Chapter 24: Pabango
Nang makauwi ako sa bahay ay nadatnan ko na nasa living room sila Kuya Marco kasama si Andrew at Lucas. Sigurado ako na hinihintay lang ako ng mga ‘to. Si Chuck hindi na pumasok, may lakad pa daw siya. Hu! If I know may kikitain lang iyon.
“Saan ka galing?”, tanong ni Andrew ng makita niya na papasok ako sa bahay. Umupo ako kaagad sa may sofa at itinaas ang paa sa center table.
“Kumain lang.”, sagot ko at in-on ang TV. “Kayo?”, tanong ko dahil kanina ay umalis din naman silang dalawa.
“Ah. Inasikaso ko lang papers ko sa school. Doon na ako papasok starting tomorrow eh.”, sagot ni Lucas.
Meron palang office ang school kahit na Sunday? Ay ewan. Bakit ko ba iniisip iyon.
“Nga pala, kuya. Birthday ko na sa Friday.”, biglang sabi ni Andrew kay Kuya Marco. Napaisip ako, oo nga ano? Birthday na ng isang ito sa biyernes. 20 na siya. Wow. Gurang na.
Nakita ko na tumingin si Kuya Marco sa kanya at tumango. “Sige. Pero bantayan niyo ni Lucas si Aiza.”, sagot ni Kuya.
“Naman, kuya? Bata pa ba ako!”, reklamo ko kay Kuya Marco pero ‘di niya ako pinansin at ibinalik ang atensyon niya sa laptop niya. Kanina pa ito simula nung umalis ako, ah?
Suggest ng suggest si Andrew nang mga pwedeng celebration na gawin niya sa Friday. Pero at the end, sa bar siya nauwi. Hindi kasi pwede na sa bahay mag-party. Dahil sigurado na magiging maingay iyon, hindi pwede dahil na din sa dami ng kapitbahay namin. Sigurado na magrereklamo ‘yung mga yun.
KINABUKASAN, Monday. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ay nagsimula nang mag-imbita si Andrew. Halos lahat yata ng nadadaanan namin na kakilala niya ay iniimbita niya sa party niya. Well, wala namang masama doon. May pera naman siya na gagastusin, syempre ay galing kay Kuya Marco.
Kanina ko pa rin napapansin ang lingunan ng mga nadadaanan naming mapa-lalaki o babae kay Lucas. Oh, well. Siya na, siya na talaga. Agaw atensyon ang pinsan kong ito.
“Yo! Friday, party!”, bungad ni Andrew ng makarating kami sa classroom. Classmate ko kasi siya tuwing first period kapag Monday. Hindi na namin kasama si Lucas dahil iba ang sched niya, magulo ang sched nun. Late enrollee, eh.
Nadatnan namin doon sina Troy at iba pa na nagku-kwentuhan. Kasama na din si Neo na napatingin sa’kin na makita na dumating na kami. Oo nga pala, iyong reply ni Chuck sa kanya. Lecheng Chuck kasi iyon eh.
“Birthday mo na dude. Gurang ka na, pero dahil papainom ka, syempre young ka pa rin!”, biro ni David kay Andrew na naging dahilan para makatikim siya ng mura sa kanya.
Pumunta na ako sa upuan ko at nagulat ako ng tumabi si Neo sa’kin. “Bakit?”, tanong ko ng mapansin na nakatingin siya sa’kin.
“Nothing.”, umiling siya. “So you’re with Chuck last night?”
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya, after noon ay hindi na siya nagtanong. Umalis na din siya sa upuan sa tabi ko at lumipat sa upuan niya sa likod. Maya-maya lang ay dumating na din sila Chuck kasama sina Kevin, halos kasunod nilang dumating ay si Sir Palma, iyong panot na prof namin na kumuha ng board ko. Grr.
“Exams nyo na next week, and I’ll be distributing your handouts.”, saad niya at nagsimula na sa pagpapamigay ng mga handouts. Nang makita niya ako ay biglang parang may naalala siya.
“Aiza. So, Lucas del Castillo is your cousin?”, tanong niya ng makarating siya sa may gilid ko.
Tumango ako sa kanya at kinuha ang hand-outs na hawak niya. “Andrew’s brother.”, simpleng sagot ko kay Sir, narinig ko ang malalim na paghinga ni Sir. Wag nyang sabihin na intresado siya kay Lucas?
Nilagpasan na ako ni Sir after noon at ipinagpatuloy lang ang pagdi-distribute ng handouts naming na oras pa lang na makita ko ay halos antukin na ako. Paano ba naman, ang haba! Tapos ang dami pang terms! Amp lang.
“Sama ka sa party sa Friday?”, napatingin ako kay Chuck na nasa gilid ko. Nagulat pa ako ng makita siya, muka kasing ‘di nakatulog ng maayos e. Gulo-gulo iyong buhok niyang kulay brown at parang inaantok iyong mata niya. Pero ang mokong nakukuha pang ngumisi!
“Yep. Ako pa ang mawala?”, tanong ko sa kanya at ibinalik ang tingin ko kay Sir na busy sa pagdi-discuss doon sa harap.
Matapos ang klase kay Sir ay kanya-kanyang dukdok na kami sa mga table namin. Ang boring talaga ng subject na ‘yun, tapos ay 2 hours pa. Tss. Parusa!
Napatingin ako kay Chuck na nasa gilid ko at nakita ko na nakadukdok din siya sa ibabaw ng table niya. Himala yata at matamlay ang isang ‘to. Hmm. Siguro ay talagang pagod lang at puyat. Nagtataka tuloy ako kung saan nagpunta ang lecheng ‘to kagabi.
“Bro, may naghahanap sa’yo sa labas.”, kakarating lang ni Kevin at sinabi nya yun kay Chuck.
Tumingin ako sa kanya at nagkibit-balikat. “Tulog. Puyat. Sino naghahanap sa kanya?”, tanong ko.
“Ewan ko, ‘di ko alam pangalan eh. Pero sa pagkakaalam ko sa Tourism department yung babae eh.”, Babae? At sinong babae naman kaya ‘yun. Hmm. Dahil na-curious ako, ako na ang tumayo at lumabas para tignan kung sinong naghahanap sa kanya.
Pagkalabas ko ay naabutan ko ang isang magandang babae na nasa labas ng room namin. And when I say maganda, maganda talaga siya. I mean, kamukha siya noong mga models na napapanood ko sa TV.
“Hi!”, bati niya sa’kin. “You’re Chuck’s bestfriend right?”, tumango ako sa tanong niya.
“Yup. Nasa loob siya, natutulog, eh.”, paliwanag ko. Tumango-tango naman iyong babae at nagulat ako ng may iabot siya na box sa’kin.
“Pakibigay naman sa kanya niyan. Please?”, sabi niya. “Peace offering, hindi kasi ako nakarating sa usapan namin kagabi eh.”, oh! So ito pala ang kakitaan ni Chuck kagabi, sinasabi ko na nga ba!
Dahil muka namang mabait iyong babae ay pumayag na ako na ibigay iyon kay Chuck. Nako kung hindi lang siya mukang model ay hindi ko ibibigay itong pinapabigay niyang… Teka? Ano nga ba itong pinapabigay niya kay Chuck?
Sinuri ko ang box at nanlaki ang mata ko nang makita ko kung ano iyon. ‘BVLGARI AQVA POUR HOMME’ iyon ang nakita ko na tatak noong pabango.
Grabe mag-peace offering iyong babaeng ‘yun. Pabango pa. Pwe!
Pumasok na ako sa room at nadatnan ko na gising na si Chuck at nakikipagtawanan na kina Kevin. Katulad kanina ay gulo-gulo pa rin iyong buhok niya, pero hindi na siya mukang puyat. Buong period ka nga naman matulog! Pasalamat siya ay hindi siya sinita ni sir. Palibhasa ang baklang panot na iyon ay type itong si Chuck.
“Bigay noong babae mo sa labas.”, saad ko nang makaupo ako sa upuan ko. Inabot ko ang box sakanya.
“Ibang klase pare. New chick? Sa lahat ng chicks mo ‘yan lang ata nagbigay sa’yo ng pabango.”, natatawang sabi ni Vincent. Oo nga ano? Itong isang ‘to lang ang nagbigay ng pabango. Karamihan kasi ng ibinibigay sa kanya ay pagkain. Cakes, cupcakes, at kung ano-ano pang sweets.
Napatingin ako kay Chuck at napansin ko na nakangiti siya habang tinitignan iyong pabango. Ewan ko pero bigla ay nakaramdam ako ng inis.
“Tss.”, bulong ko at kinuha ang cellphone ko sa bag at padabog na isinaksak ang earphones ko sa tenga. Kainis! Naiinis ako ng hindi ko alam kung ba’t ako naiinis! Ay ewan!
Nakita ko sa gilid ng mata ko na sinulyapan ako ni Chuck pero agad din niya binawi ang tingin niya at ibinalik sa pabangong hawak niya. Peste talaga. Basagin ko iyang pabango na ‘yan sa mukha mo, eh!
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...