Prologue

1.1K 26 1
                                    

Prologue

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko mahinang sinapak ang railings. Kinakagat ko ang aking labi habang nakatingin sa dagat na mahinang gumagalaw kasabay sa banayad na hangin

Matagal ko ng gustong maka sakay ng barko at manatili sa gitna ng karagatan, ngunit ngayong nangyari na, parang tila gusto ko namang bawiin ang sinabi ko. Ayaw ko na pala rito!

"Kailan mo ba ko iuuwi?" Tanong ko ng hindi nililingon ang isang tao na may pakana ng lahat ng ito, nanatili lang ang tingin ko sa dagat at sa mga maliliit na Alon.

Gusto ko na talagang tumalon kanina pa, pero naaalala ko lang talaga na hindi ako marunong lumangoy. Mamamatay tayo ng Hindi oras nito. Juscolored!

"Not until you said yes!" His voice is playful at tila rin nag hahamon.

I smirk before slightly turning my head and look at him over my shoulder.

Nakita ko siyang nakaupo doon sa may itim na sofa, naka pandekwatro habang naka patong naman ang dalawang braso sa backrest ng sofa, sa bibig niya naman ay naka umang ang isang stick ng Marlboro. Napa iling nalang ako!

Kaya nakakairita ang mga lalaki eh

" mabuti pang mag pakamatay keysa um-oo sayo" huli kong sinabi, bago ako tumalon ng walang pag dadalawang isip mula sa barko.

At huli na ng marealize kong, Hindi nga pala ako marunong lumangoy.

"Ariel" that's the last thing I heard before I splash into the water.

Naramdaman ko agad ang malamig na tubig na yumakap sa aking katawan habang ako ay patuloy na lumulubog.

Jusko, ayaw ko pa palang mamatay. Atleast, hindi sa ganitong paraan Lord!

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko, para atleast tulungan man lang ang katawan kong lumutang, pero masyado na akong nalunod at mukhang mahihirapan ng umahon, ayaw kong tanggapin na dahil sa katangahan ko ay napalagay ako sa alanganin.

Pero ayaw ko rin naman kay Jayson, pero, mas lalong ayaw ko ring mamatay. Ngunit ano pa bang magagawa ko eh nandito na ako sa ilalim ng tubig at medyo kinakapos na ng hangin.

Hanggang dito nalang ba ako? Paano si Daddy? Maiiwan nanaman siyang mag Isa, sila Jessy at Augustine mawawalan nanaman ng gwapong kaibigan
Nako naman, Lord, pag niligtas ako rito ng Jayson na 'yon, sasagutin ko na talaga siya.

I can feel my self starting to lose an oxygen, and my eyes was starting to close, is this the-

Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa lirukan at mabilis akong hinila paahon.
Pero pagod na ako at hindi ko na mabuka ang aking mga mata. grabe, ganito pala feeling ng malunod...nakakapanghina at napaka walang pag asa!

"Ariel can you hear me? Please open your eyes, Honey!" I can sense the panic  on Jayson's voice while he was slapping my cheeks lightly

"Wake up honey, wake up..." paulit ulit niyang sabi habang niyuyogyog ako at sinasampal ng paulit-ulit, gusto ko mang buksan ang aking mga Mata ay hindi ko magawa dahil sa sobrang pagod at panghihina, ni hindi pa nga nagsink in sa akin ang nangyari kani-kanina lang. I almost die, damn it!

"Honey please," naiiyak na usal ni Jayson at ngayon sinubakan niya ng ipump ang dibdib ko, no'ng una, hinayaan ko lang siya but after second may narealize ako.

Walanghiya ka talagang manyak ka.

Tila nawala lahat ng sakit at pagod sa katawan ko parang bigla akong nag karoon ng adrenaline rush dahil sa bilis kong na tapik ang kamay ni Jayson na nakapatong sa dibdib ko.

Abducted By The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon