Chapter 25: Hinga
Lumipas ang mga araw at ewan ko ba inis na inis pa rin ako kay Chuck. Lalong lalo na kapag nakikita ko siyang kausap iyong si Anica, iyon ang pangalan noong babaeng mukhang model ng Victoria Secret na nagbigay sa kanya ng pabango. Tulad na lang ngayon, nasa hallway kami at silang dalawa ang magkasabay na naglalakad, ang kasabay ko ay si Kevin at Vincent na busy sa pag-uusap tungkol sa basketball.
“Sama ka sa party?”, mistulang lumaki ang tenga ko sa narinig ko. Wait, what? Isasama niya ito sa party?!
“Pwede ba? Baka mamaya ay magalit sila sa’kin, ‘di naman ako invited eh.”, sagot ni Anica sa kanya. Naku, wag ka talagang sasama! ‘Di ka naman invited eh!
“Ha? Okay lang ‘yun besides Andrew knows you naman diba?”, rinig ko na sabi ni Chuck. Putspa talaga ng malanding ito! Kainis! Di ba niya nahahalata na gusto ko na siyang sakalin ngayon?!
Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ko na tumigil din sila Chuck. Napa-angat ang tingin ko at nakita ko silang dalawa ni Anica na nakatingin sa’kin. Agad akong nagtaas ng kilay.
“Pwede ba siya sumama mamaya?”, tanong niya.
Nagkibit-balikat ako at nagsimula nang maglakad. “Bahala ka.”, sagot ko at nilagpasan na sila.
Bwiset talaga ang Chuck na ito. Pag ako talaga ay napuno niya, makakatikim talaga siya sa’kin. Grr!
Nasa bar na ako ngayon. 9PM pa naman ang start ng party ni Andrew, pero punong-puno na itong bar. Puro mga kaibigan niya at mga babae ang andito.
Nakabihis na din naman ako dahil umuwi muna kami ni Andrew at Lucas bago kami pumunta dito. Pero hindi katulad nang mga babaeng andito na naka super-mini skirts, ay nakasimpleng shorts lang ako at denim long-sleeves shirt na may white na sando sa loob.
Agad na naningkit ang mata ko ng matanaw ko ‘di kalayuan si Chuck at Anica na magkasamang dumating.Naka-red fitted tube dress itong si Anica, na hindi ko naman maitatanggi, na bagay sa kanya.
Agad na ngumisi si Chuck nang makalapit silang dalawa ni Anica sa pwesto ko. At ang kapal ng mukha! Mukang mauupo pa!
“Doon kayo sa kabilang seat.”, pagtataboy ko sa kanya habang busy sa pagkalikot sa cellphone ko.
“Huh? Bakit?”
“May nakaupo na dito.”, sagot ko nang hindi pa rin siya tinitignan.
“Sino?”
Nag-angat ako ng tingin at nagtagpo ang mga mata namin. “Ako. Saka sila Neo.”, nakita ko na kumunot ang noo niya nang banggitin ko ang pangalan ni Neo. Hindi na siya nagsalita pa at hinila na si Anica papunta doon sa may kabilang seat. Tss. Yan ang tama sa’yo!
Maya-maya pa ay nakita ko na nagdatingan na sila Neo, agad ko naman silang kinawayan kaya pumunta sila sa may pwesto ko.
“Dito na tayo! Party!”, pasigaw ko na sabi dahil na din sa ingay sa paligid namin. Nagupuan na rin naman sila Neo including sina Klarisse at Monica.
“Ba’t di yata kayo magkasama ni bestfriend?”, bulong ni Klarisse sa’kin nang makaupo na sila ni Monica.
Tumingin ako sa gawi nila Chuck at nakita ko na naglalandian sila. “May kasama eh.”, boring na sagot ko sa kanya. Nakita ko na sinundan niya ang tingin ako at napangisi siya kaagad nang makita sila Chuck. Sigurado ako na may iniisip na naman ito!
“Selos ka lang kamo.”, natatawang sabat ni Monica. Agad ako napangiwi sa sinabi niya.
“Nope.”, pagsagot ko at ininom ang alak na nasa baso ko.
Narinig ko pa ang pagtawa nilang dalawa. Pinagkakaisahan na naman ako ng dalawang ‘to! Amp! Nagseselos? Ako? Hindi ako nagseselos! Naiinis lang ako dahil, dahil lang kay Anica nakalimutan na ako ni Chuck.
Dahil nga party ito, ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang uminom ng uminom.
“Sayaw tayo!”, yaya ko kay Klarisse at Monica. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na magyaya na sumayaw. Siguro ay may tama na ako.
Agad na natawa si Klarisse at umiling. “Ikaw na lang!”, pasigaw na sabi nito. Mukang may tama na rin silang dalawa ni Monica ah.
Kainis naman nitong mga ito. Ang KJ!
Hindi ko alam kung anong naisip ko at kahit mag-isa at medyo nahihilo na ay tinungo ko ang daan papunta sa dancefloor.
Nang makarating ako doon ay para akong bagong layang preso na nagwala. Feeling ko ay kapag hindi ko iyon ginawa ay magsusuka at mahihilo lang ako. I need a distraction.
Napatigil lang ako sa pagsasayaw ko ng maramdaman ko ang pagpalupot ng braso sa bewang ko, mula iyon sa likod. Lilingon na sana ako para tingnan kung sino ‘yun pero agad akong natigilan ng maramdaman ko ang hinga niya sa batok ko. Parang kuryente, nakakawala sa sarili.
“Ang sungit mo, kanina ka pa. Tapos ngayon nagsasayaw ka dito.”, tumindig ang balahibo ko dahil sa bulong niya. Habang bumubulong siya ay sinasabayan ng katawan niya ang beat ng kanta, kaya tuloy pati ako ay natatangay.
Hindi ko alam pero natuyo yata ang lalamunan ko dahil sa ginawa niyang paghinga sa batok ko kanina at pati na rin sa distansya ng katawan namin ngayon. Sobrang lapit.
“Manyak ka. Chansing.”, saad ko sa kanya pero hindi ko siya magawang layuan. Hindi ko alam, siguro ay dahil sa tama ng alak.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga at kasabay noon ay ang dahang-dahang paglayo ng katawan niya sa’kin.
“Chuck.”, bulong ko at nilingon siya. Pero agad ko nakita na nakatingin siya sa may table namin. Or should I say kay Anica.
Damn it!
Agad na nag-init ang magkabilang tenga ko at nagmartsa ako paalis doon. Bumalik ako sa table namin at padabog na naupo sa pwesto ko kanina.
“What a show.”, bulong ni Klarisse nang makabalik ako sa pwesto ko. Hindi ko siya tinignan dahil alam ko na nakangisi na naman siya.
“Hatid mo na ako. I can’t go home alone, eh.”, narinig ko na sabi ni Anica kay Chuck. Kung hindi mo pala kaya na umuwi mag-isa eh bat sumama ka pa dito? Tss.
BINABASA MO ANG
One of the Boys
Teen FictionBata pa lang si Aiza ay naramdaman niya na ang sakit na dulot ng pagmamahal. Her parents got divorced when she was in 6th Grade. Nakita niya kung paano magkasakitan ang mga magulang niya kahit na sa mga simpleng bagay lang. Ayaw man niya na maghiwal...