Supposed to Be the ENDING

31 1 0
                                    



Gabby's POV



Ngayon ang libing ng dalawa sa pinakamatalik naming kaibigan ang araw na pinakamasakit sa lahat. Dahil sa pagkawala nila ay parang napilayan kami ng isang paa. Hindi kumpleto ang tropa namin kung Deil at Luna. Pero kailangan na naming tanggapin na sa susunod na buhay na kami magkakasama muli.

Hawak namin ang mga puting bulaklak at mga lobo at suot din namin ang damit na may tatak na "Until We Meet Again Luna and Deil." Walang humpay ang pagbuhos ng mga luha namin habang naglalakad papunta sa kanilang huling hantungan. Gusto naming maging matatag pero kahit anong pilit namin ay hindi kayang gawin ng mga puso naming nangungulila at nanghihingi ng hustisya.

Idinaos ang isang misa para sa kanilang dalawa at gusto naming intindihin yung sinasabi ni Father na wag kaming malungkot dahil silang dalawa ngayon ay nasa piling na ng Maykapal. Wala eh, iba pa rin kapag kasama namin silang dalawa. Si Dean ang pinaka-nakakaawa sakanila dahil sa murang edad niya ay nawalan siya ng magulang at kapatid. Hindi alam nila tita Chin kung paano ipaiintindi sakanya na wala na siyang kalalakihang magulang.


Binuhat na ang labi ni Deil at Luna, sabay itong ibinaba ng dahan dahan sa hukay at kasabay nun ang mga paalam namin sakanilang dalawa at mga bulaklak na pabaon sakanila.


"Mga beks! Hanggang sa susunod na chikahan nalang!" sabi ni mader na walang tigil sa pag-iyak.


"Bro, hanggang sa susunod na tagay natin at laro ng PS4! Tsaka basketball." Sabi naman ni Autumn na parang bata umiyak. Si Shine walang nasabi dahil iyak lang siya ng iyak.


Nang mailibing silang dalawa ay lumakad na kami papunta sa lugar kung saan namin pinark ang mga kotse namin. Until dumating si SPO3 Tolentino at pinigilan kami.


"Monreal and Concepcion family, gusto ko lang po sabihin sainyo na nahuli na si Juan Miguel Lacson kanina lang po. Nakakulong siya ngayon sa isang special facility ng Rizal Jail dahil nakitaan siya ng sakit sa pag-iisip." Sabi ng Pulis at doon tila nakahinga ng maluwag ang pamilya nila Deil at Luna dahil sa narinig nilang balita.


"Mabulok sana siya sa kulungan dahil pinlano niyang patayin ang mga mahal namin sa buhay." Sabi ni kuya LC na halatang galit na galit.


"Gusto kong Makita yung criminal na yun." Matigas na pagkakasabi ni tita Chin. Alam naming punong puno ng galit si tita dahil namatay ang kanyang anak at manugang.


"Sige po sumunod nalang po kayo sa aming sasakyan."


Lahat kami sumakay sa SUV na dala ni kuya LC at sumunod sa patrol car papunta sa Rizal Jail. Sa gitna ng byahe namin eh hindi napigilan ni kuya LC na itanong kay tita Chin kung paano nabuhay si Dean na kahit kami ay nahihiwagaan. Parang anghel na natutulog si Dean sa kandungan ng tita Shaina niya.

"Nanay, paano nakaligtas si Dean sa matinding aksidente na iyon?" tanong ni kuya LC tapos napatingin si tita Chin sa aming lahat at kitang kita namin yung namumugto niyang mga mata. Ni-rub namin ang likod ni tita para i-comfort siya.

"Kaya nakaligtas si Dean sa aksidente dahil yakap-yakap siya ng nanay at tatay niya ng mahigpit. Sinakripisyo nilang dalawa ang buhay nila para sa kanilang iisang anak." Sabi ni tita tapos hindi niya napigilan na umiyak dahil sa lungkot.

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon