Chapter 34

3.2K 90 3
                                    

Chapter 34: Bestfriend

Nang makababa ako ay dumiretso kaagad ako sa dining room pero wala sila doon. Habang pabalik ako sa may living room ay nakasalubong ko si Manang Elsa na kakapasok lang.

“Nasa may garden sila, doon naghahapunan. Naroon din yata sila Travis.”, saad niya kaya tumuloy na ako sa labas.

Tama nga ang sinabi ni Manang, nandito sila at dito nagkakagulo dahil sa pagkain. Tulad kaninang tanghalian ay marami na naman na pagkain ngayong hapunan. Plus, narito rin sila Travis kasama niya si Miguel at iyong isa pang lalaki kanina na kasama niya noong nakita ko sila sa starbucks.

Pagkakita sa’kin ni Travis ay agad niyang iniwan si Andrew na kausap niya at lumapit sa’kin. Agad niya akong binati at sinalubong.

“Nice shirt, Aiza.”, ngumiti ako sa sinabi niya.

“Syempre, sa’kin eh.”, napalingon ako sa nagsalita sa may gilid ko and there is Chuck. Nakasimangot siya habang nakatingin sa’kin. Tulad ko ay mukang bagong paligo siya, dahil na rin sa bago na iyong damit niya.

Nakita ko na tinanguan siya ni Travis bago ibalik ang tingin sa’kin. “let’s eat.”, yaya niya sa’kin at tinungo na ang mga kaibigan namin na busy na sa pagkain ng mga barbecue doon at pag-iinuman.

Habang kumakain ay katabi ko pa rin si Travis. Nasa may unahan ko naman si Chuck. Hindi ko maiwasan na mailang dahil ramdam na ramdam ko ang titig niya sa’kin habang kumakain kami. Kung pwede ko lang tusukin ang mata niya ay gagawin ko na.

“Lalo ka talagang gumaganda compared to the last time I saw you.”, tapos na kami kumain pero nasa may table pa rin kami at nakaupo. Umiinom na si Travis sa tabi ko, maging si Chuck na nasa may unahan ko ay umiinom na rin. Hindi siya nakitable doon sa mga ibang lalaki.

“Bolero.”, Narinig ko ang mahinang bulong ni Chuck. Napatingin ako sa kanya dahil doon. Pero mukhang hindi lang yata ako ang nakarinig ng bulong niya.

“Ano?”, napatingin ako kay Travis na nakatingin rin pala kay Chuck. Naka-kunot na ang noo niya, mukang badtrip na siya dahil kanina pa niya nahahalata ang mga pambabara ni Chuck sa kanya.

Nagkibit-balikat si Chuck at tumungga sa bote ng beer niya. “I’m not saying anything.”, saad niya at nakipagtitigan pa kay Travis. Hindi ito maganda, I’ve seen Travis before, kung paano siya makipag-away, and all I can say is, hindi siya basta-basta. Yes, I know na basagulero din si Chuck, at kung tutuusin nga ay mas malaki pa siya kay Travis, pero I don’t want to risk it. Ayoko na magkagulo silang dalawa lalo na dito sa mansyon ni Lola.

“Pahangin lang ako.”, agad na akong tumayo sa upuan ko at dumiretso papunta sa may likod ng mansyon. Tinungo ko kaagad ang kubo kung saan kami tumambay kaninang tanghali.

Kaagad ako na humiga sa may duyan doon, kahit na nasa loob ako ng kubo ay tanaw ko ang langit na puno ng mga bituin. Ang sarap sa pakiramdam kapag ganito katahimik. Mas gusto ko ‘yung ganitong nag-iisa kaysa naman sa marami nga, pero nagkakagulo naman.

“A penny for your thoughts?”, napaayos ako ng higa ng marinig ko na may nagsalita, kaagad kong tiningala kung sino iyon at agad ko nakita ang nakangising si Neo habang may hawak na bote ng beer.

Umupo siya sa may upuang kahoy na malapit lang sa’kin. “Mukang mainit si Chuck at Travis, ah?”, saad niya at tumungga ng beer.

Marahan akong tumango. “Kanina pa binabara ni Chuck si Travis eh, ayon napikon siguro.”, saad ko. Narinig ko ang pag-ngisi niya kaya tinignan ko agad siya.

Umiling siya at ngumiti. “The same as before.”, naguguluhan ako na tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya. “Hindi mo nga pala alam.”

“Alam ang ano?”

“Chuck and I, we used to be bestfriend noong highschool kami.”, nagulat ako at nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. I knew it! Magkakilala na talaga sila noon palang.

“Sabi ko na nga ba, may something sa inyo eh.”, naningkit ang mata ko habang tinititigan siyang ngumingisi. Gusto ko pa sana na magtanong kung anong nangyari at bakit ngayon ay halos hindi na sila magkakilala, pero hindi naman ako ganong klase ng tao na chismosa.

“By the way, sorry about earlier.”

“Ha? Bakit?”, tanong ko. Bakit siya nagso-sorry?

This time, siya naman ang naguguluhan na tumingin sa’kin. “Sa pang-aabala ko. Diba?”, he said. Ano? Anong sinasabi niya? Anong pang-aabala ang sinasabi niya?

“You told me, diba? You texted me, you said, na ‘wag na kita ite-text kasi naaabala kita.”, napanga-nga ako sa sinabi n’ya.

“What? I didn’t said that! At saka, tinext? Eh wala nga sakin ang phone ko--Shit! Si Chuck!”, napahawak ako sa noo ko ng marealize ko iyon. Nasa kanya ang phone ko since kanina, hindi ko pa ‘yun ulit nahahawakan. Siya ang nagtext kay Neo!

“What do you mean?” he asked.

“Nakay Chuck ang phone ko, pinahawak ko sa kanya. Hindi ko pa nakukuha since kanina.”, paliwanag ko.

Nakita ko ang pagngisi niya dahil doon. “That’s why.”, saad niya at mas lalo pa na lumawak ang ngisi na para bang mayroon siyang na-realize o nalaman na nakakatuwa or interesting.

Nagkwentuhan pa kami saglit bago siya nag-aya na bumalik na kami doon. Ubos na rin kasi ang beer na dala niya, sumama na rin ako dahil sa gumagabi at dumidilim na rin.

Nauuna siya sa’kin na bumaba ng kubo, ng pababa na ako ay hindi ko alam kung anong katangahan ang sumapi sa’kin, kaagad ko kasi naitapak ang paa ko at nakalimutan na may dalawang steps pa pala na natitira sa hagdan na naging dahilan para madulas ako.

“Hey, are you ok?”, nag-aalala niyang tanong sa’kin at kaagad akong nilapitan at inalalayan patayo.

Agad ako napangiwi dahil sa kirot na naramdaman ko sa kanang paa ko. “Ang sakit ng paa ko, pucha.”, mura ko. Narinig ko na natawa siya pero kaagad niya naman ako inalalayan patayo.

“Let’s go.”, nakangiti niyang sabi at hinawakan ako para alalayan maglakad, sobrang lapit namin sa isa’t-isa na nakakailang pero no choice eh.

Humarap na kami para makalakad na kami, pero hindi pa man kami tuluyang nakakaharap ay isang suntok na kaagad ang tumama sa mukha ni Neo na naging dahilan para mapabitaw siya sa’kin at bumagsak sa damuhan.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon