Autumn's POV
Hindi talaga ako makapaniwala na hinalikan ko yung babae na yun! At talaga ba?! Ginawa ko yun?! I think I made the biggest mistake of my life. Lasing na lasing na yata ako nun and face palm to this, dude! I hate her! She's so annoying and laging naka sigaw akala mo taga bundok yung kausap eh! Of all people bakit siya pa yung best friend ng girlfriend ni Deil! But, hindi ko makalimutan yung lambot ng labi niya nung hinalikan ko siya. Parang magic na namangha ako at meralco na may pa sparks!
Sa ngayon eh nakatambay lang ako gym. Text text at tsaka tahimik ditto walang mga students ngayon. Hay! At least hindi ako magugulo ng kahit na sino.
Ako nga pala si Aurello Thomas U. Monte de Naga III 21 years old at November 3, 1996 ang birthday ko. Originally taga Binangonan ako but since may bahay kami sa Taytay eh most of the time eh nandoon ako kaya nakilala ko si Deil. Only child lang ako ng isang business tycoon sa Rizal. Well, suplado ako at namimili lang ako ng kausap. Iilan lang ang friends ko kaya napagkakamalan akong bakla. Duh! Sa gwapo kong to? Tss! Malabo! They call me babaero and fvck boy but honestly, wala pa akong nagiging girlfriend okay?! Lapitin lang talaga ako ng babae. Choosy talaga ako sa babae eh! Never been touched at never been kissed ako.
Papikit na ako nang may bigla akong narinig na pamilyar na boses.
"AURELLO THOMAS!!" napadilat ako agad dahil iisa lang ang tumatawag sa akin ng ganun ditto sa school! Napatingin ako sa lugar kung saan nangagaling yung boses at tama nga ang hula ko na si Lasagna yun! Arghh!!! Speaking of!!!
"AURELLO THOMAS!" nakatayo siya sa harapan ko at naka crossed arm siya. Deep inside ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Nanay ko lang tumatawag sa akin ng Aurello Thomas, bakit? Nanay ba kita?!" poker face kong pagkakasabi sakanya. Hindi ako natutuwa talaga kapag tinatawag ako sa pangalan ko.
"Hindi! Bakit kamukha na ba kita?!" aba aba! Marunong sumagot ng sarcasm tong babaeng na ito.
"Hindi! Kaya wag mo akong tawaging Aurello Thomas pwede?!" gusto ko ng umalis dahil baka ipaalala niya sa akin na hinalikan ko siya nung birthday ni Gabby.
"Hoy ikaw!" I looked away! Jusko eto na siya! Paano ba ako lalabas?!
"May klase na ako." Tumayo ako at dumaan sa gilid niya pero hinatak niya ako pero dumulas yung kamay niya sa braso ko. Muntik na siyang mahulog sa sahig ng gym at buti nasalo ko siya. Naging dahilan yun para maglapit yung mga mukha namin. Tinitigan ko yung mukha niya at doon ko na realize na ang ganda niya pala. Simple at mukhang anghel.
"Bitawan mo nga ako skateboard!!" sigaw niya sa akin. Napailing ako dahil parang may speaker sa tenga ko.
"Ayoko nga. Kapag binitawan kita, masasaktan ka. Mas maganda nang saluhin kita." Seryoso kong pagkakasabi sa kanya at napansin kong namula siya. Dahan dahan ko siyang itinayo at sa pagkakataon na itoo ay parang mas naging mahinahon siya.
"Bakit mo ba kasi ako pinuntahan ditto? Namimiss mo ba ako?" tanong ko sakanya.
"Hoy! Mahiya ka! Itatanong ko lang, kung bakit mo ako hinalikan nung birthday ni Gabby?!" namumula pa rin siya and at this moment gusto ko na maglaho. Hindi ko din alam kung bakit ko siya hinalikan ehh!
"Lasing ako nun at hindi ko alam ang ginagawa ko. Okay na?" paliwanag ko sakanya.
"Bwisit ka!! First kiss ko yun!! Of all people!! Ikaw pa!!" inis na inis na pagkakasabi niya sa akin pero bakit ganun? Parang natuwa ako na ako yung first kiss niya?
"Wow diring diri ha?!" sabi ko sakanya. Just so you know lasagna! First kiss ko din yun aba! Ayoko lang sabihin ngayon dahil baka tawanan mo ako!
"Talaga!! Hindi ikaw yung gusto kong maging first kiss ko!!" sigaw niya sakin sa pinaka nakakarindi niyang boses!
BINABASA MO ANG
Destined By Fate
RomanceCOMPLETED (EDITING) ANO NGA BA ANG DESTINED BY FATE? ITO BA YUNG DALAWANG TAONG PINAGTAGPO NG TADHANA PARA MAGSAMA HABANG BUHAY OR PINAGTAGPO LAMANG NG TADHANA PERO HINDI NAMAN NAKALAAN PARA SA ISA'T ISA? ITO ANG KWENTO NINA DEIL AT LUNA NA MAGPAPA...