Chapter 13Isang masamang tingin ang iginawad ko sa mga barkada kong walang magawa sa buhay. Kasalukuyan kaming naka-upo ngayon sa living room ng bahay ni Pareng Jessy, katatapos lang ng klase namin ngayong araw at dito na kami dumiretso para mag sleep over.
Sumaglit lang ako sa bahay namin para mag palit ng damit, isang pajama at gray Balenciaga sweater ang napili kong suotin, sakto lang kasi malamig naman ang panahon ngayon. Hindi na rin ako nagdala ng damit pamalit kasi sabado naman bukas. Wala kaming pasok.
"Kung nakita mo lang ang mukha ng kuya mo, Pre. Kung paano siya nagselos..." Augustine trailed off, she was sitting on the black leather single couch across to where I was sitting, katabi ko si Jessy kaya pareho naming kaharap ngayon si Augustine na ayaw magpaawat sa pag-kwento tungkol sa mga nangyari kanina.
Kaming tatlo lang ang nandito sa bahay nina Pareng Jessy dahil nasa trabaho pa naman si Lash, at mamaya pa 'yon uuwi, at si Rushed naman ay mamaya pa rin darating dahil may klase pa.
"Itigil mo 'yan, Augustine." Mariing saway ko sa kanya.
But instead of listening to me, she just give me a naughty grin and a teasing eyes. Pagka-tapos ay kumuha siya ng ilang pirasong nachos mula sa bowl na nakapatong sa center table at isinubo 'yon ng diretso sa kanyang bibig.
Ngumuya siya at bahagyang lumunok "tapos, Alam mo ba pre? 'tong kaibigan natin dito may pagka-malandi rin." Pagpapatuloy nito sa kwento niya, ayaw talaga paawat. Tsk.
"Bakit mo naman nasabi?" Jessy raised her brows towards Augustine, asking her an explanation.
"Kasi kanina, pre. Nakita ko silang nagyakapan mismo sa harapan ko, grabe ang bastos lang,"
Napairap na lang ako sa ere at hinayaan siyang mag kwento nang mag kwento, Alam ko naman Kasi na kahit na anong gawin kong pagsaway sa kanya ay hindi pa rin siya makikinig. Ganyan talaga ang chismosa, hindi mapapakali hanggang hindi mailabas ang mga kinikimkim na mga chismis.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang oras hanggang sa gumabi na, nakarating na rin sina Lash at Rushed kaya mas lalong umingay. Nasa dining area na kami ngayong lahat para mag hapunan. Maraming pagkain ang nakahanda sa mesa, parang fiesta. Ani Pareng Jessy ay pa-welcome party na rin 'to kay Augustine.
May mga fried chicken, beef steak, grilled milk fish, kaldereta, grilled chicken and pork. May one layer chocolate cake pa na may nakasulat na welcome back Augustine, may spaghetti and macaroni salad din for dessert at nag order din ako ng Hawaiian pizza para pandagdag.
Hindi ko alam kung mauubos namin ang lahat ng pagkain dito, pero may tiwala ako sa laki ng bodega sa tiyan ng mga kasama ko. Alam kong kaunting pahinga lang at luluwag nanaman ang tiyan namin.
The whole dinner was so fun, Ang dami naming napag-usapan, more on reminiscing the past. Our experience and unforgettable moments most especially on highschool days.
Napag usapan namin kung paano kami tumalon sa pader ng sabay-sabay dahil paparating na ang guard, baka mahuli kami. Nag-unahan pa kaming tumakbo no'n without knowing na mas nauna na pala sa amin ang guard. Inabangan lang kami di kalayuan sa skwelahan namin. Kaya ang ending, nahuli pa rin kami at pinarusahan ng community service for one week.
That's probably the most terrible but funniest thing that happened to the three of us
"Naalala ko pa nga no'n, eh. Noong tumalon si Augustine bigla dahil sa takot kaya napasama ang landing niya, instead na ang paa ang unang mag landing, sa kanya ay mukha."
Everyone laughs because of what I said kaya sinamaan ako ng tingin ni Augustine, Hindi rin siya nagpatalo dahil nag kwento rin siya tungkol sa mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/289923875-288-k45531.jpg)
BINABASA MO ANG
Abducted By The Playboy
Romansawhen you really love someone, you have to do everything just to get them. even if it means abducting them. Jayson Salvador is a notorious Playboy, who jump from one girl to another. one twist of moment, Jayson fall in love with his sister's best fr...