Chapter 21: Del Castillo Brothers
“Bakit kasi ngayon mo lang sinabi!”, napa-irap ako sa pang-isang daang beses na ata dahil sa sinabi niya. Ang kulit ng lahi eh!
Tumingin ako sa labas ng bintana. “Kakatapos lang ng klase ko, ano’ng gusto mo? Mag-cutting ako? Tulad mo ako sa’yo!”, sagot ko sa kanya.
Narinig ko ang mahinang pagmumura niya tapos maya-maya lang ay nakarating na kami sa building ng condo niya. Mabilis kaming bumaba ng kotse at umakyat papunta sa unit namin. Kapag nahuli kami ni Kuya Marco, nako po! Patay na!
“Walisin mo ‘to!”, tarantang sigaw ni Andrew sa’kin habang siya naman ay nasa kwarto niya at may kung ano’ng hinahalungkat doon.
Halos tumakbo ako habang nagwawalis. Walis dito, walis doon. Kapag naabutan nila Kuya Marco na ganito kakalat dito sa condo naming ay tyak na makakatikim kami ng magkasabay na sermon at batok doon. Tss. Ba’t ba naman kasi ang tamad nitong pinsan ko eh!
“Ano yan?!”, sigaw ko kay Andrew ng makita ko iyong mga kalat na dala niya mula sa kwarto niya. Puro balat kasi ng chips, tapos ay may nakita pa ako na mga lalagyan ng condom. Kadiri!
“Kalat ko!”, saad niya tapos ay inilagay doon sa garbage bag iyong mga kalat niya.
Makalipas ang halos sampung minuto ay sabay kami na napaupo sa couch. Tapos na kaming maglinis at hindi mo makikilala ang unit naming dahil sa laki ng ini-linis nito.
*DINGDONG*
Sabay kami na napatayo ni Andrew sa ng biglang may mag-doorbell. Nagkatinginan pa kami at sabay na napa-buntong hininga.
Itinulak niya ako papunta doon sa may pinto. “Buksan mo na!”
“Ikaw na!”
“Ikaw na! Dali na! Ikaw ang mas malapit!”, utos niya at pinagtulakan ako. Ginagawa na talaga ako na utusan ng walanghiya kong pinsan. Tss.
Binuksan ko na ang pinto at unang bumungad sa’kin ang mukha ni Kuya Marco, nasa likod naman niya ay si Lucas , na may hila-hilang mga maleta. MALETA?! WAAAT?!
“Musta na, Aiza?”, bati ni Kuya Marco sa’kin habang nakangiti. Dahil nga sa na-miss ko sila ay agad ko sila sinalubong ng yakap.
“Oh, mamaya na tayo magyakapan. Pumasok muna tayo.”,sabi ni Kuya Marco. “Lucas pasok mo na ‘yan.”, utos niya kay Lucas. Aha! Sa kanya nagmana ng pagiging palautos si Andrew!
Nang makapasok na sila ay sinara ko na ang pinto. Nagkatinginan pa kami ni Andrew pagkasara ko noon.
“Kamusta na, bro?”, bati ni Lucas kay Andrew. Nagbro-fist pa silang dalawa.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...