E L E V E N

2.6K 34 3
                                    



Gabby's POV


Nakaupo ako sa may sulok ng classroom at nagbabasa ng libro habang yung dalawa kong kaibigan nagda-daldalan. Kaming tatlo palang ang nasa room kasi maaga talaga kami pumapasok though 9:00 am pa ang actual class namin eh 7:30 am palang hahaha! Napabalingkwas ako sa kinauupuan ko dahil sa tili ng dalawa kong kabigan! Jezke! Aatakihin ako sa puso dahil sa mga ito eh! Si Luna lang pala ang dumating nako! Masyado kasing grand entrance biruin mo pagbukas ng pintuan eh biglang sumigaw ng good morning in Japanese.

"Ohayo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Luna habang nasa pintuan ng classroom

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!" sigaw ng dalawa

"G*go ka Luna!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" nakasibangot at nakapamewang ang dalawa pero medyo napasilip sila sa pinto dahil parang merong tao doon sa likod ni Luna.

"Hoy Luna Claire wag kang manakot! Sino yang nasa likod mo?!" Sigaw ko kay Luna at nagulat kami nang malaman namin na si Miguel pala. Tsssss! Nababadtrip ako! Umagang umaga!

"Hi girls! Sorry kung natakot kayo." Nag smile si Miguel sa amin! Wow first time in the world history ang kupal na jowa ng bff namin eh nag smile! Slow claps for this! Pero bakit parang mukha siyang matamlay? Tinablan ng sakit??? We don't know yet.

Nagkatinginan lang kaming tatlo. Tinginang alam na namin ang gusto sabihin ng isa't isa. Nakakatawa lang kasi parang ang bait bait ni Miguel ngayon! Like wow!

"Wow first time papasok ka beks ng hindi umiiyak!" sarcastic na pagkakasabi ni Mader kay Luna. Pumasok si Miguel at inakbayan si Luna.

"Magmula ngayon hindi na iiyak si Luna. Promise iingatan ko na siya and this time isasama na namin kayo sa mga date namin." Sabi ni Miguel sabay niyakap niya si Luna at hinalikan sa bunbunan nito. Duh gusto kong masuka! Dahil alam naming hindi mangayayari yung sinabi ni Miguel. Pang ilang beses na to? Pero first time yung isasama kami sa mga date nilang dalawa hahahahah! Nagpapalakas sa amin??

"Kahit wag na? Okay kami." Sagot ni Shine kay Miguel with fierce looking eyes.

"Come on girls it's time to move on. Nagkamali ako pero pinagsisihan ko nay un." Pinagsisihan?! Pagsisihan mo mukha mo!!!! Kilala ka namin mula ulo hanggang paa.

Lumapit si mader at si Shine akin at may binulong ang sabi nila "Sige kunwari maniniwala tayo pero tuloy pa rin ang OPLAN natin. Okay?" and then we agreed. Don't us Miguel matalino man ang matsing Miguel pa din!



(SABAY SABAY KAMING HUMARAP)



"Sige Miguel, deal kami." Sabay sabay din naming sinabi yan hahaha! Para kaming nakikipagpustahan sa isang Casino na kung sino ang Manalo eh ibibigay sakanya ang premyo.

"Thank you girls for giving me a chance! Sana by this time maging close na tayo." Asa ka. Umasa kang mangyayari yun duh! And then nagpaalam na si Miguel at naiwan na si Luna sa classroom.

"Thank you girls for giving me a chance! Sana by this time maging close na tayo." Shine is ridiculously imitating what Miguel said! Tawa kami ng tawa nila Mader.

"Duh?!! Gusto ko sanang sagutin na.. 'Ohh yeah yeah! In your dreams fvckboy!'" sabi ni mader Schen

"Kayo talaga mga beks!" sabi ni Luna sa amin at naupo siya sa tabi ni Shine at ako naman? Lumapit na sakanila.

Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon