Chapter 18

154 9 0
                                    

Chapter 18

"Hoy, Salvador pakilala mo naman kami." Saad no'ng lalaking unang nagsalita kanina, sa kanilang lahat siya lang talaga 'yong pinakamaingay, siya rin iyong may pinakagaan na aura and the rest are like Jayson na, serious and intimidating.

"Shut up, Torres." Sagot ni Jayson dito.

Nakaupo na kaming dalawa, nandoon ako sa tabi niya at hawak niya ang kamay ko, ipinatong niya rin ang kanyang ulo sa aking balikat na parang isang bata.

"Pakilala lang, e. Damot!"

"Pag maganda talaga kay Salvador lang 'yan." Sabat no'ng isang lalaki na nakasuot ng navy blue tuxedo, he had a sly smile on his lips while looking at us.

"Sa inyo na lahat ng maganda sa mundo, Basta akin lang 'to." Sagot ni Jayson. Napakagat nalang ako ng labi sabay iwas ng tingin ng muling maghiyawan ang mga business partner niya.

"Hindi ka pa raw kumakain..." Bahagya kong isinandal ang aking ulo sa kanyang ulo para makabulong.

He give me a cute nods, he look up to me while pouting.

"Ako rin." Simpleng sagot ko.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya.

"Sa KFC, Jay." Sagot no'ng lalaking tinawag ni Jayson na Torres.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, lumayas na nga kayo rito. Nakakaistorbo kayo sa 'min ng girlfriend ko, e." Naiinis na saad ni Jayson.

"Tara na nga, nice meeting you, Ariel."  Saad no'ng isang lalaki na nakasuot ng white long sleeve.

Medyo nagulat pa ako ng binanggit niya ang pangalan ko, 'di ko akalain na kilala niya pala ako.

"Don't be shock if we knew you, Jayson would always mention you each chance he get." Sabat no'ng isang lalaki na simple na plain black t-shirt at faded jeans lang ang suot, sa kanilang lahat ay siya lang ata ang hindi naka-formal attire.

"Bukang bibig ka niyan palagi, Kaya kahit paboritong pagkain at kahit ang kulay ng suot mo bawat araw ay alam namin." Ani Torres habang umiiling.

"You guys are talking too much, just get out already!" Sigaw ni Jayson.

"Umiyak din 'yan noon no'ng binasted mo," at sabay na silang nagtawanan. Nag-unahan pa sila sa paglabas nang makitang tumayo si Jayson at tila inis na inis.

Namumula na rin ang mukha nito, hindi ko alam kung dahil ba sa inis o hiya.

"Those crazy punks!" Jayson murmured.

Napatawa ako ng mahina, I already witness him reacting this way before but I still find him adorable each time it happened.

"High blood ka na naman, tanders?" Pang-aasar ko.

Tumingin siya sa akin, " I'm just 25, Ariel. Not old! You even called me baby." He smirk.

Nangunot ang noo ko at agad na nagmaang-maangan, narinig niya pala 'yon?

"Kailan?"

"Kanina,"

"Gutom lang 'yan." Saad ko at tumayo, "let's eat, I'm so hungry already."

Nauna pa akong naglakad palabas ng conference room para matakasan ang topic na 'yon, kinikilabutan na ako, okay naman 'yon kanina ba't kasi kailangan pang ipaalala.

"Kaya pala you don't want to call me honey, baby pala 'yung gusto mo." Habol niya sa akin.

"Shut up, tanders." I hissed

He laughed, "I'm not tanders, Ariel. You called me baby, remember?"

"Just shut up, it's too cringy!"

Abducted By The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon