FORTY

1.6K 21 0
                                    



Miguel's POV




Halos anim na buwan akong nakakulong sa asylum sa Manila dahil sa hindi ko pag-inom ng gamot. Lumala yung mga boses na naririnig ko at mas lumalala pa dahil hindi ko iniinom yung mga gamot na binibigay nila. Malungkot ditto sa asylum at mas lalong nakakalungkot nung ibinalita ni Beanie sa akin na ikinasal na sina Deil at Luna nung minsan siyang dumalaw ditto.

Ilang minuto nalang at pasko na. Darating kaya sina daddy at mommy para i-celebrate ang pasko kasama ako? Naaalala pa kaya nila ako? Ilang buwan na rin kasi mula nung huling beses akong pinuntahan ni dad ditto.

"Sana – ngayong – pasko – ay – maalala – mo – pa rin – ako. Muling Makita ka – at makasama ka – sa araw ng Pasko." Mahinang pagkanta ko habang tinitignan ko ang mga ilaw na nagsasayawan sa bintana. Di ko maiwasang maalala yung pinagsamahan namin ni Luna na hanggang ngayon tumatakbo pa sa isip ko. Napalingon ako nung may narinig akong katok mula sa pintuan.

"Merry Christmas Juan Miguel." Bati nung nurse na nag-aalaga sa akin.

"Uminom ka na ba ng gamot mo?" tumango lang ako.

"Ay very good naman. Dapat iinom ka ha para makauwi ka na sainyo."

"Oo nga pala may bisita ka ngayong Christmas eve." Naaligaga ako dahil umaasa ako na bibisitahin ako ni Luna kahit pa kasal na siya. Miss na miss ko na siya.

Buong akala ko si Luna ang dumating yun pala si Heidi kasama ang anak naming dalawa. May dala silang cake at pagkain na mukhang pagsasaluhan namin ngayong noche Buena. Kinakain ako ng pride ko kaya naman pinaalis ko sila. Ayokong Makita ako ng anak namin na nagkakaganito.

"Merry Christmas Miguel. Nagdala kami ng noche Buena natin." Bati ni Heidi sa akin.

"Bakit isinama mo pa yung bata ditto?!" natigilan si Heidi sa paghahanda ng pagkain ko.

"Gusto ka lang naman namin makasama ngayong pasko."

"Hindi ko kayo kailangan ditto!! Iwanan niyo na ako!!" pinatulakan ko sila palabas ng pintuan at wala silang nagawa dahil pagdating doon ay pumasok ang mga nurse para awatin ako sa pagwawala. May isinaksak sila sa akin na gamot at ilang minuto lang ay nakaramdam ako ng antok.

Lumipas ang pasko at bagong taon at ilang araw pa ang nagdaan hanggang sa naging buwan ang mga ito. Palala ng palala at palakas ng palakas ang mga boses na naririnig ko. Sinubukan kong uminom ng gamot pero hindi na iyon umeepekto sa akin.

"Tama na!!!!" sigaw ko habang hawak hawak ko ang ulo ko. Sobrang sakit dahil sa boses na naririnig ko.

"Hindi ako masamang tao!!!"

"Hin-di a-ko ma-samang ta-o!"

"Hindi ko pinatay si Mayor Monreal!!!!"

"Tama na parang awa niyo na!!!" tumutulo ang mga luha ko dahil sa pagmamakaawa sa mga boses na naririnig ko.

"Hindi!! Wag!! Wag niyong papatayin si Luna!!!" takot na takot ako dahil sabi nung boses papatayin daw niya si Luna kapag hindi ko pinatay si Deil!

"Anong gagawin ko!! Paano ko maililigtas si Luna!! Hindi siya pwedeng mamatay!! Mahal na mahal ko si Luna!!" nasa sulok ako at nagiisip ng gagawin para hindi mamatay si Luna.


"Tama! Tama! Si Deil!! Tama!! Si Deil ang papatayin ko!!" sabi ko sa sarili ko.


Destined By FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon