muna ako papapasukin?", tanong niya. Tinaasan ko agad siya ng kilay.

"Hoy, mahiya ka naman. Buong araw na tayong magkasama tapos humihirit ka pa ng ganyan!", natatawang sabi ko.

"Para kasing pag-umalis ako, mamimiss kita agad.", nakangiti niyang sabi sa'kin. Ilang segundo akong natulala sa mukha niya bago ko biglang naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko.

"Jimenez!"

"Bye, babe. I love you!", sigaw niya at mabilis na pumasok sa kotse niya.

Natulala ako habang binababa niya ang bintana noong side niya. Bumungad sa'kin ang nakangiti niyang mukha.

"I-Ingat ka.", hindi makatingin ng maayos na sabi ko. Nakita kong natawa siya dahil sa pagkakautal ko pero agad inayos ang sarili niya.

"See you tomorrow.", saad niya at kinindatan ako bago tuluyang umalis.

 Tumuloy na ako sa loob at naabutan doon si Kuya Marco na mukhang kakadating lang din. Nasa living room siya habang inaayos iyong mga gamit niya.

"Good Evening.", bati ko kay Kuya. "Kakauwi mo lang?", tanong ko.

"Hindi. Uuwi ako sa San Miguel ngayon.", iling niya.

"Gabi na, ah?", tanong ko at lumapit sa pwesto niya. Nakita ko ang isang bagpack at iyong lagayan ng laptop niya.

"Oo. Kailangan, eh.", aniya at dinampot na iyong bag niya at isinukbit. "Oh, paano. Ikaw munang bahala sa mga boys. Tawagan mo ako kung may problema. Uuwi din naman ako sa isang araw.", saad niya sa'kin tapos ay ginulo ang buhok ko.

Nang nakaalis na si Kuya ay umakyat na ako at agad akong nagtaka ng napansin ko na tahimik sa buong second floor kaya agad akong tumuloy sa kwarto ni Andrew. Pagbukas ko ng pinto ay agad bumungad sa'kin ang isang magulong kwarto.

"Andrew!", sigaw ko pero walang sumagot. Kaya pumasok ako sa loob at pumunta naman sa CR niya, kinatok ko iyon pero still ay wala pa ring sumagot.

Nang nakumpirma ko na wala siya doon ay lumabas na ako at dumiretso naman sa kwarto ni Lucas. Katulad ng sa kay Andrew ay binuksan ko din ang pinto niya, pero 'di tulad ng kwarto ni Andrew ay di hamak na malinis itong kay Lucas. Organized ang lahat ng gamit niya at malinis ang kama niya. 

Mukhang wala din si Lucas kaya lumabas na ako at dumiretso na sa kwarto ko. Naabutan ko na naka-on ang laptop ko kaya agad kong nakumpirma na nakigamit na naman ng gamit ang walanghiyang pinsan ko na si Andrew.

Tinignan ko ang laptop ko at nasa homescreen iyon ng facebook. At dahil nandito naman na din ako ay nag-log in na ako. Agad na bumungad sa news feed ko ang picture ni Andrew na kasama ang isang babaeng naka spaghetti strap. Nakaakbay siya doon sa girl habang iyong babae ay nakahalik sa pisngi niya.

"Yuck! The fuck?", nasabi ko at agad iniscroll pababa ang mouse para maalis doon sa picture na 'yun.

Busy ako sa paglalaptop ng marinig ko na tumunog ang cellphone ko. Agad akong tumayo at dinampot ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng kama ko at tinignan ang screen nito.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon