F I F T E E N

2.2K 30 2
                                    

Deil's POV


Tumigil ang mundo ko nung Makita kong duguan ang ulo ni Luna at wala siyang malay. Nag slow-mo ang lahat like what the fvck! Anong ginawa niya sa moonlight ko?!Tangina bakit siya pa?!!!!! Bumitaw din sila Schenley, Shine at Gabby sa akin at agad silang pumunta kay Luna. Para akong na stun at hindi makahinga ng maayos.

"LUNAAAAAAA!!!!!!!!!!!!" Sigaw ni Shine habang patakbo sa walang malay na moonlight ko.

"Hayop ka Miguel!!!!!! Anong ginawa mo sa kabigan namin!!!!!" sigaw ni Schenley.

Nagdilim ang paningin ko wala akong nakikitang ibang tao kundi yung boyfriend ni Luna at sinugod ko si Miguel tsaka kinuwelyuhan.

"KAPAG MAY NANGYARING MASAMA KAY LUNA DALAWA LANG PUPUNTAHAN MO! OSPITAL O SEMENTERYO!!" gigil na gigil kong pagkakasabi sakanya pero siya, parang demonyong tumatawa pa. nilamon siya ng galit niya at selos. Parang wala siyang pakialam sa nangyari kay Luna.

"Bakit?" napailing siya at tumawa! Tigas talaga nang mukha!

"Ano mo ba si Luna? Eh hamak na kaibigan ka lang niya?!" arghhhhhh tangina!!!!! Putang ina!!!!!! Alam kong kaibigan lang ako pero ako yung lalaking nagpapahalaga sakanya ng totoo!!!!!

"Fvck it! She's my moonlight by the way! I'm the guy that your friend warned you about!" sabay binitawan ko siya tumalikod ako pero sinapak ko ulit ang mukha niya dahilan para magdugo ang labi niya. Gaganti pa sana siya pero inawat at hinatak na siya palayo ng team mates niya.

"Deil!!!!!!! Tara na dalhin na natin sa hospital si Luna!!!!!" sigaw ni Gabby na natataranta. Agad kong nilapitan si Luna at binuhat. Wala akong pakialam sa taong nakapaligid sa amin basta ang alam ko eh madala namin si Luna sa hospital.





Sakay nang kotse ko kasama ang mga kaibigan ni Luna eh dinala namin siya sa Manila East Hospital yun lang kasi yung alam kong malapit eh! Sing bilis nang tibok nang puso ko yung pagda drive ko para lang makarating sa hospital. Kasama nang pagaalala ko ang isang dasal na sana hindi malala yung nangyari sa moonlight ko. Nasa likod sila Schenley at Gabby para alalayan si Luna at katabi ko naman si Shine na nagne-nail biting na sa kaba.

"Luna!!! Please gumising ka!! Deil bilisan mo pagda drive!!!!!" pagmamakaawa ni Schenley sa akin

"Ano ba kasing nangyari Deil?! Bakit kayo nag-aaway ni Miguel?" tanong ni Gabby sa akin.

"Mamaya ko na ikukwento Gabby kapag alam na nating okay si Luna.." sagot ko kay Gabby. Naghahalo halo na yung tumatakbo sa isip ko hindi ko alam ang una kong sasabihin.








Mga pasado ala sais na kami nakarating nang Manila East at nagmamadali akong bumaba ng kotse para kunin si Luna. Patakbo kong ipinasok si Luna sa loob nang hospital at agad naman kaming nilapitan nang mga staff para asikasuhin si Luna. Abot langit ang pagdadasal ko na sana ay walang malalang nangyari kay Luna. Na sana ako nalang yung nasa sitwasyon niya para hindi siya nagkaganun.

"Doc! Please po gawin niyo ang lahat para maligtas siya!" bilin ko sa doctor habang itinatakbo si Luna sa emergency room. Then hinarang na ako nang ibang staff nila. Alam kong bawal pero gusto ko talagang Makita siya na maging okay at sa point na yun lang ako kakalma. Shit! Para akong mamamatay sa kaba lalo na't hindi pa gumigising si Luna. Naupo kaming apat sa waiting area at pinipilit pakalmahin ang sarili.

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon