F O U R

3.1K 34 1
                                    

Luna's POV


Yung tipong gusto ko nang bumalik sa loob ng conference room. Nasa labas kasi ng faculty room si Miguel. Sabi ko na ehh hahanapin niya ako! Pero yung puso ko sht! Ang bilis ng tibok sa sobrang kaba. Nagkatitigan kami ni Miguel nakita ko sa mata niya na nagsisisi siya sa ginawa niya pero buo na yung desisyon ko. Buo na nga ba? Oh malakas ang loob ko dahil nandiyan si Miss K?

(lumapit si Miguel sa amin ni Miss K)

"Good morning po miss. Babe kanina pa kita hinahanap. Sorry na hindi ko sinasadya na magalit kanina. Please magbati na tayo." hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Ramdam kong tinititigan niya ako pero umiwas na agad ako ng tingin. Pinipigil ko ang luha ko.

"Maiwan ko muna kayo?" Sabi ni Miss K sa aming dalawa

"Please patawarin mo ako babe please!" paiyak na si Miguel pilit akong bumibitaw sa pagkakahawak niya pero lalong humigpit ang hawak niya.

"Miguel please? Ayoko na muna makipagusap. Wag na muna tayo magusap Miguel. Wag na tayo mag-usap and please? wag dito dahil nasa tapat tayo ng faculty room." at last lumuwag ang pagkakahawak niya sakin at nagkaroon ako ng pagkakataon na lumakad palayo sakanya. Pero hinahabol niya ako.

"Babe please wag naman ganito? Hindi ko kaya na mawala ka." umiiyak na si Miguel habang sinusundan niya ako. At medyo nakakahiya dahil nakikita kami ng mga high school. Kahit nasa hagdanan kami ng building.  hinahabol niya ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng room namin sa first floor.

"Miguel please wag na natin ipilit? Hindi na tayo magkasundo."

"Please babe wag mo akong iwan hindi ko kaya. Mamamatay ako kapag iniwan mo ako." Pinipilit kong wag maiyak at maawa kay Miguel.

"Bitawan mo na ako please? May klase na ako." Pinilit kong kumalas sa pagkakahawak ni Miguel at pumasok na ako sa room.








Sa loob ng room ay hindi ko na napigil ang sarili ko na umiyak hindi ko napansin na nandoon ang mga best friends ko. Sina Shine Mateo, Schenley Ancheta and Grabrielle Orejola na kaklase ko mula pa noong grade school kami dito sa Siena. Sila yung kasama ko sa saya at lungkot, hirap at ginhawa sa paggawa ng mga nakakamatay na projects. At sila rin ang numero unong basher ni Miguel dahil nung una palang eh hindi na nila bet si Miguel para sa akin.

Dahil nga daw badboy at nananakit plus low-key fuckboy daw kasi nakita nila si Miguel sa may Club Manila East na may kasamang babae na taga San Beda. Pero ang sabi naman ni Miguel eh kaibigan niya daw yun so naniwala naman ako. Matagal na nilang sinasabi na iwanan ko na si Miguel kaso matigas talaga ulo ko kaya minsan nagugulpi nila ako. What I mean na gulpi is nababatukan at nasasabihan ng masasakit na salita para matauhan.




So na mention ko na rin yung mga kaibigan ko ipapakilala ko na rin sila. Well, let's start kay Shine na parang naka megaphone sa lakas ng boses! Jusko! Nabibingi kami kapag sumisigaw siya at lalo na kapag nakikita niya yung crush niya. Si Shine din ang pinaka makulit sa amin at pinakabaliw sa amin! Hindi ka mabo-bore sakanya bale siya ang clown ng tropa. Next si Schenley or Mader Shen siya naman ang parang mother namin dahil sakanya kami lumalapit kapag may problema. Siya rin ang medyo V.I.P sa amin kapag aalis kami dahil siya yung pinakamagandang example ng laging late sa usapan. Jusko kami nasa meeting place na, siya? On the way palang. On the way palang sa banyo. Pero siyempre wala kami choice kundi hintayin siya hahahaha! And lastly si Gabrielle or Gabby siya yung quiet and genius naming kaibigan. Siya rin yung tipong tahimik pero kapag nagsalita eh may sense. Sobrang takot siya sa pusa kaya kapag nasa bahay namin sila eh halos tumalon siya sa dami ng pusa na sumasalubong sakanya.

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon