Chapter 31: Gusto ko pa mabuhay
Pagkatapos ng pagsigaw niya ay hindi ko nalang siya pinansin at ibinalik nalang muli ang earphone sa tenga ko. Laking pasalamat ko dahil hanggang masundo namin sila Kevin at 'yung iba pa ay hindi niya na ako kinausap.
"Dude, anong nangyari sa'yo? Bad day ba?", tumatawa si Kevin pagkasakay sa sasakyan ni Chuck. Siya ang huli namin na sinundo dahil siya ang pinakamalayo ang bahay.
Narinig ko na hinampas ni Klarisse si Kevin. "Shh. Daldal mo. May natutulog dito!", sigaw niya. Natutulog kasi siya, at nagkataon pa na sila ni Kevin ang magkatabi sa upuan.
Narinig ko pa ang pagtatalo nila kahit na naka-earphone ako. Masyadong malakas ang boses nila eh, parang naka-megaphone.
Buong byahe ay tahimik si Chuck, ramdam ko yon dahil katabi ko siya. After ng one hour ay nag-stop kami sa NLEX para bumili ng pagkain, yung iba kasi sa kanila ay hindi pa nagbe-breakfast. At tutal naman ay medyo ginugutom na din ako ay bumaba na din ako.
"Iwan mo nalang bag mo dito. Akin na phone at wallet mo.", napatingin ako kay Chuck ng magsalita s'ya. Dahil nga halata ko na badtrip siya ay hindi na ako nakatanggi. Binigay ko sa kanya ang phone ko pero hindi ang wallet ko.
Bumaba na ako sa sasakyan at dumiretso sa Mcdo para bumili ng fries at burger. Sa pila ay nasa gilid ko si Chuck. Ramdam ko din ang tingin ng mga babae sa unahan namin sa kanya. Palihim ko siyang tinignan, ngayon ko lang napansin ang suot niya. He's wearing green denim shorts tapos ay white na shirt na may tatak sa gitna na Hollister at saka top sider. Over all, simple lang ang suot niya. But these girls in front of us are drooling over him.
Nang turn na namin para umorder ay nakita ko na ngumiti pa iyong babae sa kanya bago tuluyang lumagpas sa'min, pero kaagad ko din nakita na napasimangot siya. Bakit? Dahil hindi siya pinansin nitong nasa tabi ko. Ganoon si Chuck. Kapag badtrip siya, kahit ikaw pa ang pinaka-magandang babae, hindi ka niya papansin, o ni titingnan man lang.
Matapos ko na umorder ng isang large fries at burger ay tumingin ako sa lalaking seryosong-seryoso na nakatayo sa gilid ko. "Ano gusto mo?", tanong ko. Dahan-dahan ay bumaling ang ulo niya sa'kin. "Katulad ng sa'yo.", sagot niya. Ibinalik ko na doon sa kumukuha ng order ang tingin ko at sinabi na isang order pa noong inorder ko.
Nang maayos na lahat ng order ko ay kinuha ko na ang wallet ko at kumuha ng pera doon, iaabot ko na sana doon sa babae 'yung bayad kaso naunahan ako ni Chuck.
"Ako nang magbabayad.", saad niya. Galit pa rin ang tono nito kaya malamang ay badtrip pa rin ito. Tss. Init ng ulo.
Nang makalabas kami sa Mcdo ay dumiretso siya bigla sa Starbucks. Hindi na sana ako sasama o susunod sa kanya pero bigla niya ako hinawakan sa braso at hinila. Kaagad ko tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, hindi naman siya umimik at binitawan na din ako. Kaya ang resulta, ako naman ang nakasunod sa kanya.
Pagkapasok namin sa starbucks ay nalanghap ko kaagad ang nakakarelax na amoy ng kape. Hindi naman ako umorder ng drinks sa Mcdo, kaya mag-starbucks na lang ako.
"Umupo ka nalang jan, ako ng bibili.", iniwan niya ako malapit sa may upuan sa may entrance. Tumuloy na siya sa may counter kaya naupo na lang ako at hinintay siya.
Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng shop at natigil iyon sa isang table kung saan nakaupo ang tatlong lalaki. Is that Travis?
Wala sana akong plano na pansinin sila. Pero napatingin sa gawi ko si Travis at nakita niya ako. Kaagad niya ako nginitian at wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti pabalik. Nakita ko na itinuro niya ako doon sa dalawang kasama niya, tumingin iyong dalawa niyang kasama sa gawi ko, he's with Miguel and another guy na hindi ko kilala.
Ngumiti si Miguel sa'kin, maya-maya ay sabay-sabay silang tumayo at lumapit sa kung nasaan ako. Inukupa nila ang table sa may tabi ng table kung saan ako nakaupo.
"Who's with you?", tanong kaagad ni Travis sa'kin ng makaupo siya. Iniharap pa niya talaga ang upuan niya sa'kin. "Uwi ka satin?", tanong niya.
Tumango ako. "Oo, eh. I'm with my friends.", sagot ko sa kanya. Tumango-tango naman siya.
"Friends? Ihahatid ka nila?", usisa ni Miguel.
"Hindi, pupunta din kasi sila sa'min. Bakasyon lang.", paliwanag ko. Katulad ni Travis ay tumango-tango din ito.
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating na si Chuck. Ganoon pa rin ang mood niya, badtrip pa rin. Pero napansin ko na mas lalo siyang na-badtrip ng makita na may kausap ako na mga lalaki or should I say ng makita ako na kausap si Miguel.
"Oh. Dito na pala si Chuck eh.", sabi ni Miguel at tumingin kina Travis. "Tara na dude.", yaya niya. Hindi na naka-hindi si Travis dahil tumayo na kaagad si Miguel after nyang magyaya.
"Kita nalang satin.", saad niya. Mukang uuwi din yata sila. "Tara, Trav."
"Hang-out, Aiza. See you!", paalam ni Travis sa'kin tapos ay nakipag-apir pa sa'kin. Naunang lumabas si Miguel at sumunod naman sa kanya sina Travis at iyong isang lalaking 'di manlang nila ipinakilala sa akin.
Nang makalabas sila ay tumingin na ako sa lalaking abot langit ang simangot na nakaupo sa upuan sa harap ko. Hawak hawak niya 'yung phone ko at nakatitig na naman sa'kin.
"Wag mo nga ako tingnan.", saad ko at kinuha na iyong binila niyang inumin para sa'kin tapos ay tumayo na at naglakad palabas. Maya-maya ay naramdaman ko na kasunod ko na siya.
"Ba't ang dami mong kilalang lalake?", tanong niya na hindi ko pinansin. Napa-irap ako sa kawalan at sumakay na agad sa front seat ng sasakyan niya ng hindi siya nililingon.
"Ano ba yan! Magbati na nga kayo. Hanggang ngayon ba magkaaway pa rin kayo?",narinig ko na sabi ni Vincent ng makasakay ako sa harapan. Sumunod sa'kin si Chuck, sumakay na rin siya habang hawak-hawak iyong inumin niya. Paano ito magdadrive ngayon?
In-start niya ang sasakyan niya, still nasa kaliwang kamay pa rin niya iyong binili niyang inumin. Don't tell me, magda-drive siya ng isang kamay lang ang gamit?
Katulad ng nasa isip ko, tama nga ako! He's going to drive ng isang kamay lang ang gamit! Shet, ayoko pa mamatay!
"Ako ng maghahawak.", inagaw ko sa kanya iyong inumin niya at ako ang naghawak. Napatingin siya sa'kin at nakita ko na medyo nangiti siya. Umiwas ako ng tingin.
"Gusto ko pa mabuhay.", saad ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Kung wala lang akong pakialam kung maaksidente kami ay hahayaan ko siya na magdrive ng isang kamay lang ang gamit, kaso hindi. Mahal ko pa ang buhay ko. At kapag ganitong badtrip si Chuck, nawawalan yan ng control miski sa pagda-drive.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...