T W E N T Y

2.1K 34 13
                                    







Deil's POV


"Hintayin mo ko moonlight malapit na ako!" nagmamadali akong mag-drive nung nalaman kong pinagtangkaang gahasain ni Miguel si Luna! Tang ina! Bakit ba kasi na late ako ng uwi! Hays!!!

Eto na naman ang mga inner demons ko sa katawan! Nagbabadyang lumabas! I'm trying to make myself cool dahil nagda drive ako.

Papasok na ako ng Havila at hinahanap ko yung malaking puno na sinasabi ni Luna. Tinawagan ko ulit yung number niya pero unattended! Tang ina! Ano nang nangyari sa moonlight ko?! Nasaan ka na ba?! Nandito na ako. Naiiyak na ako dahil hindi ko parin makita si Luna hanggang sa may muntik na akong masagasaan. Tinignan kong maigi at damn! Si Luna! Basang basa siya ng ulan! Agad agad akong lumabas ng kotse para yakapin siya wala akong pakialam kahit sobrang lakas pa ng ulan.

"Moonlight!!!" patakbo akong lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Suddenly tumulo ang luha ko dahil at last nakita ko na siya.

"Mayor ilayo mo na ako ditto sa lugar na to. Please ayaw akong lubayan ni Miguel." Umiiyak si Luna

Pinagbuksan ko siya ng pintuan at pumasok na rin ako. Pinatay ko ang aircon para hindi siya ginawin at ipinatong ko yung hoodie jacket ko sakanya. Iyak ng iyak si Luna kaya hinatak ko siya slowly, niyakap at hinalikan sa noo.

"Ssshhh tahan na moonlight nandito na ako hindi kita pababayaan okay?" kaso hindi parin siya tumatahan.

"Doon ka na muna sa bahay namin matulog moonlight. Doon safe ka at mababantayan kita." Bumitaw na muna ako sa pagkakayakap ko sakanya para makapag drive na ulit ako. Pumayag naman si Luna na doon muna sa bahay namin matulog.

Pero bago kami umalis sa club house, sa village namin eh nakita ko pang palabas ng Havila ang kotse ni Miguel at sa loob loob ko eh gusto ko pagpira-pirasuhin ang katawan ni Miguel para hindi na ulit siya makalapit kay Luna. Nakarating na kami sa bahay at sinalubong kami ni Abigail at Max nagulat siya dahil bakit parehas kaming basa ng ulan gayong nasa kotse naman ako.























"Kuya what happened kay ate Luna?" tanong ni Abigail habang akay-akay ko si Luna.

"Mamaya na  Abigail ikuha mo muna ng towel si ate Luna mo tsaka pahiramin mo muna siya ng damit." Sabi ko  kay Abigail.

"Sige kuya wait aakyat lang muna ako sa kwarto."

"Moonlight dito ka na muna sa sala ha! Magluluto lang ako ng noodles para mainitan yung tiyan mo." Tulala si Luna pero nung papaalis na ako para pumunta sa kitchen eh hinawakan niya yung kamay ko.

"Mayor wag mo akong iwanan." Tumingin siya sa akin at ako naman bumalik at nag kneel-down sa harap niya.

"Wag kang matakot moonlight. Safe ka ditto sa bahay namin walang papasok na Miguel ditto." Hinalikan ko yung noo niya tapos nag let go na siya ng kamay.

Pagkasalang ko ng tubig eh bumalik ako agad sa sala at naabutan ko na inaasikaso ni Abigail ang ate Luna niya.

"Grabe he's a bastard! How could he do that?!" asar na pagkakasabi ni Abigail sa kwento yata ni Luna sakanya.

"Baliw na yata yun Janeza kaya niya ginawa niya." sabi ni Luna

"Mamaya Abigail asikasuhin mo yung niluluto kong noodles okay?" sabi ko kay Abigail

"Yes kuya." Sagot niya at nanatili siyang nakaupo sa tabi ni ate Luna niya.

"Moonlight wag mo na isipin yun ha! Ang importante ligtas ka na. Pagdating ng parents mo eh sasabihin natin agad yung ginawa ni Miguel sayo." Sabi ko kay Luna.

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon