Chapter 16
"Ariel..." Mahinang anas ni Daddy.
Umiling ako at bahagyang umatras para magkaroon ng distansya sa pagitan namin ni Daddy.
"Don't, please don't..." pagpipigil ko kay Daddy.
"Anak," mas lalo akong napaluha. Why does hearing him say those words felt so painful, it seems like he's addressing the wrong person.
"I'm hurt." That's the only words I uttered before running back to my room.
Mabilis kong ini-lock ang aking pinto at napasandal sa likod no'n, walang humpay na lumuha ako at dumaosos pababa hanggang sa naupo na sa hapag.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon, siguro ay hindi ko lang matanggap na ang itinuring kong ama ay posibleng hindi ko pala totoong ama. Lahat ay gumuho para sa akin, pati pagkatao ko ay tila naging malabo na.
Umiyak ako ng umiyak, I wonder why I choose to run away instead of confronting my Dad about the things that I've heard. But I'm scared, I'm scared that his answer could break me more. Siguro sa susunod nalang, masyado na rin kasi akong nabigla sa lahat ng nangyari. Kung madaragdagan pa ang mga nalalaman ko ay baka tuluyan na talaga akong mabaliw.
Tumayo ako at lumapit sa aking kama, dumapa ako roon, I buried my face on the soft matress at doon humagolgol ng malakas.
Wala pang confirmation, pero bakit ang sakit-sakit na.
Narinig kong nagring ang cellphone ko ngunit hindi ko 'yon pinagtuonan ng pansin. Whoever it was, I'm sorry in advance. But I'm not alright, I don't even know if I could still talk, I literally lost it all.
Ilang ulit pang tumunog ang cellphone ko, Hindi ito tumigil hanggang sa ako na mismo ang napagod. I almost got blinded when I look at my phone screen, masyadong masakit sa mata ang liwanag na dulot nito, lalo na at galing pa ako sa pag-iyak, my eyes were still vulnerable and sore.
Suminghap ako nang makita ko ang pangalan ni Jayson sa notification board ko, he has a 50 miss call, muntik pang tumalipon ang cellphone ko nang bigla ulit itong tumunot at pangalan na naman ni Jayson Ang naka-register.
Huminga ako ng malalim, paulit-ulit akong lumunok. Nagdadalawang isip pa rin ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi.
"I'm sorry," I uttered along with my tears as I declined his call, in-off ko ang aking cellphone at itinapon 'yon sa gilid.
Gusto ko munang mapag-isa, gusto ko munang itago ang sarili ko sa lahat, kahit isang araw lang...kahit sandali lang, makapag-isip isip man lang ako ng tama.
Bumalik ako sa pagkadapa at muli kong ibinaon ang aking mukha sa kama. Unti-unti ng tumitigil ang aking mga luha, pero 'yung sakit, nandito pa rin ni hindi man lang naibsan kahit gaano na karami ang luhang nailabas ko.
Humahapdi na 'yung mga mata ko at nanlalagkit na rin ang pisngi ko dahil sa mga luha na natuyo sa pisngi ko. Huminga ako ng malalim bago tumayo. Pumunta ako sa banyo at naghilamos.
Tinitigan ko ng mabuti ang aking mukha sa salamin, pilit kong hinahanap kung may resemblance ba kami ni Daddy, muntik na ulit akong mapaiyak nang wala akong makita ni isa. Parang unti-unti na tuloy akong naniniwala na hindi si Daddy ang totoo kong ama.
Kumuha ako ng towel at pinunasan ang aking sariling mukha.
Matapos ang ilang minuto na pananatili sa loob ng banyo ay napagdesisyonan ko nang lumabas. Ngunit kalalabas ko pa nga lang ay tila gusto ko na namang muling pumasok sa loob at magkulong nang maabutan ko si Jayson na nakaupo sa aking kama at nakatitig ng mariin ngunit malambot sa akin. Nakasuot pa ito ng itim na pants ar puting long sleeve na nakatupi hanggang siko habang nakabukas ang dalawang pangunahing butones. Nakita kong nakalapag sa gilid niya ang itim na tuxedo na tila kahuhubad pa lang.
BINABASA MO ANG
Abducted By The Playboy
Romancewhen you really love someone, you have to do everything just to get them. even if it means abducting them. Jayson Salvador is a notorious Playboy, who jump from one girl to another. one twist of moment, Jayson fall in love with his sister's best fr...