Chapter 24

174 11 0
                                    


Chapter 24

Aligaga akong kumilos at dali-daling nagbihis. today is our graduation day at masyado na akong late, sa sobrang ka-excitedan ko kasi kagabi, ay hindi na ako halos makatulog kaiisip. kaya ang resulta ay madaling araw na akong nakatulog.

Suot ang isang above the knee off shoulder white dress and black block heel ay tumakbo ako palabas ng aking condo habang nakasampay sa aking kanang braso ang black gown and toga. Pagkarating ko sa skwelahan ay agad akong pumunta sa aking pila, doon ko na isinuot ang aking gown at toga, tinulungan pa ako ng mga kaklase ko habang tumatawa.

For a year of studying I found a new friends which I could lean on, nakahanap din ako ng mga tao na makakasama ko at tutulungan akong mag cope up dito.

I smiled as I watch my classmates stand beside their parents, I look at the empty space on my side and look up to the sky.

My Dad may not be present here today, but I know that he is watching me from above, and I'm certain that he is so proud of me knowing that finally, I made it.

"Graduate of Bachelor of Science in Civil Engineering 20XX, Miss Arielle Jen Camino." The MC announced.

Agad na nagpalakpakan ang mga kaklase at mga taong nandirito.
Humiyaw pa 'yong iba para na tila proud na proud sa 'kin. Ngumiti ako at agad na umakyat sa stage upang tanggapin ang diplomang pinaghirapan, iniyakan, at pinagpuyatan. Sa wakas, matapos ang ilang taon na paghihirap ay nakamit ko na rin ang pangarap ko.

After our graduation, me and my new found friends decided to have a graduation party at the Jack Saloon resto bar, ito ang napili ng mga kaibigan ko dahil gusto nila na i-spoil ako. This resto bar offer a burning grill food, that is why they want it here because they know how much I love grilled chicken.

Kulay dim blue ang ilaw sa loob ng resto bar, the atmosphere was cozy and lively at the same time, may mga live band performer din sa harap na mas lalong nagbigay buhay sa lugar.

We choose to settle at the corner for peaceful celebration, Hindi masyadong wild ang mga naging kaibigan ko hindi tulad ng ibang taga western, being with them gives me a feeling of being with my friends on the Philippines. Miss ko na ang mga iyon.

"What do you want to drink, Ariel?" Tanong ni Adelle, isa sa mga kaibigan ko rito.

"I don't know, you choose." I answered.

"Okay, but don't blame me when you get drunk easily." She smirk.

"Call!" Sabay ngisi ko.

"Don't worry if you'll get drunk, Riel. I will take care of you." Joana said. Sa lahat ng naging kaibigan ko rito ay siya ang pinaka mature at hindi masyadong umiinom. Minsan nga ay sumasama lang talaga siya upang bantayan kami.

"I trust you my life, Joan." I wink at her.

Nag-inuman kami hanggang sa hindi na namin alam kung ano ang mga nangyayari sa paligid, I remembered being drag by Adelle on the dance floor and the next thing happened was already blurry. Nagising ako na sobrang sakit ang ulo, my world was literally spinning and my stomach was complaining, napatakbo pa ako sa C.R no'ng biglang bumaliktad ang sikmura ko.

Sa dalawang taon na nagdaan ngayon lang talaga ako nalasing ng ganito. Hindi naman ako ganito noon, kahit noong nasa pilipinas pa ako ay hindi talaga masyadong nagpapakalasing.
Lumabas ako mula sa aking kwarto at agad na naglakad patungo sa kusina, thank God, Joana brought me here safe and sound last night, ipinagpapasalamat ko talaga na biniyayaan ako ni Lord ng kaibigan na hindi lasingga.

I just make my self some coffee to warm my stomach pagkatapos ay muli na akong bumalik sa pagtulog, masyadong puyat at pagod ng katawan ko dahil sa nangyaring party kagabi. Uminom at sumayaw lang naman ako pero bakit para akong nabugbog ng ilang goons.

Abducted By The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon